CHAPTER 32 Dayrit POV Pagkalipas ng ilang buwan mula nang araw ng kasal na hindi natuloy, unti-unti kong tinanggap na tapos na ang kwento namin ni Heaven. Subalit, hindi ibig sabihin nito ay nakalimutan ko na siya. Hindi ko kayang burahin ang mga alaala niya, lalo na ang mga sandaling sabay naming pinangarap ang mundong akala namin ay para sa amin. Isang gabi, habang nakaupo ako sa balcony ng aming bahay sa probinsya, tinignan ko ang mga bituin. Naisip ko, kung nasaan man siya ngayon, sana masaya siya. Sana nahanap niya ang kapayapaang hindi ko naibigay sa kanya. Habang abala ako sa eco-farm project na binuo ko sa probinsya, isang balita ang biglang dumating. Isang kaibigan ko ang tumawag sa akin. "Dayrit, alam mo bang si Heaven Britchman pala ang may-ari ng bagong ospital dito?" tano

