Mabilis akong nakalabas sa pent house na tinutuluyan namin, dahil na rin sa wala akong pisikal na katawan kaya't nagawa kong tumagos sa pader.
"Ang halay mo." rinig kong sambit sa akin ni Foxy habang tinutumbok ang kinaroroonan ng itim na kapangyarihan na gumugulo sa akin.
Mukhang nabasa ni Foxy ang nasa isip ko noong tumagos kami sa pader. Pasensya na kung medyo nakaisip ako ng medyo green para kay Eugene. Hindi ko naman ikakaila na patay na patay ako sa lalaking yun kaya kahit may problema ako ay naisip ko pa siya.
Mukhang nasa pinakagitnang bahagi ng gubat ang pinangagalingan ng masamang awra. Sigurado akong ito ang nagkakalat ng lagim sa lugar namin kaya't kailangan kong masiguradong mapupuksa ko siya.
"Ayun na siya." sambit ni Foxy sa akin hanggang marating ko ang isang malaking bato sa gitna ng kagubatan.
Isang nilalang na itim ang nakaupo sa ibabaw nito at may hawak itong baston na kahoy. May hawak din itong dalang manika na parang gawa sa basahan.
"Mangkukulam ba yan?" tanong ko sa aking sarili.
Sa palagay ko ay hindi ako nakikita nang magkukulam dahil patuloy lang ito sa pag oorasyon niya. Sa lagay kong ito ay hindi ko alam kung paano ko siya lalabanan. Wala akong pisikal na katawan kaya hindi ko alam kung paano ko siya lalabanan.
"Kaya nating lumabas sa kabilang dimensyon para makalaban mo siya." rinig kong sabi sa akin ni Foxy.
"Pwede? Pero paano?" takang tanong ko sa kanya.
"Nalilimutan mo atang isa akong pangunahing espiritu at hindi ako basta basta." sagot nito sa akin sa mapagmalaking tono.
Minsan talaga ay mayabang itong lobo na ito pero dahil likas na totoo naman ang sinabi niya ay umayon na lang.
Doon ay sinimulan ko nang ipunin ang enerhiya na aking gagamitin laban sa kalaban. Idadaan ko siya sa surprise attack dahil dinaan niya ako sa back fighting.
Noong nabuo ko na ang bolang apoy na gawa sa natural na enerhiya ay agad akong lumabas sa kabilang dimensyon at ibinato yung apoy sa kalaban.
At dahil nga sa surpresang pag atake ang ginawa ko ay hindi na niya nagawang makailag pa, kaya naman ay sapol na sapol siya noong bolang apoy.
"Ahhhhhh!!" hiyaw nito at tyaka bumagsak sa kinauupuan nitong bato.
"Gotcha!" may arte kong sambit sa kalaban ko.
Syempre hindi dapat ako magpakakampante kaya't inihanda ko kaagad yung susunod kong pag atake sa kanya. Alam kong hindi sapat ang apoy na ginamit ko kaya ngayon naman ay pinaulanan ko ito ng maraming bolang apoy.
Diretso ang naging pagsabog sa paligid dahil sa ginawa ko. Sana lang ay hindi nila narinig sa pent house yung pagsabog, baka kasi maalarma pa sila at subukang pumunta dito.
"Kyaaaaaaah!!!" pagsigaw noong mangkukulam.
"Baby ba yang kalaban natin, hindi ba pwedeng 'araaaay' ang sigaw niya?" tanong ko kay Foxy habang kinakalaban namin yung pangit na nilalang.
"Malamang nga, dinaig ko pa eh, ako itong hayop pero ako pa nakakapagsalita." pagsang ayon naman sa akin ni Foxy.
Mula sa usok galing sa pagsabog ay lumabas ang mga itim na enerhiya patungo sa akin. Syempre ako si alerto, agad ko itong iniwasan pero dahil likas atang makulit ang mga enerhiya ay hinabol ako ng mga ito.
Ano pa ba ang gagawin ko, agad din naman akong gumawa ng maraming bolang apoy at pinatama sa mga enerhiya na siyang nagdulot muli ng mga pagsabog. Ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon para magtago sa kabilang dimensyon. Syempre dapat imaximize ang pwedeng gawin.
Mukhang naging epektibo naman ang pagtatago ko dahil pagkahawi ng mga usok ay nakita kong hinahanap ako noong mangkukulam na parang pamilyar sa akin.
Habang nasa ibang dimensyon ako ay unti unti akong may naaalala, isang pangit na itsura na kilalang kilala ko.
"Si Voodoo doll! Yung alalay na Godzilla na baklang butanding!" sambit ko sa aking sarili.
Kung siya ang nilalang na nagkakalat na kadiliman, ibig sabihin ay natural na talaga sa kanila ang pangit na mukha este pag uugali.
Gagawa na sana ako ng hakbang ko upang muling sumugod ngunit isang nakakasilaw na ilaw ang biglang nagliwanag mula sa kalangitan. Mula roon ay bumagsak sa pangit na mangkukulam ang isang nilalang na nagliliwanag din.
Siniyasat ko ito ngunit dahil sa liwanag na nanggagaling sa kanya ay nahirapan akong kilalanin ito. Isa itong tao na nakasuot ng gintong baluti, kalasag at sibat.
Ang kanya namang kinabagsakan ay gumawa ng malaking hukay at paniguradong kung sino man ang tinamaan niya ay tapos ang buhay nito.
"Hindi ka naman nagmamadali?" rinig kong sambit ng isang boses mula sa aking likuran.
Hinarap ko ito at laking gulat nang makilala ko ang babaeng ito.
"Mio." sambit ko sa ngalan nito.
Suot naman ang baluting gawa sa pilak na kumikinang gaya ng sa lalaking sumugod sa kalaban ko.
Agad ko rin naman tinignan kung sino ang lalaki at natagpuan ang aking sarili na nakatingin sa isa pang kaibigan ko na si Jules.
"Omo!! May kapangyarihan sila!!!" shock na sabi ko sa sarili ko. "Si Bansot rin kaya may powers?" tanong ko pa.
"Tapos na ba?" isa na namang boses ang aking narinig.
"Ewan, mukhang natalo ko naman na yung pinanggalingan nung enerhiya dito." sagot naman agad ni Jules.
Tinignan ko kung saan ito nakatingin at nakita ko si Dave na nakalusot sa isang puno na parang parte ito ng kanyang katawan.
Wala namang nagbago sa anyo o kasuotan niya, kung ano ang damit niya kanina ay ayun din ang suot niya ngayon.
"Pero hindi ba't dalawang magkaibang enerhiya ang naramdaman natin kanina?" takang tanong ni Mio sa kanila.
"Baka natalo ng itim na enerhiya yung isa pa." sagot naman ni Dave.
"I doubt it, bago kasi ako bumagsak kanina ay parang may kinakalaban pa yung nilalang na itim." singit naman ni Jules.
"Pero nasaan yung nilalang na yun?" tanong ni Dave sa kanila.
Ako naman, naisipan kong paglaruan ang mga kaibigan ko, kaso, nararamdaman ko na hindi pa tuluyang nagagapi ang kalaban.
Tulad nga ng nasa isipan ko, muling bumangon ang kalaban ngunit iba na ang anyo nito. Naging isang malaking ahas na ito na may mga sungay.
"Omg! akala ko patay na yang kalaban!" reaksyon ni Mio nang makita ang itim na ahas.
"Wala na tayo magagawa kundi kalaban ito." sambit naman ni Jules.
"Sige sisimulan ko na." wika naman ni Dave at nagconcentrate. "Wood Style: Forest Binding!" sambit pa niya kasabay ng paglabas ng mga kahoy sa ilalim ng ahas at pumulupot dito.
"Huli ka balbon." tuwang reaksyon pa nito nang mahuli ang kalaban.
Ngunit natural ata sa ahas na ito ang pagiging madulas dahil madali itong nakalusot sa kahoy na pinaghuli sa kanya.
"Ang galing, nahuli mo nga." buska ni Mio kay Dave na siya namang nagsimula na ring kumilos.
"Moon Light Binding!" pagcast ni Mio habang nakatapat ang sandata niya na mukhang cresent moon at lumabas doon ang liwanag at tumungo sa kalaban. Sa pagkakataon naman na iyon ay may liwanag na lumukob sa ahas at doon ay hindi na talaga ito nakagalaw.
"Ganyan ang magbind." pagmamayabang nito sa kaibigan namin.
"Tama na yang pagyayabangan ninyo, tapusin na natin to." puna naman sa kanila ni Jules.
Itaas naman niya ang kanyang sibat at sinambit ang mahika na kanyang gagamitin.
"Holy Smite!" pagsigaw niya at bumagsak sa kalangitan ang isang mapanirang liwanag at direktang tumama sa itim na ahas.
Mukhang naging epeketibo ang ginawa niyang atake ngunit hindi sapat ito upang mawala ang itim na enerhiya na pumapalibot sa kalaban. Sigurado akong muli itong makakabangon kung hindi magagapi ang enerhiyang iyon kaya naman habang nasa ibang dimensyon ay inihanda ko na ang aking kapangyarihan.
"Sacred Flame." aking pagsambit at pinalabas ko ang puting apoy sa kabilang dimensyong at pinatama ito sa itim na ahas na agad namang nagwala ng simulang tupukin ng apoy ang katawan nito.
Bakas naman ang pagkabigla sa itsura ng mga kaibigan ko. Malamang ay nagtataka sila kung saan nanggaling ang puting apoy na tumama sa kinakalaban nila.
"Mamaya kayo sa akin mga kaibigan, sisiguraduhin ko munang bagsak na itong si voodoo doll na naging ahas bago ko kayo harapin." sabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang aking mga kaibigan na nakanganga na ata dahil sa pagkabigla.
Hindi rin naman nagtagal at tuluyan nang nagapi ang ahas. Buo itong tinupok ng sacred flame at nawalang natirang bakas. Mukhang purong kasamaan ang bumubuo kay voodoo doll kaya't kinain siya ng buo ng apoy.
Oras na para harapin ko ang mga kaibigan kong may tinatago pala sa aking sikreto. Kung tutuusin ay pantay lang kami dahil tinatago ko rin ang pagiging alien ko sa kanila.
"Tara, mukhang tapos na ipinunta natin dito." rinig kong pagyaya sa kanila ni Jules upang umalis na at dahil isa akomg mabait na estudyante ng Saint Morning Academy, naisipan kong paglaruan muna sila.
Dahil likas na mapanlinlang ang mga lobo at isang pangunahing espirito ng lobo ang aking spirit animal, naisipan kong gumamit ng ilusyon para panandaliang iligaw ang mga kasama ko. Malas lang nila dahil ako ang naging kaibigan nila, pagtitripan ko muna sila bago ako tuluyang magpakita.
Nagsimula nang maglakad ang mga kaibigan ko pabalik sa penthouse na tinutuluyan namin. Nagbagong anyo na rin sila at nawala na any suot nilang mga kakaibang baluti.
Tuluy tuloy lang silang naglalakad nang hindi man lang napapansin na pagpapaikot ikot lang sila sa kagubatan. Mabuti na lamang ay matataas ang mga puno kaya mukhang madilim sa loob.
"Wala ba kayong napapansin?" tanong ni Dave sa mga kaibigan namin.
"Ano bang dapat mapansin?" tanong naman sa kanya ni Mio.
"Na kanina pa tayo lakad nang lakad pero hindi pa tayo nakakalabas sa kagubatan?" patanong namang sagot ni Jules. Matalino talaga tong bisugong to.
"Tama, parang nagpapaikot ikot lang tayo eh." sabi ni Dave sa kanila.
"Naengkanto ata tayo noong ahas na iyon, patay na nga pero nanliligaw pa." asik naman ni Mio na parang naiirita na.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Dave sa kanila.
"Magbaliktad tayo ng damit! Sabi nila kapag nililigaw ka ng maligno eh kailangang magbaliktad ng damit!" bibong sagot naman ni Mio na akala naman niya tatalab.
"Maligno pala Mio ah, tignan natin." sambit ko sa akin sarili at sinimulan na ang aking munting palabas.
Gamit ang ilusyon ay pinuno ko ng hamog ang kapaligiran upang mas mahirapan silang magpaikot ikot sa kagubatan.
Nagpalabas din ako ng mga wisp, gusto ko kasing pabalikin sila sa lugar kung saan namin kinalaban si voodoo doll, kaya ang ginawa ko ay pinahilera ko ang mga wisp magmukhang gumagawa ito ng gabay para sa mga kaibigan ko.
"Ano tong mga to?" tanong agad ni Mio.
"Sa palagay ko ay galing ito sa nilalang na tumapos sa itim na nilalang." sagot naman ni Jules.
Matalino nga talaga itong si Bisugo, akalain mo yun, alam niya na agad na ako yun.
"Ano ba yang engkantong yan! Pwede namang magpakita na lang eh pero nag iinarte pa!" reklamo ni Mio.
At dahil nga pinagtitripan ko sila ay agad akong lumapit kay Mio at binatukan ito.
"Aray!" reklamo nito. "Sino yun?" tanong niya.
"Anong nangyayari sayo Mio?" takang tanong ng tyanak na si Dave.
"May bumatok kasi sa akin." sagot ng kaibigan kong warka.
"Hala ka, baka narining nung engkanto yung sinabi mo kaya ka binatukan." sambit naman ni Dave na siya ring binatukan ko.
"Aray!" reklamo din nito.
At dahil nataranta na ang mga kaibigan ko ay nagtakbuhan na ang mga ito. Hindi nila sinundan yung mga wisp at nagkanya kanya na sila ng direksyon.
Mga loko, buti na lamang ay kontrolado ko na ang lugar kaya't naging hantungan din nila yung lugar kung saan ko sila dadalhin at tatagpuin.
"Ahhhhhh!" sigaw ni Mio nang makasalubong ang dalawa.
Agad din siyang binatukan ng dalawa dahil sa ingay niya at hinawakan ito nang hindi na makatakbo pa.
At dahil gusto kong maging dramatic ang entrance ko ay pinagliwanag ko ang lugar gamit ang mga wisp na lumabas, paikot sa mga kaibigan ko.
Nagpakawala din ako ng tawa na siguradong akong nagpanginig sa kaibigan kong tyanak at warka. (If you know how Mokuro Rokudo laugh sa Hitman Reborn ganyan po yung pagtawa niya)
Ilang sandali pa ay bigla akong lumabas sa kabilang dimensyon, dahilan upang makita nila ako sa aking spirit animal mode.
"Booh!" sambit ko sa kanila nang pagkaharap ko.
"Ahhhhhhh!!" sigaw muli ni Mio bago ito nawalan ng malay.