CHAPTER 35 Dayrit POV Sa bawat araw na lumilipas, hindi mawala sa isip ko si Heaven—ang babae na pinakamamahal ko, ang babaeng nawalan ng tiwala sa akin dahil sa mga pagkakamali ko noon. Oo, nagkamali ako. Nagpadala ako sa mga sitwasyong hindi ko naibalik sa tama, pero wala na akong ibang gustong gawin kundi bumawi, patunayan sa kanya na hindi na ako ang dating Dayrit na nagpabaya at nanakit. Kaninang umaga, nandoon na naman ako sa treehouse namin—ang "Ibukaka Mo" na minsang naging simbolo ng mga pangako at alaala namin. Sa tuwing nandito ako, parang nandito rin si Heaven. Naririnig ko pa rin ang tawa niya, naaalala ko ang mga yakap at halik niya—lahat ng bagay na kailanman ay hindi ko maibabalik sa sandaling hindi niya ako patawarin. Hawak ko ang singsing na binili ko para sa kanya. A

