The Ninth Star

2048 Words
Gising na ako pero nananatiling nakapikit ang aking mga mata. Ieenjoy ko kasi yung unan na yakap yakap ko ngayon. Ambango bango, tapos ang sarap yakapin. Siniksik ko pa yung mukha ko sa unan dahil hindi ko talaga mapigilang amuyin ito. Pero napadilat na lang ako dahil naramdaman kong gumalaw yung unan ko at pakiramdam ko ay may nakitingin sa akin. "Naenjoy mo ba yung pagyakap mo sa akin?" nakangiting tanong sa akin ni Eugene. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha kaya inalis ko yung pagkakayakap ko sa kanya at tinakpan ang aking mukha. "Nahiya ka pa eh halos ubusin mo na rin yung amoy ko kanina." dagdag pa nito kaya lalo akong nahiya. Tumalikod ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. Alam kong may isang part ko ang gustung gusto ang ginawa ko pero pinangungunahan ako ngayon ng hiya. Habang nakatalikod ako ay naramdaman ko siyang yumakap at dumantay sa akin at mapaglarong kinagat ang tenga. "Ahhhhh!!" pagsigaw ko at nagpumiglas sa kanya kaya ang ending ay nalaglag ako sa kama. "Arekupp!" reklamo ko nang nakaplakda akong bumagsak sa sahig. Narinig ko pang tumawa si Eugene na siyang kinainis ko, hilbis na tulungan ako ay pinagtawanan pa ako ng loko. "Masakit na nga yung pagkakabagsak ko pero tinawanan mo pa ako." reklamo ko sa kanya. "Masasaktan ka talaga, ikaw man magdive dyan sa sahig." natatawa pa ring sambit nito. Masasaktan Narinig ko na naman ang word trigger ko, paulit ulit itong nag-echo sa ulo ko kaya isang matinding pagkirot ang aking naramdaman. "Aaaaaahhhhhh!!!" pagsigaw ko na hawak hawak ang aking ulo. "Oh anong nangyayari sayo?" tanong ni Eugene sa akin na akala ata eh nagloloko lang ako. "AAAAHHHHHHHH ANG SAKEEEEETTT!!!" sigaw ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang aking ulo. Napaluha na rin ako sa dahil pakiramdam ko ay ilang sandali na lang ay malalagutan na ako ng ulirat. "J-jiro? A-anong nangyayari sayo?" tanong nito sa akin. Nagsisimula na rin siyang magpanic. "Yung gamot ko." nanghihinang sambit ko sa kanya na mukhang naintindihan naman niya agad. "AHHHHHHHHH!!!" Agad naman niyang tinungo ang mga gamit ko at kinuha ang isang botelya ng gamot. "Ilan ang iinumin mo?" tanong nito sa akin. "I-isa... Ahhhh!!" sagot ko sa kanya. Kumuha naman siya ng isang gamot sa bote at agad na pinainom sa akin. Dali dali rin itong lumabas at bumalik para makakuha ng tubig at ipainom sa akin. Agad din niya akong binuhat at inihiga sa kama. Nasandig ako sa kanya habang yakap yakap niya ako. Nararamdaman ko rin ang paghalik halik niya sa aking noo. "Ok na, mawawala rin yan, irelax mo lang ang sarili mo." pag-aalo nito sa aking habang hinihintay na umepekto ang gamot. Pumikit na lang ako at ninamnam ang pagyakap sa akin ni Eugene na tulad kanina ay naghahatid sa akin ng ginhawa. Yumakap din ako sa kanya pabalik kayang naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin. Mga isang oras ata kaming nasa ganoong posisyon nang maisipan gumalaw para makaupo. Wala rin naman na yung sakit ng ulo ko, special thanks sa yakapsule ni Eugene at mabilis na humupa ang kirot. "Ok ka na ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ng sikmura ko. Tumunog daw ba sakto pa talaga habang kausap ko si Eugene. Nakakahiya talaga, napakamot na lang ako ng ulo. "Mukha ngang ok ka na, nagsasalita na rin tyan mo eh." sabi nito sa akin. "Tara kain na tayo, alas tres na rin ng hapon, may pupuntahan pa tayo." pagyaya niya pa at tumayo na sa kama. Tatayo na rin sana ako nang bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal. "U-uy ibaba mo ako." utos ko sa kanya. "Bubuhatin na kita hanggang kusina, baka mamaya eh bigla na namang sumakit ulo mo." sabi nito sa akin kaya wala na rin akong nagawa. Baka mamaya eh magalit pa ito sa akin kapag hindi ko pinagbigyan. Saglit din lang naman kami kumaen ni Eugene, naeexcite kasi ako sa sinabi niyang pupuntahan namim dahil sabi niya ay maganda daw doon. "Tara na!!" pagyaya ko sa kanya. "Oo wait lang, ayusin ko lang tong mga dadalhin natin." sabi niya sa akin habang naglalagay ng kung anu-ano sa knapsack niya. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagpapack ng dadalhin namin kaya naman sinimulan na namin ang paglalakad papunta sa sinasabi ni Eugene na magandang lugar. Sa gubat kami dumaan, hawak hawak niya pa yung kamay ko para hindi daw ako mawala. If I know, chumachansing lang itong si Eugene sa akin. (A/N: Siya ba talaga o ikaw?) Hindi ko alam kung gaano kalayo ang lalakarin namin, pero sa tingin ko ay nasa higit sa isang oras na kaming naglalakad. "Malayo pa ba tayo?" tanong ko sa kanya. Pagod na kasi ako, alam niyo, unbound pa ako sa kanya kaya madali pa rin akong mapagod. Ang kumplikado kasi ng proseso ng pagbound, medyo mahalay kasi ang proseso. Siguro naman alam niyo na kung ano yun hindi ba? "Pagod ka na ba?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako, dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pang maglakad ng ilang metro. "Tara pumasan ka na lang sa akin." pagyaya nito sa akin. Yumuko na ito at niready niya ang likod niya. "Huwag na, mabigat ako, baka mapagod ka lang agad." pagtanggi ko sa alok. "Sige na, ang gaan mo lang kaya." sabi nito. Ang yabang ah, kung sabagay ang dali niya lang akong binuhat kanina. "Sige na nga." pagpayag ko na lang at pumasan sa likod niya. "Kumapit kang mabuti ah." bilin nito sa akin at walang kung anu-ano ay tumakbo ito ng napakabilis. Ewan ko kung anong sumapi sa akin at sinabayan ko ito ng pagsigaw, yung hindi natatakot ah, yung sigaw ng excitement. "Yaaaaaaaaaahoooooo!'' pagsigaw ko habang ineenjoy ang mabilis na paggalaw namin ni Eugene. Feeling ko si Superman tong lalaking to eh, tignan mo nga at parang wala niya lang yung pagtakbo niya sa masukal na daan dito sa kagubatan. Maya maya pa ay biglang tumalon si Eugene na siya naman ikinapikit ko dahil sa takot. Yung tinalunan niya kasi ay parang gilid ng bangin. "Nandito na tayo." sabi niya sa akin. Agad ko namang idinilat ang aking mga mata. Namangha ako sa aking nakita, isang waterfalls na napakataas. Ang linis at linaw ng tubig dito, talagang mapapa-wow ka kapag nakita mo ito. Maya maya pa pagkatapos naming magpahinga ay napalunok na lang ako nang makitang maghubad bigla ng damit si Eugene at tanging brief lang ang iniwan. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "Maliligo, kaya ikaw ay maghubad na rin dahil sasamahan mo akong lumangoy." sabi nito sa akin. "Ah eh, maliligo talaga tayo?" tanong kong muli. Kinakabahan kasi na naeexcite ako, makakasama ko siyang maligo at tanging kaming dalawa lamang ang nasa lugar na ito. "Tara na." sabi nito sabay wasak sa damit na suot ko na ipinahiram niya sa akin. "Hoy!!" reklamo ko sa kanya sabay takip sa katawan ko. "Ano bang kinakahiya mo, nakita ko naman na yang katawan mo noong pictorial natin." sabi nito sa akin tyaka naman niya hinila pababa yung shorts na suot ko. "Ahhh!!" sigaw ko dahil nagulat ako sa ginawa niya. Sumusobra na tong lalaking to eh, baka mamaya may balak itong reypin ako. (A/N: Sus siya ba talaga?) Pagkatapos noon ay agad niya akong binuhat at tumakbo ito papunta sa tubigan at doon ay tumalon ito. "Aaaaaah!" tanging pagsigaw na lamang ang aking nagawa dahil sa ginawa niyang pagtalon. Labis na lamig ang aking naramdaman pagbagsak namin sa tubig. At isa pa ay malalim pala ito kaya agad akong napakapit kay Eugene dahil hindi ako marunong na lumangoy. "Eugene ang lalim!!" natatakot kong sambit sa kanya habang madiin na nakakapit sa leeg niya. "Huwag kang matakot, hindi kita pababayaan." sabi nito sa akin tyaka niya ako dinala sa parte na abot na ng paa ko ang ilalim. "Malamig ba?" tanong nito sa akin. "Sobra!" sagot ko naman agad. Lumapit naman siya sa akin at pumunta siya sa likuran ko at binigyan ako ng isang mainit na yakap. "Ayan nilalamig ka pa ba?" tanong sa akin ni Eugene habang nakasandal ang baba niya balikat ko. Ano ba nakain nitong lalaking to at napakasweet niya sa akin, ayaw ko naman mag-assume na may gusto siya sa akin dahil baka umasa ako sa wala, baka ginagawa niya lang ito sa akin bilang kaibigan. "Salamat." pagpapasalamat ko sa kanya, hindi ko alam kung para saan or bakit ko nasabi yan, basta nakaramdam lang ako ng urge para magpasalamat sa kanya. "Salamat saan?" nagtatakang tanong nito sa akin. "Sa lahat ng ginagawa mo na nagpapasaya sa akin, kahit hindi ko alam kung para saan mo ito ginagawa, nararamdaman ko na sincere ka sa lahat ng ginagawa mo para sa akin." sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko noon ay nakaramdam ako ng kuryente nang naramdaman kong may kung anong dumapi sa aking leeg. "Hinalikan niya ba ako sa leeg ko?" tanong ko sa aking sarili. "Alam mo, nagpapasalamat na rin akong nawala ang alaala mo." sambit nitong sa akin. "B-bakit naman?" tanong ko sa kanya. "Kasi kung hindi nangyari to ay baka hindi ako makakalapit sayo ng ganito, yung wala akong ginagawang kakaiba para mapansin mo lang ako." sagot nito sa akin. Anong ibig niyang sabihin sa kakaiba? "Hindi ba kakaiba itong ginagawa mo?" tanong ko ulit. Syempre dapat malinawan ako ng husto sa kinikilos ng lalaking ito. "Mahirap ipaliwanag eh, pero I've been doing bad things just for you to notice me." sagot na naman nito na nagpanganga na sa akin. So binubully niya ako dati para lamang magpapansin sa akin? Humarap ako sa kanya, hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya. "Ano mang nangyari noon ay kalimutan mo na." sabi ko sa kanya at hinawakan ang mukha nito. Chance ko na ito baka makiss ka na siya sa lips. "Kung sakali mang bumalik ang alaala ko, yung mga ginawa mo sa kasalukuyan ang iisipin ko at hindi ang nakaraan." Hinawakan naman niya ang kamay ko nakahawak sa mukha niya at ngumiti ito sa akin. "Pangako?" paninigurado nito sa akin. Tinanguan ko naman siya upang ibigay ang aking pagsang ayon. "Sabi mo yan ah." pangungulit niya. "Oo nga, basta ba lagi mo akong dadalhin dito ah." sabi ko sa kanya. "Gusto mo pa bang bumalik dito?" tanong nito sa akin na parang nasurpresa pa. "Oo naman, ang ganda kasi sa lugar na to, nakakarelax." sagot ko sa kanya. "Edi babalik tayo dito, basta ikaw lang ah, gusto ko tayong dalawa lang." sabi naman nito. Deep inside ay kinikilig ako dahil sa sinasabi niya sa akin. "Salamat!!" pagpapasalamat ko at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "Tara langoy tayo." pagyaya nito sa akin. "Hindi ako marunong lumangoy eh." sabi ko sa kanya. "Sa mababaw lang naman tayo, gusto ko lang na mas maenjoy natin tong pagligo dito." sabi nito sa akin at hinila na ako papunta doon sa mismong falls. Sumama na lang ako sa kanya dahil tiwala naman akong hindi niya ako pababayaan. "Kapit ka sa likod ko." pagyaya sa akin nj Eugene. "B-bakit?" tanong ko sa kanya. "Lalangoy ako para mas mapabilis tayo, mas maganda kasi doon sa likod ng falls." sagot niya sa akin. Sinunod ko naman ang sinabi niya at kumapit sa likuran niya. Nagsimula siyang lumangoy. Kakaiba talaga itong si Eugene, runner na nga swimmer pa, baka mamaya magulat na lang ako na makitang lumilipad itong lalaking ito. "Weeeeeeeeeeehhh!!" yan na lamang ang lumalabas sa bibig ko habang umaandar kami papunta doon sa may mismong falls. "May tiwala ka sa akin?" tanong sa akin ni Eugene paghinto namin sa harap ng bumabagsak na tubig ng falls. "Oo naman, hindi ako sasama sayo dito kung wala akong tiwala sayo." sagot ko sa kanya. "Kumapit ka lang ah, lulubog tayo para marating yung likuran niyang falls." sabi nito sa akin. "Game!" pagsagot ko na lang dahil naeexcite na ako. Doon ay lumubog na kami sa tubig at tumawid sa ilalim ng tubig kung saan bumabagsak yung tubig galing sa taas. Pag-ahon namin ay isang kamangha manghang tanawin ang aking nakita sa likod ng talon. Isang bagay na hindi ko malilimutan, isang bagay na babago sa tingin ko kay Eugene. Isang bagay na magpapalalim ng aking nararamdaman para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD