The Fourteenth Star

2114 Words
Akala ko ay guguluhin ni Dave ang buong gabi ko dahil sa pinaplano nitong ambush para kay Greg, mabuti na lamang ay tinawagan siya ng parents niya at pinauwi muna dahil may importanteng bagay daw silang gagawin. Ganoon din yung dalawa ko pang kaibigan,  umuwi din muna sila sa kani-kanilang bahay kaya solong solo ko si Eugene mamaya. Like what he said sa ate niya kasi, sa bahay muna siya tutuloy para may kasama pa ako bukod sa mga kaibigan ko. Syempre sa side ko gustung gusto ko naman dahil makakasama ko yung prinsipe ko at makakatabi ko pa sa pagtulog. Nauna nang umalis si Eugene, sabi niya kasi ay kukunin niya muna yung mga gamit niya, pero nagcommute lang siya dahil hindi daw kakayanin kapag nagmotor siya. Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa silong ng punong acacia. Sabi nila ay napakatanda na daw ng puno na ito. Mas matanda pa daw ito sa school dahil nandito na ito bago pa man maitayo ang Saint Morning Academy, hindi lang daw talaga ginalaw dahil mas mainam daw na huwag ito pakialamanan. Pero ewan ko ba, parang nakakaramdam ako ng malakas na negatibong enerhiya sa punong ito. Dahil sa masyado akong curious, mukhang hindi naman siguro masama kung siyasatin ko ang punong ito. Baka kasi may makita din kasi akong bagay na makatulong sa akin sa hinaharap. Operatio (Activity) Observatio (Observatiob) Tinuon ko ang aking awra sa aking mga mata upang makita kung anong meron sa punong ito. I am well aware naman na yung mga ganitong klaseng puno ay may tinatagong lihim. Una kong nakita ang mga kaluluwang ligaw na nasa paligid ng puno. Lahat ng ito ay nakatingin sa akin. Ang pinagtataka ko pa ay para galit ang mga ito. "Anong mayroon?" tanong ko sa sarili ko. Alam ko naman na hindi nila ako masasaktan dahil kaluluwa na sila, pero sorry sila dahil ako, kaya kong gawin sa kanila yun, hangga't kontrolado ko ang oras at espasyo. Tinuon ko naman ang pansin sa puno ng Acacia, punong puno ito ng itim na awra, isang hindi magandang pangitain. May nababakas din akong kakaibang nilalang na nakatira dito, at nahihintay lang na umatake sa oras na makaipon na ito ng lakas. Maya maya po ay nakita kong dumilat na ito at alam kong naramdaman niya ang presensya ko. Sa puntong iyon ay bigla na itong naglabas ng maraming itim na enerhiya. Napansin ko na yung puno ng akasya ay naglalabas ng mga itim na mga paruparo at nagsidikitan sa mga kaluluwang nasa paligid ng puno. Doon ako kinilabutan dahil naramdaman ko na ang presensya ng mga multo, ibig sabihin ay may kakayahan na silang saktan ako. Alam kong hindi maganda ang mangyayari kaya inihanda ko na ang sarili ko isang bakbakan. Operatio - Amplio - Virtus - Defensio - Incitatio (Activity - Enhance - Strength - Defense - Speed) Agad kong itinaas ang kapabilidad ko upang hindi ako agad mapagod sa laban dahil alam kong magiging lantang gulay na naman ako pagkatapos nito. Bakit kasi napakacurious ko eh. Tulad nang inaasahan ay agad akong sinugod ng mga kaluluwa na ngayon ay may pisikal nang katawan. Agad naman ako tumalon paatras inihanda ang susunod kong kombinasyon. Creatio - Claustrum (Creation - Barrier) Agad kong paggawa ng panggalang laban sa mga asungot na ito, kailangan ko muna silang matalo bago ko kalabanin yung nilalang sa puno ng acacia. Induresco - Materia - Munitionis (Harden - Materialize - Fortification) Pagpapatibay ko sa pananggalang dahil alam kong hindi sapat yung barrier lang na ginawa ko sa creatio, pisikal na atake kasi ang gagawin nila at ang mga ginagawa ko sa creatio ay walang pisikal na anyo, kaya't kailangan ko pa itong gawing totoong bagay gamit ang induresco. Yung creatio ay parang embodiment, ngunit limitado lamang sa mga hindi pisikal na bagay ang nagagawa ko, kung mag isip man ako ng pisikal na bagay, magagawa ito ngunit wala itong pisikal na anyo oh katawan, kailangan ko pang gamitin yung ibang kapangyarihan ko para magamit ko ito. Parang mga zombie akong sinugod ng mga kaluluwa, isa lang naman ang dapat gawin ko sa kanila, alam kong hindi ko sila basta basta mapaglalaho dahil kakaiba silang nilalang, at sa estado ko ngayon, hindi ko kakayanin kung makikipagtagisan ako sa kanila. Habang nasa ganoon silang pagsugod sa akin ay tumalon ako ng mataas upang makagawa ng hakbang laban sa kanila. Spatium - Subvolo (Space - Levitate) Pinalutang ko ang aking sarili upang hindi nila ako maabot. Kaya ayan sila, nagsisiabutan sa taas, sorry kayo, I believe that you can't fly like me. Refrigero - Infirmare (Tranquility - Weaken) Pagcast ko at lumabas ang awra sa aking mga kamay, mistulan itong naging usok na kulay light blue at mabilis na dumaloy papunta sa mga zombie. Sa paraang ito ay mapapahina ko ang enerhiyang mayroon sila at mapapadali sa akin ang pagpapawala ko sa kanila. Solutio - Sido (Disintegration - Disappear) Isa naman awra na kulay pula ang lumabas mula sa aking kamay at mabilis na dumaloy sa mga kalaban ko. Noong nabalot na sila ng aking pulang usok ay isa isa na silang naglaho hanggang wala na sa kanila ang natira. Hindi ko naman sila tuluyang winasak dahil alam kong wala talaga silang kasalanan, kontrolodo lang sila. Bumaba na ako mula sa aking paglutang at tinuon ang atensyon sa nilalang na nasa puno ng acacia, ramdam ko ang galit nito sa akin. Alam kong hindi pa ako kayang labanan nito dahil hindi pa siya kumpleto pero pasensya siya, wala akong balak idamay yung puno kaya kailangan niyang lisanin yung puno. Spatium - Sucus (Space - Extract) Agad na nagflow ang aking enerhiya papunta sa nilalang sa puno at akin itong hinila palabas na madali ko namang nagawa. At dahil nga mabait akong estudyante ng Saint Morning Academy ay hilbis na ilapag ko lang ito sa semento ay inihagis ko itong pabagsak kaya nagsanhi pa ito nag pagkakaroon ng mga c***k. "Graaaaaaaah!!" pagwawala nito. Ngayon ay nakita ko na ang anyo nito, isa itong malaking babae na mukhang paruparo ngunit nababalot ito ng itim, mula sa aking paningin ko ay alam kong hindi pa siya tuluyang kinakain ng dilim. Nakikita ko rin na konektado pa rin ang enerhiya nito sa puno. Nakakakita pa rin kasi ako ng itim na link sa kanilang dalawa. Noong makabangon agad ang kalaban ko ay nakita kong tinipon nito ang kanyang enerhiya, nagtipon ang mga itim na paruparo na kung saan man sumulpot hanggang makabuo siya ng bilog. Alam kong panganib ang dala nun kaya kailangan ko itong iwasan. Ibinato nito sa akin ang itim na enerhiya at agad ko itong iniwasan, pero akala ko yun lang yun ngunit mali ako dahil sunud sunod nitong nagbato ng itim ba enerhiya sa akin. Alam kong hindi ito masama, kaya hanggan't maaari ay ayaw ko tong patulan ngunit alam kong mahihirapan ako kung hindi ko ito idadaan sa santong paspasan, kailangan ko ring bilisan dahil sa oras na mawala ang epekto ng  operatio ay agad na akong manghihina. Creatio - Orbis (Creation - Orb) Gumawa ako ng isang orb, alam kong wala pang magagawa ang ordinaryong orb na ito dahil para lang itong maliit na liwanag. Induresco - Incussus (Harden - Impact) Ginamitan ko ng pagpapatigas yung orb, yung sapat na para magkaroon ito ng impact kapag tumama ito sa kalaban. Refrigero - Infirmare (Tranquility - Weaken) Paglalagay ko ng bagong attribute ngunit ginawa ko itong passive lang upang hindi makaapekto sa lakas ng ginagawa kong energy orb. Ang tanging magiging epekto lang nito ay mapapahina nito ang kalaban sa oras na tumama ito sa kanya. Solution - Penetratio (Disintegration - Penetration) Isa lang attribute na tutunaw sa depensa ng kalaban, para siguradong madadama talaga nito ng buo ang gagawin kong nag atake. Ngayon ay nakabuo na ako ng isang bola na may pinaghalohalong kulay na indigo, light blue, light green at pula. Mayroon na akong isang bola na pwede kong gamitin para makalaban sa paruparong itim na ito. Spatium - Imperium (Space - Control) Kumpleto na ang lahat at pwede na akong umatake. Spatium - Motus (Space - Motion) Nagcast ako ng isang spatium skill upang malaya akong makagalaw sa paligid. Ngayon ay may kontrol na ako sa buong paligid. Agad ko pinagalaw yung energy orb ko at pinatama ito sa itim na nilalang na kalaban ko. "Boom!" sambit ko nang tumama yung energy ball sa kalaban ko na nagpabagsak dito. Alam kong labis itong nasaktan dahil sa lakas ng impact nung pag atake ko at isama mo pa yung epekto na idinikit sa bola ko kaya sure ako na manghihina ito. Gagawa nasa ako ng hakbang upang magapi ito ngunit naramdaman ko na malakas na itim na awra mula sa puno ng acacia, kumonekta ito sa itim na nilalang na kalaban. "Mukhang yung puno na ito ang nagsusupply ng itim na enerhiya ah." sambit ko sa sarili ko. Mukhang kailangan ko talagang gumawa ng hakbang sa puno na ito para tuluyang mawala ang dilim dito. Kailangan ko itong i-seal upang makalaya na rin silang dalawa sa kapangyarihang itim. Medyo maproseso ito pero kailangan ko itong gawin, ngunit bago iyon, kailangan ko munang pabagkasin ulit itong itim na nilalang na ngayon mas lalo pa atang lumakas. Propago - Replicare (Propagation - Replication) Agad kong pinadami yung energy orb ko at inihanda sa gagawin kong pag-atake. Sa tingin ko ay nakagawa ako ng limampung replika ng orb, sapat na para tuluyang matalo ko ang kalaban. "Pasensya na ah, kailangan kong maging harsh." sabi ko doon sa itim na nilalang. Spatium - Obruam (Space - Bombard) Ayan ang skill sequence na ginawa ko at yung mga energy orb na ginawa ko ay isa isang tumungo sa kalaban ng mabilis. Wala nang naging pagkakataon ang kalaban para makaiwas at doon ay timaan ito ng aking mga orbs. Parang mga bolang tumatalbog sa kalaban ang mga orbs ko at kapag nakakuha na ito ulit ng momentum ay babalik ito upang patamaan ulit ang kalaban. Noong huminto na ang mga orb ay ayun na ang signal ko na kaya ko nang i-seal itong kalaban ko. Spatium X Creatio X Refrigero X Induresco (Space - Creation - Tranquility - Harden) Globus  Carcerem (Sphere Prison) Inilagay ko ang kalaban sa isang bilog na kulungan na siyang magpoprotekta dito mula sa puno upang hindi na ito makakuha pa ng itim na enerhiya. Ngayon ay kailangan ko nang pagtuunan ng pansin ang puno ng acacia na naglalabas pa rin ng itim na enerhiya. Mula sa aking paningin ay pinag-aralan ko kung saan niya ito kinukuha. "So may nag infuse lang sayo ng itim na enerhiya at ginagamit nito ang mga alaalang iyong taglay mula sa nakalipas upang pagkuhanan ng lakas." sabi ko sa sarili ko na parang kinakausap ang puno. Isa lang ang alam kong solusyon para mapigilan ng tuluyan ang pagkuha ng lakas ng itim na enerhiya mula sa alaalang hawak ng puno ng acacia. Tempore X Spatium (Time and Space) Temporalis Memoria Obsepio! (Temporary Memory Black) Gumawa ako ng espesyal na espasyo kung saan ay kinontrol ako ang oras at panandaliang inalis ang kung ano mang koneksyon nito sa nakaaraan, kasalukuyan at hinaharap. Doon ay huminto ang paggalaw ng itim na enerhiya. Ngayon ay kailangan ko itong pahinain. Refrigero - Infirmare (Tranquility - Weaken) Ginamit ko yung awra ko upang pahinain ito na siya namang naging epektibo dahil unti unting lumiit na enerhiyang itim, oras na upang gapiin ito. Solutio - Pio (Disintegration - Cleanse) Unti unting ginapi ng aking enerhiya ang itim na enerhiyang itim hanggang tuluyan na itong mawala. Noong wala na akong nararamdaman na panganib sa paligid ay akin nang inalis ang epekto ng spatium x tempore sa puno upang kumunekta ulit ito sa panahon ng mundo. Tinignan ko rin yung nilalang na kinalaban ko kanina, nagbago na ang anyo nito at mukhang hindi na rin mapanganib kaya inalis ko na rin yung sphere prison sa kanya. Doon ko lamang nasilayan nang buo ang itsura nito, kapareho ng kanina ngunit ang kulay nito ay iba na, pinaghalong berde at dilaw na. Habang tinititigan yung nakalaban ko kanina ay nakarinig ako ng pagpalakpak mula sa aking likuran kaya't agad ko itong nilingon. Si Dr Mav pala iyon at papalapit ito sa akin. "Magaling, wala ka pa rin kupas pagdating sa labanan." pagpuri nito sa akin ngunit pagkalapit nito ay agad nito akong ginawaran ng malutong na batok sa aking ulo. "Siraulo ka! Sinabi ko sayong huwag na huwag ka munang gagamit ng kapangyarihan hangga't hindi ka pa bounded!" sabi nito sa akin. Bago pa ako makasagot ay nakaramdam na ako ng labis na panghihina at tuluyang nagdilim ang paningin. Nawala na pala ang epekto ng operation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD