Nandito kami ngayon sa isang lawa na may bato sa gitna. Siguro ay dito gaganapin ang seremonya kaya dito nila ako dinala. Nakarating din kami pagkatapos ng napakatagal na oras. Paano ba naman si Amang Pagong, kung ano ikinabilis niyang kumilos kanina eh ayun naman ang ikinabagal niya sa paglalakad patungo dito. Inabot ata kami ng oras sa paglalakad lang.
"Ano pong ginagawa natin dito?" tanong ko kay amang pagong.
"Dito mo makikita ang espirito ng hayop na magiging katuwang mo." sagot naman nito sa akin sabay turo sa lawa sa harapan namin.
"Paano po natin siya mahahanap?" tanong ko sa kanya. Mukhang maglalaro pa kami ng hide and seek ng espirito ng hayop na ipagkakaloob sa akin.
"Kailangan mo lamang marating ang batong iyon nang hindi ka lumalangoy sa lawa." sagot nito sa akin.
Seryoso ba siya doon? Malayo yung bato at kung hindi ka talaga lalangoy ay hindi mo mararatating yun basta basta. Wala ding bangka sa paligid kaya imposible talaga. So ang kailangan kong gawin ay maglakad sa ibabaw ng tubig oh kaya tumalon papunta to, pwede ding lumipad na lang ako.
"May tanong po pala ako amang pagong, bakit po bawal lumangoy dyan?" tanong ko sa kanya. Curious kasi talaga ako.
"Dahil hindi ito lawa na puno ng tubig ngunit lawa ito ng iba't ibang espiritu. Kung lalapitan mo ito at titignan ay makikita mo ang pigura ng iba't ibang anyo dito. Sa oras na lumangoy ka dyan ay maaaring hindi ka na makaahon at kainin na ng lawa ang kaluluwa mo at tunawin ang pisikal mong katawan" sagot naman sa akin ni amang pagong.
"Ahhh, sige po, madali lang pala, ano pong gagawin pagdating ko sa bato?" pagyayabang ko kay amang pagong. Pero ang creepy talaga nung sinabi niya tungkol sa paglangoy sa lawa ng mga espirito.
"Nakakatuwa ka bata, halata naman na kaya mo kaya hindi na ako nag-aalala, basta umupo ka na lang doon at hintayin ang espirito na tutumbas sa espirito mo. Isa lang dyan ang makakalabas. Ipapaliwanag ko na lang ang tungkol sa espirito na yun kapag natapos ka na." sabi nito ni amang pagong sa akin.
Wala na akong inaksayang panahon at agad na akong nagcast ng attribute para makalipad papunta doon.
Spatium - Subvolo (Space - Levitate)
Habang lumilipad ako sa ibabaw ng lawa ay nakikita ko ang iba't ibang pigura dito. May kwago, liyon, tigre, unggoy - teka bakit nandyan si Dave? Biro lang. Sa aking pag-usad sa himpapawid ay may isang bukod tanging espirito ang pumukaw sa pansin ko.
Ito lang kasi yung tanging nakikita ko na nagliliwanag na asul ang mga mata at talagang sumusunod ito sa aking paggalaw at hindi tulad ng iba na steady lang at mukhang hindi ako napapansin.
Paglapag ko sa bato ay akala ko ay maghihintay pa ako nang matagal pero pagkatapak na pagkatapak ko ay agad lumabas ang isang nagliliwanag na bilog mula sa lawa at nagpaikot ikot sa paligid na parang nagsasayaw sa tuwa.
Sa bawat daraanan nito ay tila may bahagharing naiiwan kasabay ng mga makikislap na bagay na parang ulan na bumabagsak sa lawa.
Hindi nagtagal ay huminto ito sa harapan ko. Alam kong ito ang espiritong sumunod sa aking paglipad. Parang may sinasabi nito sa akin, gusto nito na lumipad ako kasama niya.
Dahil ayun ang kagustuhan ng espirito ay muli kong pinaangat ang aking sarili gamit ang levitate. Biglang nagpaikot ikot sa akin ang bilog na liwanag muli ay sinabi nito sa akin na sabayan ko siyang lumipad. Wala mang naririg na salita ay kusa kong naiitindihan ang gusto nitong ipahiwatig.
Tumalima ako sa kagustuhan nito at sinabayan ko itong lumipad sa ibabaw ng lawa. Para kaming naglalaro ng habulan, tila nawala na rin sa isip ko na nasa gitna ako ng seremenyo ng paggagawad ng espirito.
Maya maya pa ay unti unting nagliwanang ang bolang espirito na lumilipad kasama ko hanggang isabog niya ito at doon ay lumabas ang tunay nitong anyo.
Isa itong lobo, pero hindi lang basta isang lobo, malaki ito na kulay puti hindi gaya ng mga nakikita sa telebisyon. Ang kamangha mangha pa dito ay mayroon itong siyam na buntot na kumikinang habang sumasabay sa daloy ng hangin habang kami ay lumilipad.
Sa aming paglalaro ay unti unting nagiging isa ang aming galaw hanggang maramdaman ko na kami ay iisa na. Tuluyan nang sumanib sa akin ang lobo na may siyam na buntot.
Agad din naman akong lumapag sa harap ni amang pagong na mukhang gulat na gulat sa mga kanyang nasaksihan.
"Amang pagong." pagtawag ko sa pangalan niya. Parang natulala pa si amang.
"Kamangha mangha, walang kahirap hirap mong nasagawa ang seremonya ng paggagawad ng espiritu. Hindi lang iyon, ang proseso ay napakabilis, karaniwan ay inaabot ng oras bago lumabas ang espiritu sa lawa ngunit sayo ay agad itong nagkita. Isang napakagandang senyales ito." lintanya nito sa akin.
"At ang mas kamangha mangha pa ay isang pangunahing espirito ang lumukob sayo Jiro." dagdag niya pa.
"Pangunahing espirito?" nagtataka kong sabi dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Sila ay mga makapangyarihang espirito hindi tulad ng mga normal na espirito na may kanya kanyang pamayanan sa kanilang dimensyon, ang pangunahing espirito ay lagalag at walang katulad. May taglay silang kakaibang kapangyarihan nawala sa iba." sagot nito sa akin.
"Tara, kailangan na nating bumalik, doon na lamang natin pag usapan ang tungkol sa iyong nakuhang kapangyarihan." pagyaya nito sa akin kaya sumama na ako sa kanya.
Ngunit dahil pilyo ako at alam kong matagagalan kami kapag maglakad kami ay walang anu anong binuhat ko sa amang pagong at inilipad ito pabalik sa tirahan nito. Ayaw ko namang abutin na naman kami ng oras para makauwi, para kasing traffic sa daan ni Amang kapag maglalakad siya.
Tarantang taranta naman si amang pagong at talagang nagtago pa ito sa kanyang talukab.
Pagbaba namin ay nanatili itong nakatago.
"Amang pagong, nandito na tayo." sabi ko rito ng makalapag na kami.
"Ano bang klase kang nilalang, wala man lang pasabing inilipad mo ako." sabi nito sa akin, mukhang takot na takot pa rin.
"Alien po ako at hilig ko talaga ang himpapawid." sagot ko rito.
"Pwes isa akong pagong at mas gusto ko dito sa lupa." sagot naman nito.
"Oh anong nangyari kay Amang Pagong?" tanong ng kararating lang na si Mariposa.
"Ayun takot pala sa mataas na lugar ang lolo, kaya ayan, mukhang nanginginig pa siya." sagot ko naman.
"Ano bang ginawa mo?" tanong nito sa akin.
"Inilipad ko si Amang pauwi para mabilis kaming makabalik." painosente ko namang sagot.
Napailing naman si Mariposa ngunit nakangiti ito.
"Ayan Amang, naranasan mo ring lumipad." sabi nito kay Amang na ngayon ay prente nang nakaupo sa kanyang trono.
"Oh siya pag usapan na natin ang nanatakda mong pagsasanay upang magamit mo ng maayos yang pinagkaloob naming kakayahan sayo." sabi ni Amang Pagong kaya umayos na ako para makanig sa kanyang sasabihin.
"Hindi normal ang lumukob sayong espirito kaya't medyo kumplikado ang magiging pagsasanay mo. Hindi tulad ng normal na espirito na sila na mismo ang nagsasanay sa mga napili nila sa kanila pamayanan. Ang sayo ay iba, kailangan mong kausapin ang iyong espirito at alamin ang mga kaya niyang gawin." saad ni Amang Pagong.
"Ngunit bago ka magsimula doon, kailangan mo munang matutunan kung paano mo magagamit ang enerhiya lang kalikasan. Kailangan mong bumalik dito upang matutunan ito, lahat ng dapat mong malaman ay isasaad ko sayo sa pagbabalik mo dito. Sa ngayon ay kailangan mo nang umuwi." sambit nito sa akin.
---
"Hoaaaah!!" reaksyon ko nang makalabas ako sa puno ng Acacia.
Mukhang pareho sa mga napapanood at nababasa ko ang scenario ko ngayon. Paglabas ko kasi sa puno ay papalubog pa lang ang araw.
"Bumalik ba tayo ng ilang oras?" tanong ko kay Mariposa.
"Hindi." simpleng sagot ni Mariposa.
"Eh bakit hapon pa lang?" tanong ko sa kanya.
"Malamang tatlong araw na ang nakalipas sa mundo ninyo." sagot nito na sadyang ikinagulat ko.
"ANO!!!????" reaksyon ko sa sinabi niya.
"Oh bakit ka nabigla?" tanong nito. "Mabagal lang kasi talaga ang daloy ng oras sa aming mundo kaya ganito ang nangyari." sambit nito sa akin.
Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa nangyari. Para namang ewan, wala man lang akong kaupdate update sa mga nangyari sa loob ng tatlong araw.
"Oh siya paalam na Jiro. Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng iniirog mo. Basta ang alam nila ay pinuntahan mo ang mga magulang mo kaya ayun ang irason mo sa tanong nila ah." pasimpleng sabi at bilin ni Mariposa at umalis na ito.
"Ano nang gagawin ko niyo?" tanong ko sa sarili.
Feeling ko nanghihina ako kaya alam kong hindi ko kakayanin magteleport na lang pauwi. Maya maya ay may narinig akong tumutunog sa gilid ko. Pagtingin ko dito ay nakita ko ang cellphone ko ang nagririnig.
"Paano to napunta dito?" tanong ko sa aking sarili.
"Hello?" bungad kong sabi pagkasagot ko dito.
"Hello!? Jiro!? Nasaan ka!?" sunud na sunod na tanong sa akin ni Eugene.
"E-eh Eugene, nandito ako sa school ngayon." sagot ko sa kanya.
"Ano pang ginagawa mo dyan? Nag uwian na ang lahat ah?" tanong nito sa akin.
"Balak ko sana kayong surpresahin kasi hindi ko na kayo inabutan." sagot ko dito.
"Ganoon ba? Huwag ka munang aalis dyan ah, susunduin na kita dyan." sabi nito sa akin.
Mukhang alam na alam ni Eugene ang gagawin niya ah, pagod na talaga ako at pakiramdam ko ay tutumba na ako kung pipilitin ko pang gumalaw.
"S-sige, yun din sana ipapakiusap ko eh, kaso ikaw na ang nag-alok." sabi ko rito.
"Ikaw pa ba prinsipe ko, syempre miss na kita kaya ako na gagawa ng paraan para makita kita agad. Oh siya baba ko muna to at hintayin mo ako dyan ah." sabi nito sa akin na nagpakilig sa akin.
Pagkababa ng tawag ay ibinulsa ko na ang phone ko. Pakiramdam ko ay may kinalaman si Dr Mav at Mariposa kaya nakarating dito ang cellphone ko na iniwan ko nung gabing dinalaw ko si Mariposa.
Pinikit ko muna ang aking mga mata, pinakiramdaman ko ang paligid. Parang kasing nagbago ko ang aking pakiramdam. Parang kaisa ako ng kalikasan.
Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman ko na may parang presensya sa aking harapan kaya idinilat ko ang aking mata.
Doon ay muli kong nakita ang lobong na may siyam na buntot. Para itong nagpapaamo sa akin. Agad ko naman nitong hinawakan at nilaro. May kung anong pumapasok sa isip ko na mga salita, tipong mga bagay na sinasabi sa akin ng lobo.
Itinuturo nito sa akin kung paano ko magagamit ang kalikasan. Kung paano kong titipunin ang enerhiya nito at kontrolin ito.
Sinunod ko naman ang sinabi nito sa akin. Ayon sa kanya ay paghusayan ko daw ang pagdama na kaisa ko ang kalikasan upang maramdaman ko ang enerhiya nito sa paligid na siya ko namang ginawa.
Habang nasa ganoon akong pagkoconcentrate ay siya namang pagkaramdam ko ng isang malambot na bagay na dimikit sa labi ko.
Idinilat ko na lang ang mga mata ko at nakita si Eugene na malapit ang mukha sa akin.
"Pikit na pikit ka prinsipe ko ah." sabi nito sa akin suot suot ang napakaganda niyang ngiti.
"Inaantok na kasi ako eh." sagot ko naman dito. Mukhang mas nakaramdam ako ng pagod dahil sa naudlot kong konsentrasyon. "Payakap nga." sabi ko pa at agad na sinunggaban ng yakap ang lalaking nasa harap ko.
Agad naman niya akong sinapo upang hindi ako matumba.
"Namiss kita." sabi ko sa kanya.
"Ako din namiss kita, halos hindi mo kasi si nasagot ang tawag ko." tampu tampuhan nito sa akin.
"Naiwan ko kasi sa bahay yung phone ko kaya halos hindi ko nasagot mga tawag mo, kanina ko nga lang nakita eh." pagpapaliwanag ko.
"Ayan dahil namiss kita ay kakain tayo sa labas." sabi nito sa akin at humalik sa aking labi.
"Libre mo ah." suhestyon ko sa kanya.
"Syempre naman. Ikaw pa ba?" pagpayag nito sa akin.
Buti na lamang ay nakayakap na ako sa kanya, kahit papaano ay nakapag ipon ako ng kaunting lakas para sa dinner date naming dalawa.