Sa tingin ko ay kailangan ko na talagang gumamit ng trick para makalusot sa mga kaibigan ko bukas ng umaga, panigurado kasing hindi nila ako papayagan na lumabas. Dapat ko na atang ibilin kay Dr Mav na sabihin sa mga ito na kaya ko na mag-isa eh.
Tinext ko nga siya, binilin ko na tawagan niya ang mga kaibigan ko para hindi na nila ako guluhin sa bahay. Pero sa ngayon, kailangan kong paghandaan ang bukas.
Sinigurado kong nakatulog ako nang maaga para magising din ng maaga. Yung mga kasama ko kasi eh nanuod pa ng movie kaya for sure late na sila matutulog which is good for me para late din sila magising.
Kinabukasan ay nagising nga ako ng maaga, alas singko pa lang ng umaga, hindi ako nag alarm dahil paniguradong magigising din ang mga kumag.
Nandito lahat sila sa kwarto ko, isang maling galaw ko lang ay paniguradong may magigising sa kanila.
So this is it pusit, kahit na alam kong pinagbabawal to ni Dr Mav sa akin ay susuwayin ko muna siya. Isang beses lang naman at fully recharged ako dahil kay Eugene. Gawin daw bang charger yung crush ko.
Tumayo ako sa tapat nungb tatlong kong kaibigan. Tinapat ko sa kanila yung kamay ko at nagfocus ako upang makontrol ang awra sa aking katawan.
"Somnum"
Binigkas ko ang isang salita na nangangahulugang 'sleep' sa ordinaryong linggwahe.
Agad namang gumapang ang aking awra patungo sa aking mga kaibigan at dumikit sa mga ito. Ginawa ko ang bagay na ito upang masigurado na hindi sila magiging
sa loob ng apat na oras.
Kung nagtataka kayo kung paano ko nagawa iyon ay aking ipapaliwanag sa inyo. Natural sa aming lahi na magkaroon ng kakaibang kakayahan na gumamit ng tinatawag na mahika. At bilang prinsipe, ang aking kakayahan ay walang hanggan, maliban nga lang ngayon dahil nasa state pa ako na tinatawag na unbound.
Ano ba yung mga unbound? Sila yung mga nilalang sa aming lahi na hindi pa tuluyang nararating ang maturity state. Hindi tulad ng mga ordinaryong tao na sa edad nababatay ang maturity, sa amin ay iba. Kailangan naming mai-bound ang sarili namin sa isang nilalang na nakapukaw sa aming pansin o mas simple kung sasabihin na iibigin. Pagsapit ng ika-labing pitong kaarawan namin ay magsisimula na ang tinatawag naming bound searching kung saan ang katawan namin ay maghahanap na ng makakabiyak nito.
Crucial ang stage na ito ng aming pagkatao dahil 50:50 ang chance namin na mabound sa ibang nilalang. May limitadong oras din kami para mameet ang mga kinakailangan upang maging bound. Pagsapit ng ika-labing walong kaarawan namin ay hahantong kami sa isang bagay na kinakatakutan ng lahat, ang kamatayan.
Unti-unti din kaming manghihina habang lumilipas ang oras na pumapalya kami sa aming mission, makakabawi lang kami ng lakas sa tuwing malapit ang puso namini sa nilalang na napili ng aming katawan na makabiyak.
Kasama pa dito yung isang word of weakness namin, ewan ko ba kung bakit may ganito pa eh, pero tuwing may naririnig kaming salita na hindi namin dapat marinig ay biglang mananakit ang ulo namin dahil mag eeccho sa ulo namin ng paulit ulit.
Pinagbabawalan din kaming gamitin ang aming kakaibang kakayahan dahil madali nitong mauubos ang limitadong lakas namin.
Sa kondisyon ko, sa tingin ko ay hindi naman problema ang paggamit ng kakayahan ko dahil marerecharge ako mamaya. Magkikita kasi kami ng napiling kabiyak ng aking katawan, at ayun ay si Eugene.
Enough with the explanation, baka malate pa ako kaya maghahanda na muna ako para sa date namin ni Eugene.
Isang oras lang naman ang nagamit ko sa paghahanda, kahit nakaramdam ako ng kaunting panghihina dahil sa pagcast ko ng spell dun sa tatlo kong kaibigan eh feeling energized pa rin ako dahil makikita ko si Eugene my love.
Pagsapit ng 6:30 AM ay nasa labas na ako ng gate at naghihintay para kay Eugene. Akala ko ako ang maaga pero paglabas ko ng gate ay nasa labas na pala si Eugene, dala niya yung big bike niya.
"Oh bakit ang aga mo?" gulat kong tanong sa kanya. Nakablack siyang sando tapos na lavander na polo na hindi nakabotones kaya kitang kita ang sando niya. Nakamaong pants pa siya na fitted sa kanya. Ang pogi pogi niya suot niya.
Ako naman ay naka-orange na v-neck shirt at fitted jeans
"Excited na kasi ako eh." sagot naman niya sa akin na parang nahihiya pa, may pakamot effect pa kasi eh. "Eh ikaw, bakit ang aga aga ata lalabas ka na?" balik naman niyang tanong.
"Tumakas lang kasi ako sa mga kaibigan ko eh." sagot ko naman sa kanya. "Alam mo na, baka hindi ako payagan na lumabas ng hindi sila kasama. Baka daw mapahamak ako." pagdadahilan ko.
Ginulo naman niya ang buhok ko na parang natuwa pa sa ginawa ko.
"Ikaw talaga." sabi nito. "Pero teka, bakit dyan naglalagi mga kaibigan mo?" tanong nito sa akin.
"A-alam mo na, hindi pa ako lubusang gumagaling, may mga instance pa kasi na sumasakit ng husto ang ulo ko." sagot ko naman. Nakita ko naman sa mata ang kanyang pag-aalala.
"May dala ka bang gamot? Baka bigla kang sumpungin habang namamasyal tayo." nag-aalalang tanong nito. Ang sweet naman ni Eugene ko, nag-aalala siya sa well being ko.
"Mayroon namang akong dala, may isang salita lang akong hindi pwedeng marinig dahil ayun daw yung trigger." sagot ko naman sa kanya.
"Ano ba yung word na yun? Para mapigilan kong marinig yun?" tanong niya sa akin.
"Kapag sinabi ko sayo ngayon ay baka mamalipit ako sa sakit dito at baka hindi pa tayo matuloy kaya tara na, gusto ko rin kasing gumala." sabi ko naman sa kanya.
Napatango naman si Eugene at mukhang tanggap naman niya yung naging sagot ko.
"Tara na nga, tara sumakay ka na." pagyaya nito sa akin. Nagulat pa nga ako nang bigla niyang isuot sa akin yung isang helmet. Himala at may extra helmet na siya ngayon dati kasi ay hindi kami naghelmet, unfair daw kasi kung may isa sa amin na magsusuot.
"Ayan para safe ka." sabi nito sa akin. Natutuwa talaga ako sa kanya ngayon, napakacaring niya, ibang iba doon sa Eugene na sumisira sa araw ko noon.
Sinuot na din niya yung helmet niya at sumakay na sa motor niya.
"Sakay na." utos nito sa akin kaya umangkas na ako sa bandang likudan niya. Nabigla pa ako nang bigla niyang kinuha aking mga kamay at iniyakap niya niya sa bandang tyan.
"Dyan ka kumapit, mas safe." sabi na naman nito. "Kung gusto mo ay yumakap ka lang sa akin, bibilisan ko yung pagdadrive." dagdag pa niya.
"Sige." sagot ko na lang.
Maya maya pa ay pinaandar niya na yung motor niya, at talagang napayakap ako sa kanya dahil napakabilis ng kanyang pagpapatakbo.
---
Hindi ko alam kung saan ako balak dalhin nitong si Eugene, mapuno na kasi sa paligid at wala na akong nakikitang kabahayan sa paligid. Medyo madilim din dahil sa mga nagtatangkaran na puno sa paligid.
Maya maya pa ay narating namin ang isang kalsada kung saan ay sa kaliwang bahagi ay kita ang asul na dagat. Mataas din ang kinalagyan namin, ibig sabihin ay nasa kalsada kami sa gilid ng bundok. Sa kabilang side naman ay nananatili ang mga puno.
"Ang ganda." komento ko sa napakagandang tanawin sa gilid ko.
"Nagustuhan mo ba?" rinig kong tanong ni Eugene.
"Oo gustung gusto ko." masayang sagot ko sa kanya.
Hindi rin nagtagal ay narating namin ang aming paruronan. Isa itong cabin na nasa gilid ng bundok kung saan kita ang karagatan.
"Ang ganda!!!" pagpuri ko sa kapaligiran.
"Mabuti naman at nagustuhan mo dito." sabi nito sa akin.
"Kaninong cabin to?" tanong ko sa kanya.
Ang cute lang kasi, yung cabin ay maganda ang pagkakagawa, may balcony ito na medyo maliit. Tapos yung kabuoan ng buong cabin ay hindi halatang malaki dahil sa mga punong nakatabing dito.
"Sa akin." sagot nito. Sa kanya lang talaga? Walang kahati?
"Sayo lang talaga? Walang kahati?" tanong ko sa kanya.
"Wala, regalo sa akin to ng papa ko last year noong birthday ko." sagot nito sa akin.
"Ahhh, kailan ba ang birthday mo at ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya.
"17 years old na ako, December 21 ang birthday ko." sagot nito sa akin. "Ikaw kailan ang birthday mo?" tanong pa niya.
Hala, sigurado ba siyang gusto niyang malaman birthday ko. Hmmh, pabebe mode muna ako, buti na lang nagpapanggap akong may amnesia.
Kumamot ako kunware sa ulo ko tapos tumawa ng mahina. Napakunot naman ng noo ang loko.
"Oh bakit ka tumatawa?" nagtatakang tanong nito.
"Nalimutan ko kasing tanungin sa mga kaibigan ko kung kailan ang birthday ko." sagot ko dito. Napangiti naman ito at ginulo ulit ang buhok ko.
"Oo nga no? Wala ka palang naaalala." sambit nito.
Maya maya pa ay kumalam na ang sikmura ko, naalala kong wala pa akong kinain simula kaninang umaga.
"Gutom na koooo..." pagpapacute ko sa kasama ko kaya napailing naman ito. Halata ang tuwa sa mukha niyang napakaaliwalas ngayon.
"Tamang tama, may pagkain doon sa loob." sabi nito sa akin. "Tara." pagyaya nito sa akin at hinawakan ang aking kamay.
Ayan na naman, bakit ang sweet na naman ng lalaking to. Kaunti na lang talaga, kaunti na lang.
Kung maganda sa labas ng cabin, mas mamangha ka sa loob. Napakalinis at nakarelaxing ng paligid. Mayroon lang itong isang kwarto at banyo. Parang sinadya lang siya na pang isang tao lang talaga.
"Tara kain na tayo." pagyaya nito sa akin. "Sa totoo lang ay galing na ako dito kanina para madala itong pagkain natin hanggang mamayang gabi." sambit nito na aking ikinabigla.
"G-gabi?" tanong ko sa kanya.
"Oo gabi, mas maeenjoy mo dito mamaya. Promise." sagot naman nito.
Hala!! Paano to!! Kapag bukas pa ako uuwi ay lagot ako sa mga kaibigan ko kapag nagkataon!
Kinuha ko agad ang cellphone ko para itext ang mga kaibigan ko pero bigo ako dahil walang kasignal signal sa lugar na ito.
"Nalimutan kong sabihin sayo na walang signal dito." sabi nito sa akin. "At wala ring ibang way para makaalis dito kundi sumakay sa motor ko dahil walang dumadaan na pampasaherong sasakyan dito." dagdag niya.
"Baka magalit sila." sambit ko.
Lumapit sa akin si Eugene, pero nakaramdam ako ng kaba dahil nag-iba ang ekpresyon ng mukha niya. Nagdilim kasi ito na parang galit.
"Takot kang magalit sila pero hindi ka natatakot na magalit ako. Tandaan mo na tayong dalawa lang ang nandito ngayon." pananakot nito sa akin.
Sa totoo lang ay nakaramdam talaga ako ng takot sa tinuran niya. Ibang iba kasi talaga ang awra niya. Kung sakali rin ay hindi ko siya pwedeng saktan dahil mas ako ang mahihirapan dahil siya ang taong napili ng katawan ko para maging kabiyak.
Akala ko ay magiging awkward na ang buong sitwasyon pero gulat ko na lang nang bigla nitong pisilin ang mga pisngi ko.
"Ang cuuuuute cute cute mo talaga!! Napakainosente mong tignan. Kaya ang sarap mong pagtripan eh." sabi nito sa akin na ngayon ay nakangiti na.
"Natakot ka ba?" tanong nito sa akin.
Tumango naman ako bilang pagtugon dahil talagang natakot ako sa ginawa niya. Ramdam ko pa ang panginginig ng katawan ko. Agad ko namang naramdaman ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko ineexpect na gagawin niya kaya medyo napapitlag ako.
"Sorry, nanginginig ka na tuloy." bulong nito sa akin habang hinihimas himas ang ulo't likod ko.
"Huwag kang matakot sa akin, pangako ko sayo na hinding hindi kita sasaktan, hindi hindi na ulit ako gagawa ng kung anong bagay na maaaring makasakit sayo." bilong pa nito.
Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binitawan niya. May kung ano sa puso ko ang aking naramdaman, tila ba may bagay na tuluyang nagpapaluwag dito kaya nakaramdam ako ng kapayapaan.
Kusa nang gumalaw ang aking mga kamay at yumakap ako pabalik kay Eugene. Akin ding isinandig ang ulo sa kanyang balikat. Hindi ko alam kung anong nangyari, bigla na lang akong inantok, siguro dahil sa gaan ng aking pakiramdam habang nakakulong sa bisig ng taong akong minamahal.