The Eleventh Star

2023 Words
Kung nananaginip ako, sana ay hindi na ako magising. Labis na saya ang nararamdaman ko dahil pareho kami ng nararamdaman ni Eugene para isa't isa. Kung tutuusin, mukhang mas marami pa siyang ginawang effort para lamang mapalapit sa akin. "Ano kakain pa ba tayo ng dinner o tayo na lang ang magkakainan?" nakakalokong tanong akin ng lalaking katabi kong nakahiga sa kama. Wala namang nangyari sa amin, sabi niya daw ay kakasimula lang namin at hindi dapat namin paikutin sa makamundong bagay ang relasyon naming dalawa. Pero tignan mo tong lokong to, kung makapagbiro ay parang gusto na akong kainin. Hinampas ko nga siya sa kanyang dibdib, akala siguro nito eh ok sa akin ang ganyang klase nang joke, hindi niya lang alam kung gaano kahirap pigilan ang hindi gawin ang bagay na yun mas lalo't siya ang aking bound. "Sira ka talaga, umayos ka nga, patulugin kita sa labas eh." asik ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako at niyakap ng mahigpit, ako naman si pabebe, yumakap din pabalik, aangal pa ba ako eh si Eugene na tong kayakap ko. "Joke lang, ayaw kong matulog sa labas, gusto ko katabi kitang matulog." sabi nito tyaka ako hinalikan sa aking noo. ---- Noon malapit nang maggabi ay lumabas si Eugene para kumuha ng pagkain, ako naman ay pumunta sa may labas ng cottage upang pagmasdan ang paligid. Nakakatuwang tignan dahil parang hindi kapanipaniwalang may mga mumunting halaman sa loob ng kwebang ito, sabi ni Eugene ay naglagay daw talaga siya ng mga lupa dito sa loob para tubuan ng d**o at halaman. Naging effective naman dahil kahit papaano ay may mga tumubo nga. Hindi na rin kailangang diligan dahil sa moist na nanggagaling sa talon. "Jiro ko!! Nandito na ako!!" sigaw ni Eugene nang makabalik na ito sa pangunguha ng makakain. Kinilig ako sa tinawag niya sa akin, talagang inaangkin niya na ako. Nakakatuwa yung scenario namin, para kaming mag-asawang nakatira sa isang kweba tapos ito ako, sasalubingin ang asawa ko na galing sa kanyang trabaho. "Ano bang dala ni Eugene ko para sa hapunan namin?" tanong ko sa kanya. Napakalakas talaga ng lalaking to, biruin mo ba naman na may mga dala siyang tuyong kahoy sa kanang bisig at kaliwa naman ay may hawak itong dalawang sibat na kahoy na may malalaking isda sa dulo. "Isda ang kakainin natin ngayon gabi." sabi niya sa akin at nilapag ang mga dala dala. "Maliligo lang ako ah, nakakahiya kasi kung yayakapin kita tapos ganito ako na parang yagit." dagdag niya pa at tinungo na ang talon at tumalon sa tubig para maligo. Tumingin muna ako sa dako niya, bilang asawa (kunware) ay dapat ako na ang maghanda ng mga dinala niya para makakain na kami. Iniayos ko yung mga kahoy at pinagkumpol kumpol. Itinapat ko ang aking kanang hintuturo dito at sinimulang magchant. Creatio (Creation) Ignis (Fire) Mula sa aking daliri ay lumabas ang isang kulay indigo na awra at dumikit ito sa kahoy at ito'y nagliyab. Buti na lamang ay kaya kong gawin ito, iba talaga ang nagagawa ng unique na ability ko. Nahahati kasi sa wala ang kapangyarihan ko, na madadagdagan pa sa oras na maging bounded na ako pero sa ngayon ay kailangan kong pagtyagaan tong mga kaya kong gawin na sapat na para sa aking pangangailangan. Isa dito ang Creatio o paglikha sa tagalog, sa parteng ito ng kakayanan ko ay nakakagawa ako ng mga hindi pisikal na bagay katulad ng panaginip na siyang nagagamit ko para mapatulog ang sino man, ilusyon at tulad nito ay apoy. Susunod naman ang Solutio o disintegration or pagkawasan or pagkawala. Nagagawa kong sirain ang kahit ano mang bagay or pawalain ito sa pamamagitan nito, madalang ko itong magamit dahil hindi naman ito kaapplicable ngayon. Ang induresco o pagpapatigas at pagpapatibay, nagagawa kong patigasin ang mga bagay o patibayin ito, madalas ko tong gamitin kapag may bago akong gamit pero kung gagamitin mo to sa labanan, pwede mo itong gamitin pangdepensa. Ginagamit ko rin ito para magmaterialize ang ibang nililikha ko gamit ang creatio Ang refrigero o pagpapahina, kabaliktaran ito ng pagpapatigas, kaya nitong pahinain or palambutin ang mga bagay, may kakayanan din itong pahinain ang isang tao. Ang operatio o aktibidad ito ang abilidad na kayang iimprove ang mga proseso sa mga bagay bagay tulad na lamang ng paggaling ng mga sugat, pagpapabilis ng galaw ng katawan, basta ay more on support ang nagagawa nito. Gamit na rin ito ay nalalaman ko ang kung anong mayroon at kapasidad ng mga bagay sa paligid ko, pati na rin ang paghahanap ng mga bagay na kailangan ko. Ang propago o pagpapadami, ang kakayanan kong padamihin ang isang bagay, isang tunay na replika, pisikal man o hindi pisikal na bagay. Ginagamit ko dito tuwing may gusto akong paramihin katulad ng stock ko ng chocolate na malapit nang maubos. Ang Spatium o espasyo, ginagamit ko ito para makontrol ko ang mga bagay sa paligid, maglaho, lumutang, o kaya lumipat sa ibang lugar (teleportation). At ang huli sa lahat at pinakakumplikadong abilidad ko ay Tempore o oras, kaya kong kontrolin ang oras pero napakalaking enerhiya ang nagagamit ko kaya nililimitahan ko ito, maaari ko ring ikamatay ang paggamit nito kapag nasobrahan. Tinignan ko naman yung mga isda, mukhang hindi pa ito naalisan ni Eugene ng lamang loob kaya tumingin ulit ako sa kinaroroonan ni Eugene at mukhang busy pa rin ito sa paglangoy. Tulad na ginawa ko sa apoy ay itinapat ko rin yung daliri ko dito at nagchat ulit. Operatio (Activity) Ginamit ko ito para mahanap ang mga lamang loob sa katawan ng isa na dapat alisin. Solution (Disintegration) Tyaka ko naman ginamitan ko ng kakayahan kong magpawala upang mawala sa isa yung mga lamang loob. "Ayan, ready to toast na tong mga isa, sana lang ay bumalik na si Eugene para makakain na kami." sabi ko sa sarili ko at sinipat yung kinalalagyan ni Eugene. Mukhang hanggang ngayon ay nag eenjoy pa rin siya sa pagligo. Sana lang talaga ay hindi panaginip itong lahat. Magdidilim na nung bumalik si Eugene mula sa pagligo niya sa talon. Nagulat pa nga ito nang makitang nakagawa na ako ng apoy. "Oh? Paano mo nasilaban yang mga kinuha kong kahoy?" nagtataka nitong tanong sa akin. "Ginamit mo ba yung posporo sa loob?" May posporo? Akala ko ay magpapasikat ito sa akin at pagliliyabin niya yung mga kahoy sa pamamagitan ng pagkikiskisan sa mga ito. "May posporo?" tanong ko sa kanya. "Oo meron sa loob, pero paano mong napaliyab yan?" tanong nito sa akin. Buti na lang talaga magaling akong gumawa ng palusot, malamang sa malamang baka mahuli niya ako na nagsisinungaling tungkol sa memorya ko. "Pinagkiskisan ko yung mga kahoy." sagot ko na lang sa kanya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sagot ko, sana naman at huwag magsuspetya itong lalaking ito. "Kaya mong gawin yun?" tanong niya ulit na parang hindi makapaniwala. "Ewan ko, basta ginawa ko na lang ng hindi ko namamalayan eh." pagpapainosente ko sa kanya. "Naisip ko kasi na, since ang asawa ko na ang nanghuli ng makakain at kumuha ng panggatong, dapat ay ako na ang maghahanda sa mga ito." dagdag ko pa, sana ay madismiss niya yung ideya ng apoy. Nakita ko namang napangiti ang loko, kumagat siya sa palusot ko! Good boy Jiro, you're the best talaga. Lumapit at tumabi sa akin si Eugene at idinantay ang kanyang braso sa akin leeg. "So iniisip mo na ako ang iyong asawa, at ikaw ang aking butihing may bahay?" natutuwang tanong nito sa akin. "O-oo, bakit masama ba? Ibinahay mo na ako dito sa cottage mo eh." sabi ko dito. "Pinapasaya mo ako lalo sa mga ginagawa mo ah." sabi nito sa akin at binigyan ako ng masuyong halik sa aking pisngi. "Magbibihis na muna ako tapos iihaw na nating yang mga isda para makakain na tayo." paalam nito sa akin at dumiretso na sa loob ng cottage. Agad ko naman iniayos yung mga isa para pagdating niya eh isasalang na lang namin. For sure kasi hindi naman siya matatagalan sa pagpapalit. "Oh nasaan na yung isda natin?" tanong nito nang makabalik na siya. "Ito oh" pag aabot ko sa kanya ng isang tuhog ng isda. Pero kinuha niya rin yung sa akin at itinuhog yung stick malapitsa apoy. "Ayan para hindi na natin paghirapan na hawakan yung stick." sabi niya at tyaka umupo sa bandang likuran ko. "Payakap nga sa misis ko." banggit nito at niyakap ako mula sa likuran at as usual, pinatong ang baba sa balikat ko. "Sana ganito tayo kapag kinasal na tayo." sabi nito sa akin at inamoy amoy pa ang leeg ko. "Hala siya oh, kakaaminan pa lang natin tapos ngayon pag-aasawa agad nasa isip mo." tugon ko naman sa sinabi niya. "Ganoon na rin yun, akala mo ba eh pakakawalan pa kita? No way! Ano ako hilo?" sabi nito at mas hinigpan ang yakap sa akin. "Mamahalin kita habang buhay, pangako yan." bulong niya pa na nagpatayo sa mga balahibo ko sa batok. At dahil maganda ang ayos namin ngayon ay isinandal ko ang ulo ko sa kanya. Para na talaga kaming mag-asawa, honeymoon na lang ang kulang eh swak na swak na. "Pangako mo yan ah, walang bawian, puputulin ko yang alaga mo kapag hindi mo tinupad yan." pagbabanta ko sa kanya na kinatawa niya naman. "Talagang yung alaga ko ang napili mong pagdiskitahan, baka mamaya ay gusto mo lang mahawakan to kaya ganyan." pagbibiro nito sa akin. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap niya at hinarap ito. Ito na naman siya sa green jokes niya eh, teka nga at mapalo. "Ikaw talaga, ayan ka na naman sa mga banat mo." nanggigil kong sabi kaya napatayo na rin ito at tumakbo. "Hoy bumalik ka dito nang makita mo hinahanap mo!" sigaw ko sa kanya. "Habulin mo muna ako." sagot naman nito. Talagang sinusubukan ako nito ah, mahabol nga, sana lang ay maabutan ko ito. Ang hirap niyang habulin dahil mabilis talagang gumalaw ang loko, halos paikot ikot lang kami sa buong kweba hanggang makaramdam ako ng labis na panghihina. "Shocks, gumamit pala ako ng kapangyarihan." sabi ko sa sarili ko at bigla na lang akong napaluhod. Habol habol ko ang paghinga ko dahil na rin sa pagod. Naramdaman ko naman agad si Eugene sa tabi ko at hinawakan ako nito. "Anong nangyari sayo? Ok ka lang ba? May masakit ba?"tanong nito sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "B-bigla lang akong nanghina, napagod lang siguro ako sa pagtakbo." mahinang sagot ko naman dahil halos wala na talaga akong lakas. "Tara na nga doon, kumaen na rin tayo at baka nagugutom ka na kaya ka nanghina." pag aya nito sa akin at binuhat ako na parang bagong kasal tyaka dinala malapit sa pinag iihawan namin ng isda. "Mukhang pwede naman nang kainin ito. Susubuan na lang kita." sabi niya sa akin, pumwesto siya sa likod ko at isinandal niya ako sa kanya. "Oh." malambing nitong sabi nang isusubo niya sa akin yung hinimay niyang isda. Agad ko namang kinain yun para makasubo na rin siya ng pagkain niya. Habang nasa ganoong pwesto kami ay siya naman paglabas ng mga mumunting bagay na nagliliwanag. Para itong mga mumunting bitwin na nagliliparan sa loob ng kweba. "A-ang ganda." sambit ko nang makita ang mga ito. "Ayan ang gusto kong makita mo dahil sigurado akong magugustuhan mo ang mga iyan." sabi nito sa akin. "Gabi gabi tuwing nandito ako ay nagsisilitawa sila, alam siguro nila na nandito ang nagbigay sa kanila ng tahanan." dagdag niya pa. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Tinanim ko kasi sa paligid yung halaman na kanilang pinamumugaran, hindi naman sila nakakaabala sa akin, bagkus ay tinutulungan nila akong marelax." sagot niya sa akin. "Ang galing, para tayong nasa langit na napapaligiran ng bitwin." sabi ko sa kanya. Tinitignan ko ang paligid, ang mga alitaptap na lumilipad. Para silang nagsasayaw sa kanilang paglipad, binigyang liwanag nila ang madilim na kweba. "Sana ay nagustuhan mo ang lahat ng ito." sabi sa akin ni Eugene at iniharap ako sa kanya. Nagkatitigan kami sa aming mga mata at unti-unting binigyan ng masuyong halik ang bawat isa.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD