Kasalukuyan akong nakaupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Syempre kasama ko ang aking one and only Eugene na talagang hindi na ako hiniwalayan noong nawalan ako ng malay.
Tungkol naman sa mga nangyari, ayun na nga at nadiskubre ko na kakaiba din yung mga kaibigan ko, literally na wala akong kaaalam alam na may mesa engkanto pala talaga sila. Biruin mo, nagtataguan kami ng sikreto pero yun nga lang, out of place ako sa tatlong yun dahil parepareho sila ng lahi.
Naaalala ko pa noong bigla akong sumulpot sa kakahuyan habang pinaglalaruan ko sila. Kung ano ang naging reaksyon nila nang malaman na ako yung naglalaro sa kanila. Ang mga loko biglang sinuot ang mga baluti except kay Dave na basahan ata yung suot, at nagtangka na ibully ako gamit ang kapangyarihan nila. Pero bago pa man nila magawa ay sakto namang hinigop ng katawan ko yung diwa ko pabalik kaya ang ending, nakatakas ako sa kanila.
Paggising ko naman ay nandoon na si Dr Mav at si mam Mylla, sakto lang talaga na pasunod na rin sila kaya noong nalaman nilang may nangyari sa akin ay nagmadali sila sa byahe.
At ito na nga, simula pagmulat ng aking mata ay hindi na ako tinantanan ni Eugene sa kakabantay nito sa akin. Kilig much naman para sa akin dahil ganoon ang inaankto niya, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Eugene my love.
"Prinsipe ko." rinig kong sambit ni Eugene sa akin.
"Hmmh?" pagtungon ko naman.
"May sakit ka ba?" seryosong tanong niya sa akin.
Hinarap ko naman ito na may kunot sa noo. Akala pa ata neto ay may kanser ako.
"Bakit mo naman natanong yan?" balik kong tanong sa kanya.
"Kasi naman bigla biglang sumasakit ulo mo, paano kung iba na yan? Paano kung mamamatay ka na pala? Iiwan mo na ako agad hindi pa nga tayo nagpapakasal." sunud sunod na sabi nito sa akin.
Agad ko naman siyang binatukan dahil napaka advance mag-isip, okay lang sana kung yung about sa pagpapakasal pero yung mamatay? No way! ayokong mamatay na unbounded!
"Arekup" daing ni Eugene dahil sa pagbatok ko sa kanya.
"Nasobrahan mo na mag isip, huwag kang mag alala, hindi pa ako mamamatay." sabi ko sa kanya.
Agad naman akong niyakap ng mokong. Ramdam ko yung labis na pag-aalala sa kanya na siguro ay natural na sa kanya.
"Natatakot lang ako, mahal na mahal kita prinsipe ko, baka hindi ko kayanin kung may mangyaring masama sayo." sambit nito sa akin.
Syempre niyakap ko rin siya pabalik, sarap kayang yakapin nitong lalaking to, laki laki ng katawan tapos lagi pang mabango.
"Ako pa ba? Strong tong prinsipe mo, kaya huwag ka na mag alala." wika ko sa kanya.
"Basta huwag ka na magiging reckless ah, iwasan mo na rin na bigla kang mawawala na walang paalam." bilin nito sa akin na parang batang matured.
"Opoooo prinsipe kooo!" paninigurado ko sa kanya.
"Good!" sambit nito tyaka ako ginawaran ng halik sa aking labi.
-----
Nandito ako ngayon sa clinic ni Dr Mav kasama nung tatlo kong malaengkantong mga kaibigan. Nainvolve na rin kasi sila sa laban dahil sa mga nangyari noong nagbakasyon kami.
"Mabuti naman at nandito na kayo." bungad ni Dr Mav pagpasok nito sa clinic niya.
"Ikaw lang naman ang laging late." sagot ko naman sa kanya.
"Ngayon lang ako nalate, ikaw ang laging late at minsan pa ay kahit ipatawag kita ay hindi ka sumisipot." balik naman niya sa akin. Dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy, hindi na ako sumagot pa.
"Nasaan ang mag ama mo?" tanong niya sa akin.
"Ayun nandun sila umuwi sa bahay nila Eugene, ipapakilala niya daw yung anak niya sa lolo't lola nito." sagot ko naman.
Mukha naman nagulat si Dr Mav sa sinagot ko, pero bumalik din agad sa dati ang kanyang ekspresyon. Tinignan ako nito ng makahulugan, mukhang may kailangan kaming pag usapan na kami lang dalawa.
"So kayong tatlo ay may kapangyarihan din?" pagbaling naman niya sa tatlo kong kaibigan.
Napatango naman at tatlo sa kanya.
"Ano ba ang kaya ninyong gawin?" tanong ulit niya. "Umpisahan natin sayo Dave."
"Kaya kong gamitin ang mga elemento at kapaligiran para sa aking pag atake or depensa, ang lakas nito ay depende sa lebel ng mahika na aking gagamitin." sagot nito na mukhang proud na proud pa.
"Nalimutan mo ring sabihin na nagpapalit ka ng anyo kung saan ay ang damit mo ay nagiging basahan." singit kong pang aasar sa kaibigan kong bibwit.
"Hindi basahan yun! Espesyal na tela yun na pinoprotektahan ako sa mga atake ng kalaban." pagdedepensa naman niya.
"Tama na yang asaran na yan. Ikaw Mio, ano ang kaya mong gawin?" tanong naman nito sa kaibigan ko na mukhang hindi nakapagsuklay.
"Silver Light, nakokontrol ko ang mahika ng liwanag ng buwan. Sabi sa akin ay pinagkaloob sa akin ito noong bata pa ako." sagot nito kay Dr Mav na tumango tango lang. Sinenyasan niya pa si Mio na magpatuloy.
"Kapag ginagamit ko ang silver light, nagkakaroon ako ng pilak na baluti, at nagkakaroon ng sandata na parang cresent moon. Doon ay nagagamit ko na ang mga mahika na kaakibat ng silver light." dagdag niya pa.
Mukhang nakuntento naman agad ang doktor sa sagod ng mangkukulam, kaya bumaling naman ito sa kapre, este kay Jules.
"Ako naman po ay gumagamit ng Golden Light na pinagkaloob ng araw. Pareho din lang ng sa silver light, ayun nga lang ay ginto ang aking baluti, sibat at kalasag ang aking sandata." turan naman ni Jules.
Alam ko namang malalakas din itong nga kaibigan ko dahil ako na rin mismo ang nakasaksi sa mga kaya nilang gawin.
"May ideya na ba kayo kung bakit namin kayo pinatawag dito?" tanong ni Dr Mav sa tatlo.
"Tungkol po ba ito sa nakalaban naming nilalang sa kagubatan?" tanong ni Mio.
"Tama, tungkol nga ito doon at sa iba pang insidente na kagaya noon." tugon ni Dr Mav.
"Hindi iyon ang unang pagkakataon na may nangyaring ganoon. Una ay sa inyong eskwelahan, doon sa pinakamatandang puno ng acacia. May nilalang na naglagay ng itim na kapangyarihan dito. Pangalawa naman ay yung sa anak nitong si Jiro na si Krabby, nilukob din siya ng itim na kapangyarihan at ayon sa kanya ay may nilalang daw na nakaitim ang lumapit sa kanya at simula noon ay sinimulan na itong kainin ng itim na kapangyarihan." turan ni Dr Mav.
Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na mukhang mga tambay lang sa kanto, buti na lamang ay nandito kami sa clinic, baka mapagkamalan silang adik.
"Hindi tao si Krabby!?" medyo over reacting na tanong ni Mio.
Agad namang lumapag sa mukha niya yung tsinelas na suot ko. Makapagsabi naman kasi na hindi tao ang anak ko eh parang mukha siyang tao.
"Araaaay!" maarteng reklamo nito.
"Huwag kang umaaray aray dyan, makahindi tao ka sa anak ko parang mukha kang tao." sambit ko dito.
"Tama na yan, so Dr Mav, sa last na engkwentro, konektado ba ito sa pagkawala ng malay ni Jiro?" sabat ni Jules.
"Oo, sinusubukan ng dilim na lamunin din si Jiro." sambit ni Dr Mav at tumingin sa akin. "Ngunit hindi ata kinaya ng dilim ang pagkakalihi ni Jiro sa sama ng loob kaya hindi ito nagtagumpay." natatawa pang dagdag nito kaya natawa na yung kasama kong tatlo.
Muli ay may lumipad na tsinelas, gamit ang spatium at pinatalbog ko ito sa mukha nilang apat tyaka ito bumalik sa aking paa.
"Ooops, sorry nabuhay yung tsinelas ko." kunwari kong pagpapaumanhin sa mga natahimik kong kasama.
"Lets continue." pagbasag ni Dr Mav sa katahimikan. "Jiro ituloy mo na yung kwento."
"Yung nakalaban nating apat, nakilala ko siya, isa siya sa mga gusto mambully sa akin sa school. Hindi ko alam ang pangalan niya pero tinatawag ko siyang vodoo doll dahil siya ay pangit na bungi, parang Mio times ten." pagpapatuloy ko sa usapan.
Nakita ko naman si Mio na ibinato sa akin yung isang tsinelas ko na ibinato ko sa kanya kanina. Muli ay kinontrol ko ito upang tumama sa kanya. Bilang nagulat at magaling kong kaibigan, napaupo ito nang tamaan ko ang kanyang malapad na noo.
"Araaaay!" daing nito kasabay ng pagbalik ng tsinelas ko sa aking paa.
"Mambato ka pa, pasalamat ka hindi ko pinatigas tong tsinelas ko." nang aasar kong sabi sa kanya.
Nakita ko naman na natatawa ang iba naming kasama.
"Ano ba yan, kapag si Jiro ang mang aasar ay okay lang, kapag kami ang babanat, may lumilipad na tsinelas." reklamo nito sa amin.
"Ako ang prinsipe dito kaya malamang ako lang ang may karapatan." sagot ko naman. "So, itutuloy ko na ah, kaya kayo pinatawag dito dahil sa pinakita niyo noong nakaraan, hindi malabong kayo naman ang puntiryahin ng mga itim na nilalang. At kung hindi ako nagkakamali ay may kinalaman yung the curse three sa kaganapang ito. Hindi talaga ako nagkamali sa impression ko sa tatlong yun, sa baho pa lang ng hininga ay alam ko nang wala silang magandang gagawin." muli kong turan.
"Anong plano natin ngayon niyan?" tanong naman ni Dave.
"Ngayon ay kailangan niyo munang isuot ito." sambit ni Dr Mav at ibinigay sa amin ang isang kwintas na may pendant na dream catcher.
"Isuot niyo yan para hindi kayo malapitan ng dilim, may engkantasyon yan kaya nasisigurado kong mabisa yan." dagdag niya.
"Pinagsuot na rin ni Mylla ang jowa't anak niyo para makasiguradong ligtas din sila." turan naman niya sa akin.
-----
Dumaan ang mga araw at natapos na ang summer vacation, sa wakas ay senior high school students na kami. Tulad ng napag usapan nanatili kami sa iisang section. Kaming apat nila Dave, Mio at Jules. Si Eugene at Greg naman ay nanatili sa section nila kahit na anong pilit nila na malipat sa section namin ay wala silang nagawa.
Tungkol naman sa dalawang myembro ng Curse Three na natitira, patuloy ang pagbabantay namin sa kilos at galaw nila. Hindi pa kami nagkakaroon ng engkwentro sa school dahil siguro ay busy pa sa unang linggo ng pasukan.
Ngayon ay nandito kami sa cafeteria ng mga kaibigan ko, kasama si Greg at Eugene. Napansin ko rin na pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Mukhang nahihiwagaan sila dahil sumasama sa amin yung dalawang pinakapogi dito sa school. Talagang sasama sila sa amin, nasa grupo namin ang asawa nila eh.
Habang busy ang lahat sa kanya kanyang kinakain ay kinausap ko si Eugene.
"Sunduin mo si Krabby mamayang uwian ah." pagpapaalala ko kay Eugene.
"Syempre naman, miss ko na nga agad yung anak natin eh." tugon naman niya agad sa akin. "Pero bakit ako lang? Hindi ka ba sasama sa akin?" tanong nito sa akin.
"May gagawin kaming apat at hindi kayo pwedeng sumama, magkita na lang tayo sa bahay mamaya." sagot ko naman sa kanya.
Mahirap din talaga ang sitwasyon, walang kaalam alam si Eugene at Greg sa mga kinakaharap naming magkakaibigan. Pero mas maganda na rin siguro na hindi sila masali dahil masyadong mapanganib.
Mabuti na lamang hindi na gaanong nagtanong pa si Eugene, alam kasi niya ang kababagsakan niya kapag nag usisa pa siya sa akin. Buti na lamang talaga ay masyadong understanding at loyal itong mahal ko sa akin dahil kung hindi, baka namatay na ako sa panghihina kapag iniwan niya ako.
Natapos ang break time ay humiwalay muna ako sa kanila. Sumusugal ako sa oras dahil sa mga pagkakataon na mag isa ako ay tyaka ako hinaharang ng mga pangit na hindi naman ako nagkamali.
"Well well well looks who's here." maarteng sambit ng pinakapangit na butanding sa balat ng tinalupan.
"Yes frenny, look who's here!" sabat pa ni Barneyzilla, half barney half godzilla.
"Oh mukhang kulang ata kayo? Nasaan yang isa niyo pang pangit na kaibigan?" tanong ko sa kanila, inaasar ko din kasi sila, kung magkakasabwat sila, for sure alam na nila ang nangyari.
"Kasama? sinong kasama? Dalawa lang naman kami ah? Sino ba yang sinasabi mo?" pinagtatakang tanong ni Butanding sa akin.
"Duh!? Bulag ka ba or duling? Kailan pa kami naging tatlo?" sabat ulit ni barneyzilla.
Nagulat ako sa kanilang tinuran, bakit parang hindi nila naaalala yung tungkol sa kaibigan nilang si Voodoo doll.
"My geeed, may mesa duling ka ata eh, nakahithit ka ba? Duo kami dito, laging magkasangga, kalaban ni A ay kalaban ni B, at kahit kailan ay never nagkaroon ng letter C!" panunuya sa akin ni Butanding.
At dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy, bumanat muna ako bago ako umalis.
"Sorry, ang akala ko kasi ay tatlo kayo, ang taba mo kasi kaya ang naging bilang ko sayo ay dalawa." banat ko sa kanya.
Mukhang nainis ito sa sinabi ko kaya agad ako nitong sinampal, at dahil ako'y nakahanap agad akong umiwas at lumanding ang kamay niya sa kay Barneyzilla.
"aaray!" reklamo ng kaibigan niya.
Agad ko din tinulak si butanding kaya nagkaroon ng big bang sa dalawa bago ako tuluyang tumakbo palayo sa kanila.
"Problema to, mukhang back to zero kami." bulong ko sa aking sarili habang nasa daan patungong classroom namin.