The Eighteenth Star

2059 Words
Kay bilis ng araw, parang kahapon lang preparation lang namin para sa foundation week pero ngayon, celebration day na. Napabilis para sa akin dahil sa mga naging pagsasanay ko sa mundo ng mga diwata. Tatlong araw ba naman ang katumbas ng pamamalagi ko roon. Tapos dahil lagi akong lumiliban sa mga rehearsals namin sa pageant ay wala nang nagawa si mam Mylla kung hindi alisin ako sa kompetisyon na siya namang sinangayunan ko dahil ayaw ko makalaban sa patimpalak si Eugene na mahal na mahal ko. Nagrereklamo pa nga ito dahil hindi na daw niya ako makakasama, lalo pa't noong naalis ako ay kinailangan ko na tumulong sa mga kablockmate ko sa pag-aayos da booth namin na maze. Ewan ko ba kung anong naisip nila kung bakit maze pero may tema naman itong outer space. Kung ako tatanungin niyo, hindi ko gusto yung kinalabasan nung booth namin, hindi talaga siya attractive kaya hanggang sa ngayon ay nakatengga kami dito sa booth at pakaunti unti lang ang pumapasok. "Ano ba yan, akala ko pa naman ay tatalab itong outer space choo choo natin." reklamo ni Mio sa amin. Nakasuot siya ng damit na parang moon goddess kaya ang ganda niya tignan. "Ayos lang yan, malay mo mamayang hapon dumami na ang tao." pagpapagaan naman sa loob niya ni Jules na nakasuot naman ng sun god na costume. Mala star guardian din kasi ang theme talaga, pero medyo palpak dahil hindi mukhang outerspace and loob kundi isang junkyard. Maya maya pa ay tumunog na ang bell, nangangahulugan dapat iwan namin ang aming mga booth at pumunta na sa main hall para sa opening program. Ayun na rin ang kinuha kong pagkakataon para pumuslit sa mga kaibigan ko, for sure hindi na nila mahahalata na mawawala ako kaya agad agad akong nagtago. Hinintay ko lang na mawala ang lahat ng tao sa booth upang maisagawa ko ang aking plano. Gusto ko kasi talaga pagandahin itong booth namin kaya gagamitan ko ng kaunting magic. Pumasok ako sa loob ng booth pumunta sa sentro upang madali kong maikalat yung enerhiya ko. Salamat sa spirit animal ko, kahit hindi ko magamit ang natural energy sa natural talent ko ay napababa naman nito ang pagkonsumo ko sa enerhiya na nagagamit ko. Operatio - Reperio (Activity - Detect) Gamit ang operatio ay agad kong sinuri ang kapaligiran at matantya ang mga gagawin kong pagbabago. Tiniyak ko rin na wala nang tao sa loob upang walang makakita sa gagawin ko. Noong magawa ko na ang pagchecheck sa paligid, agad ko nang sinimulang ang proseso ng pagpapaganda. Creatio (Construction) Doon ay inisip ko kung anong gusto kong kalabasan ng booth, noong lumabas na ito sa aking isipan ay agad kong pinakawalan ang awra ko sa paligid. Sa paggapang ng enerhiya ko ay nagbabago din ang nadadaanan nito, ang mga dating walang buhay na pated ay naging animong glow in the dark na may korteng mga bato sa buwan. Ang kapaligiran din ay nagbago, ang kisame ay nagmukha talagang langit na puno ng mga bituin at nagkaroon din ng mga lumulutang lutang na ilaw sa paligid na parang mga alitaptap na nagliliparan sa paligid. Nakaramdam man ako ng pagod sa ginawa ko ay solved na solved naman dahil kitang kita ko ang naging improvement sa buong maze. Nagmukha na talaga itong pang universe effect. Lumabas naman ako agad upang pumunta sa main hall para makisali sa opening. Nanghihina man ay nagawa ko pa ring makapaglakad. Salamat kay Foxy, ang aking spirit animal na nagsusustento sa akin ng dagdag na lakas upang hindi agad ako bumagsak. Sa aking paglalakad ay nakita ko si Eugene na mukhang papunta sa booth namin. Halata pa sa kanya na tumakas lang siya dahil tila nagmamadali ito. "Oy!" pagtawag ko sa atensyon niya. Lumingon naman agad ito at agad nagpakawala ng ngiti nang masilayan ako nito. Agad din naman lumapit sa akin at binigyan ako ny mahigpit na yakap. "Namiss kita agad." sabi nito sa akin na parang matagal kaming hindi nagkita Sa totoo lang ay namiss ko din siya agad, kahit na magkayakap kaming natulog kagabi at magkasabay na kumain ng agahan. "Miss you too." pagsagot ko sa kanya at yumakap din pabalik. Advantage na rin to para mabawi ko yung lakas kong nawala sa pagpapaganda ng booth namin. "Hindi ba't magpapakilala na kayo sa opening program? Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. Napakamot naman ito ng ulo sumagot sa akin. "Hindi kasi kita mahanap sa mga audience kaya tumakas ako para hanapin ka. Tara na nga doon, baka mabatukan na ako ni ate." sabi nito sa akin at hinila na ako papunta sa main hall. Tulad ng inaasahan ay madami ngang tao sa loob. Hindi lang kasi mga estudyante ng eskwelahan ang nandito, pati na rin mga bisita galing sa labas ay naririto. Mukha naman hindi pa nagsisimula ang opening program dahil wala pang tao sa stage. Dinala ako ni Eugene sa bandang harapan at pinaupo sa isang upuan malapit sa stage. Mukhang reserved itong mga upuan para sa mga kalahok sa patimpalak. "Oh." sambit ni Eugene sa akin kasabay ng pag aabot niya ng pagkain at inumin para sa akin. Napangiti naman ako sa pagkasweet ng prinsipe ko. Alam na alam niya kung kailan ako gutom kaya nagbibigay ng pagkain. "Salamat, pero ikaw nakakain ka na ba?" pagpapasalamat ko at pagtatanong na rin sa kanya. "Oo tapos na ako." sagot naman nito at pinisil ang pisngi ko. Tinignan ko yung ibang contestant, sila rin ay may kanya kanyang dala na panauhin na nakaupo sa tabi nila, yung iba magjowa yung iba nanay ata nila ang kasama. "Anong oras magsisimula yung opening?" tanong ko sa prinsipeng ngayon ay nakaakbay sa akin habang ninamnam ang pagkain na binigay niya sa akin. "Magsisimula na rin, pinadelay ko lang para masiguradong kasama kita dito sa panunuod." sagot nito sa akin. Nakalimutan kong isa ang pamilya niya sa founder ng school na ito. Malamang sa malamang ay gumamit ito ng koneksyon. "Ikaw talaga, inabala mo pa yung programa." natutuwa kong sambit dahil nagawa pa niya talaga yun para sa akin. "Lahat kaya kong gawin para sayo, kahit ipatigil lang itong foundation week, makasama lang kita." seryoseryosohang sabi nito habang nakaharap sa stage. Papogi points pa ito eh, alam na alam niya talaga kung paano ako pakiligin. Kaunting sandali lang ay nagsimula na nga ang opening ceremony. Lumabas sa entablado si madam Mylla na suot ang isang dress light pink na dress na talagang bumagay naman sa kanya. "Ganda ng ate mo ah." komento ko kay ate Mylla habang kinakausap si Eugene. "Maganda nga gurang naman." mapait na sabi nito sa akin tyaka mas hinigpitan ang pag akbay sa akin. Halata na pati ate niya ay pinagseselosan niya. "Loko ka, ate mo kaya yan." sabi ko sa kanya. Nagpatuloy ang opening program hanggang sa dumako na sa pagpapakilala ng mga kandidato ng Mr Saint Morning Academy 2017. Panandalian muna akong iniwan ni Eugene para umakyat sa stage para sa gagawin nilang pagrampa. Kasalukuyan silang nakasuot ng casual wear dahil ito ang costume nila para sa opening. Isa isang nagpakilala lahat ng kalahok at isa lang ang masasabi ko, lahat sila ay gwapo ngunit wala sa kanila ang kayang tumumbas sa kakisigan ni Eugene. Noong si Eugene na ang magpapakilala ay naghiyawan na lahat ng tao sa palikid, mukhang siya talaga ang inaabangan nila. "Good morning everyone, I am Eugene Timothy Black, 17 years old, senior high block A!" pagpapakilala nito tyaka dumako sa gawi ko at binigay ako ng isang matamis na ngiti. Pagkatapos noon ay naghiyawang muli ang mga tao. Yung iba ay talagang nagtatatalon pa. Ibang iba kasi talaga ang dating niya mas lalo't bumagay ang kulay orange na polo shirt na pinili ko para sa kanya. Natapos ang opening ceremony at oras na rin ng tanghalian kaya paniguradong puno ang mga kainan sa loob ng school kaya ang ginawa ni Eugene ay dinala niya ako sa isang bakanteng classroom. "Buti na lang ay nagbaon ako ng makakain natin." sambit nito sa akin. "Mukha naman anticipated mo na yung mangyayari." sabi ko dito. "Ganito kaya lagi every year, ang pinagkaiba lang ay magkasama tayo ngayon." sabi niya sa akin tyaka nagbigay ng payak na ngiti sa pisngi ko. Hindi rin naman nagtagal ang aming pagkain na puro harutan at subuan ang ginawa namin. Hindi mo kasi talaga maiaalis kay Eugene ang pagiging pilyo mas lalo't kusa daw itong lumalabas kapag kasama niya ako. Panandalian kaming humiwalay sa isa't isa upang tumungo sa kanya kanya naming mga booth. Nasa daan na ako'y hinarang ako ng halloween three na akala nila ikakaganda nila. "Mag-isa ata ang hilaw." sambit ng pinakapangit sa kanila na si butanding. "Kasi wala akong kasama, hindi tulad niyo, nagsamasama, para tuloy halloween party kahit magsasummer pa lang." sagot ko naman. Ramdam ko rin yung tuwa ni Foxy sa pagsagot ko. Isa rin kasi itong espirito na ito na maloko. "Pilosopo ka rin talaga eh no?" sabat ni voodoo bungal doll sa akin. "Mas ok nang maging pilosopo kesa maging mukhang aso." pagbaling ko sa kanya. "Aba talagang ginagalit mo kami ah." asik ni Barneyzilla the baklang dinosaur. Alam ko namang dadaanin nila ako sa pisikalan kaya gumawa na agad ng patibong para sa kanila. Sana lamang ay magustuhan nila ang aking munting surpresa para sa kanila. Buti na lang ay lagi akong handa kaya kinuha ko agad ang isang horn spray sa aking bag at agad na itinutok ito sa mukha ni butanding tyaka ito pinatunog. Alam kong nagulantang ito dahil lakas ng tunog nito kaya pati mga kasama niya ay nagulat din, ayun na ang ginamit kong pagkakataon kaya nakatakas ako sa mga pinakapangit na nilalant sa Saint Morning Academy. Hindi rin nagtagal ay narating ko rin ang booth namin. Ang kaninang halos walang katautao na lugar ay ngayon ay pinipilahan na. Agad naman lumapit sa akin ang isa sa mga kaklase ko nang makita ako nito. "Bakit ang dami atang tao ngayon?" maangmaangan kong tanong sa kanya. "Hindi ka maniniwala sa nangyari Jiro sa nangyari pero bigla na lang nagtransform ang loob ng booth natin. Parang naging makatotohanan ang nasa loob kaya ang daming nasa loob." tila excited na balita nito sa akin. "Tara tignan mo dali." pagyaya nito sa akin. Sinunod ko naman ang sinabi niya at tinignan ang kaganapan sa loob. Mukhang naging mabisa nga ang ginawa ko dito dahil halos mapanganga ang mga nasa loob. Nakita ko rin sina Mio at Jules na umaakto ayon sa costume nila. Pero ngayon ay kakaiba dahil tila mas nag improve din ang wangis nila. "Hoy." sabi ng isang boses sa likod. "Ay tyanak!" gulat na reaksyon ko nang makita sa gilid ko si Dave na nakasuot ng itim na tshirt at pantalon. Ayon kasi ang mga uniform namin bilang staff upang hindi kami agad makita. Pinalo naman niya agad ang balikat dahil sa inis. "Ngayon nga lang tayo nagkitang araw ba ito ayan pa bungad mo sa akin." reklamo niya sa akin. "Ikaw kasi nanggugulat ka eh." pagdadahilan ko naman sa kanya. "Lagi naman eh." sabat niya pa. "Nga pala, ang galing ng booth natin no? Parang may magic." sambit nito sa akin habang tinitignan ang paligid. "Oo nga eh, nagulat na lang ako nang makitang maraming nakapila sa labas, ayon pala ay nagbago pala setup nitong booth natin." pagkukunwari kong sagot dito. "Grabe, uso pala himala ngayon, siguro'y binasbasan ng mga bantay ng lugar na ito ang booth natin kaya gumanda." sabi niya sa akin. "Akala ko nga nagpatulong ka sa mga katulad mong engkanto para pagandahin mo itong booth natin. Akalain mo yun, may silbi rin pala kayo." pang aasar ko sa kanya kaya nakatikim ako sa kanya ng sipa sa binti. "Tigil tigilan mo ako Jiro kung ayaw mong maengkanto." banta sa akin ni Dave na kinatawa na rin naming dalawa. Nagpatuloy ang araw at naging patuloy rin ang pagdagsa ng mga tao sa booth namin na mala outerspace ang dating. Mukhang labis talagang nakatulong ang ginawa kong kaunting magic trick. Natapos din ang araw at hinanda na rin naming isara ang booth upang walang ibang makapasok. "Bukas ulit guys!" pagpapaalam ng isa naming kaklase bago kami naghiwahiwalay. Sa aming pag uwi ay usapan pa rin ang nangyari ngunit mas nangingibabaw ang pagpapasalamat nila kaya naman naramdaman ko na... Isa talaga akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD