The Tenth Star

2330 Words
"Wow!! Ang ganda!!!" pagpuri ko sa kweba sa likod ng talon. Hindi lang kasi siya basta basta kweba, talagang iniayos ito para magkaroon ng parang matutuluyan sa loob. "Ayan ang secret hideout ko dito." sabi sa akin ni Eugene. "Talagang may ganito ka pa ah, mayroon ka ngang cabin in the woods tapos may cottage in behind the falls ka pa." pagpuri ko sa kanya. Napakamot naman ng ulo tong kasama ko, pacute pa tong lokong to, hindi naman niya kailangan kasi gwapong gwapo ako sa kanya. "Kaso hindi na siya secret." sabi nito sa akin na nagpakunot sa noo ko. "Bakit naman?" naguguluhan ko namang tanong. "Syempre alam mo nang mayroong ganito edi hindi na talaga sikreto." sagot naman niya sa akin. "Eh? Bakit mo ko dinala dito kung secret mo pala to?" tanong ko sa kanya. Pero ang loko, talagang yumakap mula sa likod ko at pinatong na naman ang baba sa balikat ko. Palagi na lang tong ganito, hindi ko tuloy maiwasan na kiligin sa mga ginagawa ng lalaking to. "Sinabi ko sayo para hindi ko na lang sikreto ang lugar na ito, para sikreto na rin nating dalawa." sabi nito sa akin. Nakaramdam naman agad ako ng saya nang marinig ko ang sinabi niya, feeling special na talaga ako dahil sa ginagawa ni Eugene. Feeling ko any moment aamin ito sa akin na gusto niya ako pero asa pa ako, mukhang natural na sa kanya ang maging ganito kasweet. "Eh? Anong meron bakit gusto mong maging sikreto natin to?" tanong ko dito, painosente move muna ako para hindi halatang kinikilig ako. "Kasi po para sa akin, espesyal ka." sagot nito. "Tara nga sa loob, para makita mo kung anong meron dyan." pagyaya pa niya. Inalalayan naman niya akong maglakad sa mabatong daanan papasok sa kweba. Hindi naman nakakatakot, dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas. Pagpasok namin sa loob ay namangha na naman ako sa aking nakita, organized kasi ito at saktong sakto lang talaga para maging kwarto. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako lang mag-isa ang nagtayo nito?" tanong nito sa akin. Tinignan ko naman siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Seriously? Siya lang talaga nagtayo ng cottage na ito na parang kwarto na? "Hindi nga?" sambit ko sa kanya dahil talagang hindi ako makapaniwala. "Oo nga, it took me almost a year para magawa yan, sagabal kasi yung tubig sa falls kaya hirap akong maipasok yang mga gamit dito. Buti na lamang ay nagawan ko ng paraan at hindi nabasa yang kutson." sabi nito sa akin na proud na proud pa sa achievement niya. "Galing naman, gawan mo nga din ako ng ganito." pagbibiro ko dito. Malay mo gawan niya talaga ako. "Huwag na, bakit ka pa gagawa eh meron na yan." sabi nito sa akin na parang bata na ayaw pumayag. "Sayo yan eh, hindi naman sa akin yan." sabi ko naman sa kanya na parang ding bata. Sabayan ko na rin kaharutan niya, minsan kasi kailangan maging ganito kayo para mabuild up pa yung connection ninyo. "Diba sabi ko sayo, sikreto natin to, ibig sabihin sa atin nang dalawa to." sabi niya sa akin. Pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa sinambit niya. Bakit parang ang labas eh inaalay niya sa akin tong cottage na ito. "Totoo ba?" tanong ko sa kanya. "Oo nga, promise, cross my heart." sagot nito sa akin. "Yehey may secret cottage na rin ako!" parang bata kong pagpupunyagi at tumalon sa kamang nasa may bandang gilid. "Oi huwag ka munang humiga!" pagpigil sa akin ni Eugene at hinila ako nito kaya napatumba ako pero agad naman akong sinapo ni Eugene at ibinaba. "Magpatuyo ka muna, babasain mo yang hihigaan natin eh." dagdag pa niya. "Nasaan yung twalya?" tanong ko sa kanya kasing higang higa na talaga ako. "Ay saglit, nandun pa sa labas. Hintayin mo ako ah, huwag kang lalabas." sabi nito sa akin at dali dali naman lumabas para kunin yung mga gamit namin. Hindi rin naman siya nagtagal, as expected sa taong to na mabilis gumalaw, feeling ko nga superhero to eh, hindi lang niya sinasabi. "Ito oh." pag-aabot niya sa akin ng twalya. "Salamat." tugon ko naman. Saglit ko lang pinunasan ang sarili ko dahil medyo tuyo na rin. Kailangan ko na lang talagang magpalit. Tumingin ako sa kasama ko na busy pa rin sa pagpupunas ng buhok niya. "Eugene." pagtawag ko sa pangalan niya. "Oh?" tugon naman nito at tumingin sa akin. "Labas." utos ko sa kanya. Mukhang nagtataka naman siya kung bakit ko siya pinapalabas. "Bakit ako lalabas?" tanong niya. "Magbibihis ako kaya labas ka muna." sagot ko naman at pinagtulakan siya palabas ng cottage. "Teka teka, kailangan ko pa bang lumabas?" tanong nito sa akin na nasa masuyong tono. Magpapacute pa to eh, hindi tatalab yan. "Labas." utos ko pa rin. "Oo na oo na, teka lang kunin ko lang yung damit ko." sabi naman nito at kinuha na niya yung damit niya. "Go!" sabi ko sa kanya at sinarado na yung cottage pagkalabas nito. Agad agad naman akong nagbihis dahil ayaw kong mawalay sa lalaking yun nang matagal, suot dito suot doon hanggang maisuot ko na yung boxer short at shirt. "Jiro tapos ka na ba?" tanong nito sa akin habang kumakatok sa pinto. "Oo tapos na pwede ka na pumasok." sagot ko naman kaya agad naman niya binuksan ang pinto. Wala na bang ibang gagawin tong lalaking to kundi paglawayin ako? Nakasando lang kasi siya kaya kitang kita yung mga muscles niya tapos tulad ko nakaboxers lang ang loko. "Nagagwapuhan ka sa akin no?" tanong sa akin ni Eugene na nagpabalik sa akin sa reality. "Sus mas gwapo pa ako sayo." sagot ko naman para hindi niya ako maasar. "Kunwari ka pa eh halos matulala ka nang makita mo ako." sabi nito sa akin. Hangin overload pero totoo naman sinasabi niya, nagdedeny lang ako baka kasi isipin ng lalaking to eh patay na patay ako sa kanya. "May pagkain ba tayo dito?" tanong ko sa kanya. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. "Meron, buti na lang talaga at pinaghandaan ko na ang lahat." sabi nito at lumapit sa isang nakataas na cabinet. Kinuha niya doon ang isang basket na mukhang kalalagay lang doon. Planado niya na ata talaga tong lakad namin na to, halos kumpleto na eh. "Ayan, magtyaga muna tayo sa tinapay at palaman." sabi nito sa akin habang nilalatag sa lamesa yung mga pagkain. "Mamaya manghuhuli ako ng isda para may makain tayo sa hapunan." dugtong niya pa. "Dito tayo maghahapunan?" tanong ko sa kanya. "Oo, dito rin tayo magpapalipas ng gabi para mas maenjoy mo yung pamamalagi mo dito." sagot niya sa akin. Ok, aangal pa ba ako, basta kasama ko siya, wala na akong mahihiling pa. Yung tipong kaming dalawa lang ang magkasama, maraming pwedeng mangyari. "Erase erase erase!!" sambit ko sa aking sarili nang may pumasok sa isip ko na medyo hindi kaaya aya sa mata ng madla. "Oh kain na, yan ah, pinagpalaman na kita ah." sabi nito sa akin at iniabot yung tinapay sa akin. "Salamat, ang sweet mo naman, baka mamaya hanap hanapin ko yan." pagbibiro ko sa kanya. "Maganda nga yun, para mamiss mo ako." sabi nito sa akin. Ano na ba talagang nangyayari? Why Eugene? Why are you doing this? "Namumula ka oh." pagpuna sa akin kaya tumalikod ako sa kanya. Ambilis ng t***k ng puso ko, bakit ba kasi siya ganito. Kailangan ko na talagang linawin ang lahat, nahuhulog na kasi ako sa bitag niya, baka mamaya ay malaglag akong tuluyan tapos wala pala siyang balak tumayo. "Ikaw Eugene, ano ba talagang..." sambit ko pagkaharap ko sa kanya ngunit nabigla na lang ako nang nasa likod ko na pala siya at sinalubong niya ako ng halik. Hindi lang ito basta halik dahil sa labi niya ako kiniss!!! Noong una ay natulala pa ako dahil wala ako sa wisyo nang ginawa niya, pero unti unti ay narealize ko na lang na gumaganti na ako sa halik sa akin ni Eugene. Matagal din yung naging kiss namin bago kami bumitiw. Magkadikit pa rin ang mga noo namin at nakakapit pa rin kami sa isa't isa nang magsalita si Eugene. "Ayan hindi na ako nakatiis, balak ko pa naman umamin sayo mamayang gabi pero wala, masyado di ko na napigilan." sabi nito sa akin. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko na halos gusto na lumundag palabas dahil sa sobrang kilig. "Dati pa man ay gusto kita Jiro, alam kong hindi mo naaalala pero simula noong unang makita kita habang tinutulungan mo yung kaibigan mo ay may kakaiba na akong nararamdaman sayo." sabi nito sa akin. "Ibig sabihin, dati pa man ay gusto mo na ako?" paninigurado ko sa sinabi niya. "Oo, hindi ko lang alam kung paano kita iaapproach dahil sa unang pagkikita natin ay nagawaan kita ng hindi maganda kaya ang ginawa ko at binully na lang kita. Kung napapansin mo na wala masyadong lumalapit sayo, kagagawan ko yun, pinagbantaan ko sila na huwag lalapit sayo dahil nagseselos ako dahil hindi ko nagawang makalapit saiyo." sambit niya pa. So matagal na palang may gusto itong lalaking to sa akin? Ibig sabihin ay matagal na palang the feeling is mutual pero hindi lang kami nabibigyan ng pagkakataon para sa isa't-isa? Mukhang may naidulot din palang maganda ang pagpapanggap ko na nawalan ako ng alaala. "Alam mo bang may ideya ako na sinusundan mo ako tuwing hapon? Kaya nga tuwing pumupunta ako sa park ay hindi ako nagmomotor para maging madali lang sayo na masundan ako." sabi niya sa akin kaya pakiramdam ko ay nahuli ako sa ginawa kong pagkakasala. "Ginagawa ko yun?" pag-aalinlangan kong tanong pero syempre, acting lang yan, alangan namang magtatalon ako dito at iclaim na ginawa ko nga talaga yun. "Oo, ang hindi mo alam ay may spy sa ako sa school na sinusundan sundan ka para malaman ko yung bawat kilos at galaw mo. Stalker na kung stalker pero masisisi mo ba ako kung magkagusto ako sa isang katulad mo?" pagtutuloy niya sa pagkukwento. "Kaya tuwing nakikita mo akong nakangiti habang tinitignan ang cellphone ko, ibig sabihin nun ay alam kong sinusundan mo ako dahil nagtext sa akin yung spy ko. Alam ko din na nagseselos ka dun sa babaeng kasama ko bago mag Valentines day, sa totoo niyan ay siya yung nakababatang kapatid ko na babae." pag amin naman nito. Ibig sabihin pinagselosan ko ang kapatid niya? Nakakahiya!! Ano ba tong mga pinaggagagawa ko noon? "Tapos naaalala mo ba yung Baymax sa locker mo? Ako ang naglagay noon dun, hindi ko na kasi maatim na makita kang malungkot kaya ginawa ko yun. Alam ko din na nag iwan ka ng regalo sa locker ko. Kaya kinabukasan noon ay sinadya ko talagang sugurin ko para maipakita sayo na suot ko yung binigay mo para sa akin." kwento niya pa. "Yung time na tinulak ka ni Greg, nagdilim talaga ang paningin ko nun sa galit dahil sa ginawa niya sayo, pero agad naman bumalik agad sa sarili ko nang makitang nawalan ka ng malay kaya agad agad kitang binuhat para dalhin sa clinic. Ayun din ang naging dahilan ng pag-aaway namin nk Greg, dahil sa ginawa niya sayo." paghahayag niya pa. "Tapos noong hapon na hinalikan mo ako, abot langit ang saya ko dahil ikaw na mismo ang nag initiate na gawin yun Pinangako ko pa sa sarili ko noon na gagawa na ako ng paraan para mapalapit sayo." sunod pang kwento ni Eugene. Ngayon ay ramdam ko na ang luha na umaagos mula sa aking mga mata. Marami na palang nasayang na pagkakataon sa aming dalawa. "Akala ko ok na ang lahat, nagready pa ako ng isang magandang setup kinabukasan para sayo noong umaga pero ang tagal mong dumating, naisip ko tuloy na baka balak mong huwag pumasok dahil sa papanakot ko sayo noong gabing nagkachat tayo. Chinat kita noon dahil naiinis na ako sa tagal mo pero nagulat ako nang makitang tinatawagan mo ako. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko pero mas nanaig yung pagnanasa kong madinig ang boses mo kaya sinagot ko." paglalahad niya pa. "Alam mo bang takot na takot ako noon? Tanging paghingi lang kasi ng tulong ang nasambit mo noon at halata sa boses mo na hirap na hirap ka. Kaya wala na akong inaksayang panahon at pinuntahan kita agad sa bahay niyo. Pasensya ka na ah, nanghimasok ako sa bahay niyo gamit pa yung susi na ninakaw ko sa kaibigan mo." sabi pa niya na parang natawa pa sa ginawa niya. Kaya pala nawala yung spare key ni Mio, may lokong kumuha ng susi sa kanya. "Huwag ka sanang magalit sa ginawa kong yun, gusto ko lang namang magkaroon ng access sa bahay niyo pero promise, ayun ang unang beses na pumasok sa bahay niyo. Buti na lamang ay nadala kita agad sa ospital, araw araw kitang dinadalaw, hindi lang ako nagpapakita sa mga kaibigan mo pero lagi akong nandoon. Ang sakit lang dahil paggising mo ay wala ka nang maalala." dagdag niya sa kanyang kwento. Naiiyak ako sa mga kinuwento niya, buong pag aakala ko ay naiinis siya sa akin pero kabaliktaran pala. "Sorry." paghingi ko ng tawad. Alam kong may malaki akong kasalan ngayon sa kanya dahil sa pagpapanggap ko na walang naaalala. "Hindi ko man maalala lahat ng yan, sa tingin ko ay naalala ka ng puso ko dahil noong unang araw na makita kita noong mawala ang alaala ko, kung naaalala mo ay parang ang sakit sa dibdib dahil hindi nawala ka sa memorya ka." sambit ko sa kanya. "Pero isa lang ang sigurado ako, bago pa man mawala ang alaala ko ay alam kong may espesyal kang lugar sa puso ko." dagdag ko pa na nagpangiti sa kanya. "Sana lang ay bumalik na yung alaala mo para makumpleto ka nang muli." hiling nito sa akin at binigyan ako ng isang yakap. Yakap na puno ng damdamin at pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD