Nandito na ako ngayon sa labas na school at papasok rin nang harangin ng Halloween Three, pakiramdam ko ay may masamang balak na naman itong mga to eh.
"Well well well nag-iisa ka ata langgam." bungad nito sa akin at talagang hinarangan nila ang daan ko. Yung dalawang kasama niya naman ay nasa gilid ko.
"Tsk." tanging yan lang ang ginawa kong reaksyon para maasar si butanding.
"Aba, talaga atang hinahamon ka nito oh." singit ni Voodoo doll bungi.
Nakita ko namang nagngingitngut na ito sa galit. Itinaas nito ang kamay niya isinampal sa akin pero dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy ay iniwasan ko ito dahilan para ang tamaan niya ay si Voodoo Doll.
"K.O.!" pagsabi ko na parang announcer sa boxing.
"Humanda ka ngayon!" sabi naman Barneyzilla at hinuli ako ngunit nakaiwas naman ako ulit at pinatid ito kaya ito napada sa semento.
"Aray." reklamo nito sa akin.
"Talagang ginagalit mo ako.." sabi ni butanding nang matigilan ito dahil sa pumatak sa kanyang ulo.
Agad naman niyang tinignan ito at nang mapagtanto kung ano ang nasa buhok nito ay doon na siya nagreact.
"YUCCCCKKK!!! ANO TOOOO!!" reklamo nito habang diring diro sa ipot ng ibon na bumagsak sa kanya.
Ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon upang umalis nang hindi nila napapansin.
Sa paglalakad ko ay napadaan ako sa punong acacia, doon ay nasilayan kong si Mariposa na nakaupo sa isang sanga nito. Ngumiti ito sa akin at nag-wink, kaya napatawa na lang ako dahil pinapahiwatig niya na siya yung nagpadala nung missile bomb sa ulo ni butanding.
Nagpasalamat na lang sa kanya nang mahina, alam kong maiintindihan niya yun.
Pagdating ko sa spot kung saan itatayo yung booth namin ay tulad pa rin ng dati, abala pa rin ang lahat sa paggawa ng mga gagamiting props.
"Oh kumusta ka na?" tanong sa akin ni mam Mylla, itong teacher ko na ito, matagal na palang alam na alien ako.
"Kayo mam ah, asawa mo pala si Dr Mav pero hindi mo sinasabi." sab ko sa kanya.
Napatawa naman si mam sa sinabi ko at umupo ito sa tabi ko.
"Syempre sikreto nga di ba? Ikaw talaga, huwag kang mag-alala, walang makakaalam niyang tinatago mo." sabi nito at lumapit pa sa tenga ko. "Pati pagpapanggap mo na nagkaroon ka ng amnesia." bulong niya sa akin.
Napatawa na naman nito dahil grabe pala, todo acting pa ako sa kanya tapos alam din pala niya, pero in fairness ah, ang galing din umakting nitong sa mam.
"Alam mo bang noong itinawag ni Mav sa amin na nawalan ka nga daw ng malay eh itong si Eugene ay aligaga na mapuntahan ka?" sabi nito sa akin. "Pero babalaan na kita ah, sa ngayon ay maganda ang pinapakita sa inyo ng tadhana pero sana lamang ay panigan kayo ng buwan." dagdag niya pa.
Nahiwagaan ako sa sinabi niyo tungkol sa buwan. Anong meron? Bakit kailangan kaming panigan nito
"Sa hinaharap ay malalaman mo rin ang sinasabi ko pero ang hiling ko sayo ay unawain mo ang kapatid ko at alagaan, he sometimes wreckless kaya minsan napapaaway yan. Ngayon ko nga lang nakita na nabaliw yan sa isang tao." saad pa ni mam.
Hay mukhang dudugo ilong ko sa kanya eh, masyadong matalimhaga.
"Pero mam, ano pong meron sa buwan at bakit kailangan niyang pumanig sa amin." tanong ko sa kanya.
"Bilog, maliwanag sa gabi, minsan buo minsan tago." pamimilosopo nito sa akin.
"Mam naman eh, seryoso, anong meron?" tanong ko pa ulit.
"Ayun ba? Sa amin kasi may mga kwento kwento daw na ang buwan ang nagpapasya ng buhay pag-ibig ng isang tao. Kapag may nakatagpo ka daw na tao na hindi daw itinadhana ng buwan para sayo, sa bandang huli ay hindi kayo magkakatuluyan." saad niya.
"Sus, hindi uubra sa akin ang tadhana mam, alam mo naman kung ano ako di ba? gagawa ako ng paraan para kami ni Eugene ang magkasama sa bandang huli." proud kong sabi sa kanya.
"Go lang, boto naman ako sayo bilang brother-in-law, tyaka ikaw lang kasi ang susi para magbehave ang kapatid ko na palaaway." sabi nito sa akin.
"Magbehave?" tanong ko naman, curious kasi ako sa mga ginagawa ni Eugene kapag hindi siya nagbebehave.
"Laging nakikisali sa gulo yun mas lalo sa amin, kung dito sa school mukhang mas maangas si Greg, sa lugar namin, si Eugene ang number one. Pero ang maganda lang kay Eugene e never nambabae, malaki kasi respeto niya sa amin ni mama." sagot naman neto.
So basag ulo pala yung prinsipe ko, hindi ko na siya nakitang nakipag-away, pero sa tingin ko malakas talaga siya kasi noong nasa gubat kami, walang kaeffort effort niya akong binubuhat.
"Oh siya, balik muna ako para isupervise ang mga kaklase mo ah." sabi ni mam Mylla at lumapit na sa mga kaklase.
Sakto naman na palapit na rin sa akin yung tatlo kong kaibigan.
"Kumusta ang checkup kay dok?" tanong ni Dave sa akin.
"Oo nga, tyaka bakit biglaan ata?" tanong din ni Mio.
"Ano kasi guys, naaalala ko na kung gaano kayo kapangit kaya binangungot ako kagabi." sagot ko kaya nakatanggap ako ng malutong batok sa nag iisang bisugo ng grupo.
"Aray!" daing ko sa kanya.
"Ayus ayusin mo pagsagot mo, para ka nang walang amnesia, bumalik na pagiging pilosopo mo." sabi ni Jules sa akin.
"Wala naman na kasi akong amnesia, kaya ganito na ako." sagot ko na kinalaki ng mata nung tatlo.
"Kyaaaah!!!" pagtili ni Mio.
"Nagbalik na ang dakilang adik sa aming grupo!!" sigaw pa nito kaya napatingin sa amin yung mga kaklase namin.
Yan tuloy nabatukan din ni Jules.
"Araaaaay!!" reklamo nito tyaka pinalo si Jules sa brase. "Masakit yun ah!!"
"Kaya ka ba pinatawag ni dok Mav dahil sa pagbalik ng alaala mo?" tanong ni Dave sa akin.
"Oo, bigla nga kasi akong binangungot noong mapanaginipan ko kay, kaya bumalik alaala ko." pamimilosopo ko sa kaibigan ko.
Alert! Beastmode na si Dave, baka maging Pokemon na siya at mag mega evolve.
"Ikaw talaga!" sabi nito at akma nito akong susugurin nang may nagsalita sa likod.
"Sige subukan mong hawakan ang prinsipe ko at ikukulong kita sa isang kwarto kasama tong so Greg." sabi ng isang boses sa aking likuran. Alam ko naman kung kanino ito.
"Talaga bro gagawin mo yun?" tanong pa ng isang boses na kilala ko rin kung kanino.
"Oy Dave ituloy mo yang gagawin mo nang makasama kita sa isang kwarto." sambit pa ni Greg na siyang ikinamula ni Dave.
Naramdaman ko namang may yumakap sa likod ko, acting overprotective na naman si Eugene.
"Inaaway ka ba ng mga ito?" tanong nito sa akin. Alam ko namang tinatakot niya lang ang mga kaibigan ko.
"Hoy hindi aahhh mabait kaya kami." sabat agad ni Mio. "Tara na guys, hindi ba may gagawin pa tayo?" tanong niya kay Jules at Dave tyaka ito hinila pero hindi pa man nakakaalis ay kinuha agad ni Greg si Dave at kinarga niya sa balikat nito.
"Pasensya na sa inyo pero kailangan ko munang dukutin tong kaibigan niya." sambit nito at walang sabi sabi ay itinakbo nga niya si Dave.
"Hoy ibaba mo ako!!" reklamo naman ng kaibigan kong maliit na para lang sako na binuhat ni Greg.
Pagbaling ko naman ang atensyon ko sa mga kaibigan ko ay nakabalik na sila sa pwesto nila.
"Kumusta ang checkup mo?" malambing na tanong sa akin ni Eugene.
"Ayos naman daw, alagaan ko lang daw ang sarili ko nang hindi ako nasasangkot sa gulo." sagot ko sa kanya.
"Edi aalagaan din kita para hindi ka masangkot sa kung anong gulo." sabi nito sa akin tyaka inamoy amoy ang likod ko.
"Sus, sabi nga ng ate mo lagi ka daw may dalang gulo sa inyo eh." sabi ko sa kanya.
"Uy dati pa yun, behave na ako ngayon kasi baka magalit yung prinsipe ko." tugon naman niya sa akin.
"Gusto mo bang kumaen?" tanong nito sa akin.
"Oo eh, parang gusto kong kumaen sa Jollibee." sabi ko dito, I am taking chances na dalhin niya nga ako sa Jollibee.
"Edi tara, gutom na rin ako at sa Jollibee ko din gusto kumain. Mukhang hindi lang puso ang magkadikit sa atin, pati tyan." pagyaya niya sa akin.
At ayun na nga, pumunta na kami sa parking para makasakay sa motor niya papuntang Jollibee.
---
Sumapit ang gabi at bumalik ako dito sa school, kinailangan ko kasing umuwi dahil hindi daw uuwi si Eugene nang hindi ako naihahatid sa bahay kaya wala na ako nagawa.
Buti na lamang ang uso sa akin ang teleport sa mga ganitong oras ng pangangailangan, nakakatamad na rin kasing maglakad sa gabi.
"Mariposa!" pagtawag ko sa pangalan niya sa tapat ng puno ng acacia.
Doon ay naglabasan ang mga kulay dilaw na mga paru paro na nagliliwanang at nagsamasama hanggang mabuo ang pigura ni Mariposa.
"Magandang gabi sayo." pagbati nito sa akin.
"Magandang gabi rin, pinapapunta mo daw ako dito?" pagbati ko at tanong na rin.
"Oo, dahil gusto kitang pasalamatan sa pagpapalaya mo sa akin sa kadiliman." sabi nito sa akin.
"Wala yun, normal lang naman sa amin ang tumulong sa mga nangangailangan." sabi ko sa kanya. Syempre pahumble effect tayo.
"Katulad ka rin pala ni Mav, ako rin ay kanyang tinulungan dati, kaya't pinagkaloob ko sa kanya ang isang kapangyarihan." sabi nito sa akin na nagpalaki ng aking mata.
Ibig sabihin eh ginawaran niya ng bagong kakayahan si Dok Mav?
"Anong kapangyarihan naman po yun?" tanong ko sa kanya.
"Ang magamit ang enerhiya ng mundo para magamit ang kanyang kakayahan, sa tingin ko ay tinitawag niyo silang bearer." sabi nito.
So nanggaling pala kay Mariposa yung pagiging spirit bearer ni Dok Mav?
"Paano niyo po iginawad yun kay Dok Mav?" tanong ko sa kanya.
Hindi pa man din siya sumasagot ay pareho na kaming nilamon ng liwanag hanggang pareho na kaming naglaho.
Sumulpot kami sa lugar na medyo kakaiba, what I mean sa kakaiba eh yung langit kasi ay kulay pink, ang mga ulap ay dilaw. Ang mga puno ay iba rin dahil parang mga ginto, pilak at mga dyamante ang mga dahol nito.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya.
"Nandito tayo sa mundo ng diwata." sagot nito sa akin. "Dito ko sayo ipagkakaloob ang aking handog ng pasasalamat." sabi nito sa akin.
"Ibig sabihin ay gagawin niyo rin akong animal spirit bearer?" tanong ko sa kanya.
"Oo, pero bago mo magawa yun ay kailangan mo munang dumaan sa pagsasanay sa paggamit ng natural na enerhiya." sagot nito sa akin. "Tara at sumama ka sa akin. Dadalhin kita sa iyong magiging guro." pagyaya nito sa akin.
Sumama naman ako sa kanya dahil sa loob loob ko ay naeexcite ako dahil may matututunan na naman akong bagong kakayahan. Pero hiwaga pa rin talaga sa akin kung anong nagagawa ng buo ng isang bearer.
Sa aming paglalakad ay narating namin ang pinakamataas na puno at masasabing pinakamaganda na rin. Nagliliwanang ito ng iba't ibang kulay at nakalawak ng nasakop ng sanga nito.
Doon ay may nakaupong kakaiba ding nilalang, isa itong matandang pagong ngunit para itong tao dahil sa kanyang postura.
"Mahal na Amang Pagong, nandito na po si Jiro, ang nilalang na nagpalaya sa akin sa kadiliman." sabi ni Mariposa sa matandang pagong sa harap namin.
"Ayan na ba siya?" tanong nito, halata na matanda na ito dahil sa boses niya. Sasagot sana ako ng 'hindi ba obvious?' pero dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy ay hindi ko ito ginawa.
"Opo Amang Pagong. Siya na nga iyon." sagot naman ni Mariposa.
Akala ko ay basta basta na lang ang matandang pagong at uugod ugod na pero nagkamali ako. Laging gulat ko na lang nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko.
"Kung ganoon, ating nang simulan ang seremonya ng paggagawad." sabi nito at ipinatong ang kamay nito sa aking ulo.
"Tandaan mo binatilyo na sa oras na makilala mo ang spirito ng hayop na sa iyo'y nakapanig ay kailangang tanggapin mo ito ng buo at walang pag-aalinlangan. Dahil sa oras na nagkaroon ka ng pag-aalinlangan ay kakainin ka ng presensya nito at mawawala ka sa iyong sarili at tuluyang kakainin ng kalikasan." pagpapaalala ni amang pagong na nagpabilis sa t***k ng puso ko.
"Ano ba itong pinasok ko?" tanong ko sa aking sarili.