CHAPTER 34 Heaven POV Matapos ang mahaba at masalimuot na mga taon, hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ni Dayrit. Akala ko, ang lahat ng mga alaala niya ay maiiwan na sa nakaraan—isang bahagi ng buhay ko na mahirap pero kailangang kalimutan para makapagsimula muli. Ngunit, isang araw habang nasa isa sa mga branch ng ospital na itinayo ko sa Maynila, nakita ko siya. Nakasuot siya ng simpleng polo at maong na pantalon, pero parang bumalik ang lahat ng alaala. Tumigil ang mundo ko nang magtama ang aming mga mata. "Heaven," mahina niyang sambit, ngunit ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya. Hindi ko alam kung paano magre-react. Gusto kong lumayo, pero hindi ko magawa. Ang puso ko, kahit pilit kong tanggihan, ay patuloy na naghahanap sa kanya. Lumapit siya sa akin, dahan-dahan

