I can't believe it!! Magkasama kami ngayon ni Eugene!! At hindi lang basta magkasama!! Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami paalis dito sa park!!
"Eugene." pagtawag ko sa pangalan niya. I need to experiment kasi eh, kung anong gagawin niya kamay namin.
"Oh?" tanong nito sa akin. Mukhang good mood siya ah, nakangiti eh.
"Y-yung kamay ko." mahina kong sabi na parang nahihiya.
Napakunot naman ang mga noo nito at tinignan ang kamay namin. Akala ko aalis niya yung pagkakahawak niya pero..
"Let it be, wala naman sigurong masama kung hahawakan ko ang kamay mo habang naglalakad tayo." sabi nito sa akin at talaga hindi binitawan ang kamay ko.
Yung puso ko!! ang bilis ng pagtibok!! Si Eugene ba talaga tong taong kaharap ko? Baka nananaginip lang ako!! Hinayaan ko na nga lang, ang sarap kaya sa pakiramdam na hawak hawak niya yung kamay ko. Dream come true na ba ito.
"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya.
"Sa mall na lang tayo kumaen, may alam akong resto doon na masarap ang mga pagkain, don't worry about the expenses, it's on me." sabi nito sa akin nang walang lingon lingon.
"S-sigurado ka bang ililibre mo ako? B-baka mamulubi ka, matakaw ako." tanong ko sa kanya na may kaunting pagbabanta. Totoo, matakaw ako, basta makakita ako ng masarap na pagkain, hindi ko mahihindian.
Humarap na naman sa akin si Eugene, grrr!! Requirement niya ba talaga ngayon na ngumiti? Bakit parang hindi na maalis sa labi niya to.
"If para sayo ang paggastos ko, why not? First time lang naman kaya sulitin mo na." sabi nito sa akin.
Kinikilig ako!! Kaunti na lang talaga at aapaw na ang kilig ko!! Baka kung ano na magawa ko kay Eugene!!
"Eugene." pagtawag ko sa pangalan niya.
"Oh?" pagtugon nito.
"G-ganito ba tayo dati bago ako mawalan ng alaala?" tanong ko sa kanya. Ano kayang isasagot netong lalaking to. Magmamalinis or aamin sa mga nagawa niya.
"Hindi, hindi na nagkaroon ng pagkakataon na magkalapit tayo noon kasi noong araw na sisingilin kita sa pagkakasala mo eh siya namang pagkawala ng alaala mo." sagot nito sa akin.
So anong ibig sabihin niya doon? Real talk lang, ano ba kasi yung gusto niyang singilin sa akin? Wala akong ideya eh, alam kong hinalikan ko siya noon pero imposible namang singilin niya pa ako doon? Pwede naman kung bigla bigla na lang niya akong susuntukin dito.
"A-ano bakit kasi dapat yung sisingilin mo sa akin? Naguguluhan na kasi talaga ako." tanong ko ulit. Tandaan, ang batang matanong ay batang matalino.
"Malalaman mo rin pero hindi ngayon." sagot nito sa akin.
"Kailan?" tanong ko ulit.
"Soon." sagot nito.
Pabitin talaga tong Eugene na to eh ano? Ayaw pa talagang sabihin, masyadong nagpapabebe.
---
Agad din naman kaming nakarating sa mall, ito naman pala kasing si Eugene eh may nakapark na motorsiklo sa school, pero iba rin ang trip kasi nilakad pa yung park pwede namang magmotor na lang siya hindi ba?
Pagdating namin sa resto na sinasabi niya ay namangha ako. Ang cute kasi ng design, pinaghalong ancient at modern style pero yung pagkakablend ng disenyo ay talagang nakakamangha.
Umorder kami nung potahe na may chicken, I don't know exactly kung anong tawag doon pero napakasarap noong pagkain. Hindi ko tuloy napigilan na kumaen nang kumaen.
Si Eugene naman ay halos nakatingin lang sa aking habang kumakaen, halos pakaunti unti lang siya sumubo, kaya naman medyo naiilang ako.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.
"Kakain, natutuwa lang akong panuorin ka, ang takaw mo pala talaga." sagot naman niya.
So natutuwa pala siya sa mga matatakaw? Dagdag cute points na ba yun? Para lalong makapagpacute ay kumuha ng pagkain at inilapit ito sa bibig niya.
"A" sabi ko sa kanya para ibuka niya yung bibig niya.
Mukha ngang naguguluhan pa siya sa gusto kong ipagawa pero nagets din naman niya. Akala ko tatanggi siya sa pagsubo ko ng pagkain sa kanya pero...
INDIRECT KISS!!!
Sinubo niya yung pagkain!!!
"Salamat." nakangiting pagpapasalamat nito.
Maya maya pa ay kumuha din siya ng pagkain niya at ginaya niya yung ginawa ko!! Inilapit niya din yung pagkain sa bibig ko.
"A" sabi naman niya para isubo ko yung pagkain.
Kaya ayun... INDIRECT KISS ULIT!! syempre sinubo ko yung pagkain na binigay niya, wag tatanggihan ang grasya!!
Natapos din naman kaming kumaen pero yung kilig ko? To the max level na ata, I never thought na magiging ganito si Eugene sa akin.
"Gusto mo ng dessert?" tanong nito sa akin.
Tumango na lang ako tyaka ngumiti, syempre pacute factor tayo. Gusto ko ngang sabihin na 'pwedeng ikaw na lang dessert ko?' kaso ayaw kong maging paobvious.
"Tara may alam akong place na may masarap na dessert." sabi nito sa akin at muli, HINAWAKAN NA NAMAN NIYA ANG KAMAY KO!!!!
Kaya ang labas namin, we're holding hands while walking sa mall. Napapansin ko na nga na maraming tumitingin eh pero bahala sila dyan, basta masaya ako ngayon kasi kasama ko tong bully kong crush.
Dinala niya ako sa isang ice cream house, sabi niya ay masarap daw dito dahil dito daw sila lagi kumakaen ng kapatid niya kaya dito niya ako dinala.
Nag order ako ng isang cup ng vanilla ice cream, akala ko nga ordinary lang eh tapos pagtingin ko, halos nag uumapaw yung icecream dun sa cup tapos may binigay pang chocolote syrup.
"Mukhang enjoy na enjoy ka sa ice cream mo ah?" puna sa akin ni Eugene.
"Ang sarap eh. Sa susunod na kain ko dito yung mango flavor naman ang babanatan ko." sagot ko sa kanya.
"Basta sabihan mo lang ako kapag gusto mong bumalik dito. Ililibre kita ulit." sabi nito sa akin.
Teka, ililibre niya ako ulit? Basta sabihin ko lang? Huwaaaah!!! Is this real? Napatingin ako sa kanya, walang bahid ng pagbibiro noong sinabi niya yun. Ibig sabihin ba nito ay maaaring magkaroon ng part two ang date namin? Suko na ako!! Kilig na kilig na ako sa pinapakita ng lalaking ito!!!
Pagkatapos naming kumaen ng dessert ay niyaya niya pa akong mamasyal sa mall, masyado pa daw kasing maaga at tyaka ihahatid na lang daw niya ako sa bahay pauwi kaya huwag daw akong mag-alala.
All in all, itong araw na to na siguro yung pinakamasaya sa lahat ng araw ko. Hindi ko talaga inaakala na magiging ganito si Eugene. Mukhang maganda rin yung naidulot ng paglapit ko sa kanya sa park kanina.
---
Kinabukasan ay nagkita kami ni kuya Frans para sa photoshoot na gagawin namin. Kasama ko ngayon si Mio dahil siya lamang ang available.
"Good morning kuya Frans." pagbati ko sa kanya pagdating namin sa studio.
"Good morning din Jiro." pagsagot nito sa akin at tumingin sa katabi ko. "Oh may kasama ka pala, alalay mo?" tanong nito na tinutukoy si Mio.
Bago pa makasagot si Mio eh tinakpan ko na yung bibig niya.
"Hindi kuya, kaibigan ko po siya, si Mio." sagot ko sa kanya habang kinukulong sa bisig ko yung kaibigan kong nagwawala na.
"Ay sorry, pasensya na girl, ang gwapo kasi ng kasama mo." pagpapaumanhin naman nito.
"Ok" mataray na lang sa sagot ni Mio pero alam ko deep inside beast mode na ang warka.
"So anong gusto mo para sa photoshoot mo Jiro?" tanong sa akin ni kuya Frans habang nandito kami sa isang studio.
"Gusto ko pong magmukhang astig at siga kuya." sagot ko sa kanya.
"Maganda yan, you look like an angel pero you want to portray yourself as a gangster." sabi nito sa akin. "Sumunod ka sa akin, pipiliin na natin yung susuotin mo." pagyaya nito.
Agad naman naming tinungo yung walking closet sa studio. Ang daming damit doon at talagang magaganda ang design.
"Ito ang isusuot mo." sabi niya sabay abot nung jacket sa akin. "Gagamit din tayo ng sigarilyo as props, pero hindi naman natin sisindihan." dagdag pa niya.
"Sige po." pagpayag ko na lang.
"Theo!" pagtawag niya sa isang pangalan.
"Sir?" pagtugon naman ng isang medyo maliit na lalaki.
"Ayusan mo na tong si Jiro para makapagsimula na tayo. Gusto niya magportray as a gangster kaya pagmukhain mo siyang bad boy." utos nito sa lalaking nagngangalang Theo.
"Masusunod sir." pagtugon naman nito.
"Oh Jiro, sumama ka muna sa kanya ah. Aayusan muna natin yung buhok mo para bumagay dito sa costume mo." sabi naman nito sa akin.
"Tara." pagyaya ni Theo na agad ko namang sinundan.
Dinala niya ako sa parang mini salon sa studio nila, siguro ay dito nila inaayusan yung mga nagiging models nila. Sinimulan niya sa pag aayos ng buhok ko. Nilagyan niya ito ng wax at sinuklay paitaas.
Sunod naman ay nilagyan niya ako ng cream sa mukha.
"Hindi na kita masyadong lalagyan ng makeup ah, gwapo ka na kasi at makinis kahit walang kolorete sa mukha." sabi nito sa akin.
After all the preparation ay sinimulan namin ang photoshoot. Madaming angles kaming sinubukan, buti na lamang daw ay magaling akong pumick up ng mga gagawin kaya madaling natapos ang photoshoot.
Dalawa lang naman ang kailangan na gamitin ito nakapili din kami agad ng isasubmit sa school para sa advertisement ng foundation week namin.
Isa itong nakabend ang kanang braso ko paatas tapos sa kabila ay nakababa at may hawak na yosi. Kaunting yellow na lighting may kaunting harang para magmukhang hapon at kinuhanan sa labas.
"Perfect!" komento pa ni Frans.
Sumunod naman ay nagsetup kami ng kung anu ano sa background at kumuha ng lamesa at upuan. Sa picture ay nakatshirt na lamang ako na puti at nasa bibig ko na yung sigarilyo.
"Perfect!" muling komento ni Frans sa pangalawang larawan.
"Ang ganda ng kinalabasan Jiro!" excited na sambit ni Frans.
"Hay nako, sa tana ng buhay ko as photographer ay ngayon pa lang ata ako nagkaroon ng perpektong modelo." pagpuri nito sa akin.
"Sadyang magaling ka lang talaga kuya Frans kaya maganda ang kinalabasan ng mga pictures." pagpuri ko kay kuya.
"Hay nako, sana may susunod pa." sabi nito sa akin na sinang-ayunan ko naman dahil naenjoy ko yung photoshoot.
"Oo naman kuya, salamat po talaga, nag enjoy po talaga ako." pagpapasalamat mo.
"Until next time Jiro ah." sabi nito.
"Sure po, tawagan niyo lang po ako kapag kailangan niyo ng model." sabi ko dito.
"Oh tapos na kayo?" biglang pagsulpot ni Mio sa likod ko na ginagulat ni kuya Frans.
"Ay bruha!" sambit nito dahil sa pagkagulat.
"Aba talagang.." reaksyon ni Mio pero hindi na niya natuloy dahil hinala ko na siya palabas ng studio.
---
Kinagabihan ay naisipan kong magbrowse muna sa f*******: ko dahil medyo hindi na ako updated sa events sa kung saan saan.
Habang tinitignan ko yung mga post sa newsfeed ko ay bigla na lang sumulpot ang isang picture ni Eugene na mukhang malungkot.
Done with the photoshoot - ang lungkot talaga kapag hindi ko siya nakikita. -caption ni Eugene sa kanyang larawan.
Syempre nacurious ako kung sino ang tinutukoy niya sa post. Ako kaya ito? Asa naman, alam ko naging sweet siya kahapon pero for sure eh para ito sa babaeng kasama niya noon.
Nilike ko na lang yung picture niya dahil pinakilig niya ako dahil sa kapogian niya.
Maya maya pa ay nagpop up ang chathead niya sa messenger.
From Eugene:
Hey!
To Eugene:
yow
From Eugene:
May gagawin ka ba bukas?
To Eugene:
Wala naman, bakit?
From Eugene:
Tara labas ulit tayo
Woaaaah!! Totoo ba to? Niyaya niya ulit ako bukas?
To Eugene:
Saan naman tayo pupunta?
From Eugene:
Basta! ako nang bahala, sunduin kita dyan bukas ng 7am ah, good night!
Magrereply pa sana ako kaso bigla na siyang mag offline. So wala na talaga akong choice?
Ok lang naman sa akin ang lumabas kasama siya eh, pagkakataon na yun eh, being with Eugene is the most priority sa wish list ko.
Ang problema lang ay kung paano ako tatakas dito sa tatlong kumag na kasama ko sa bahay. Paniguradong hinding hindi nila ako papayagan na lumabas nang ako lang mag-isa.
Grrrrrr!!!! Paano na to?? Mukhang no choice na ako kundi gawin ang bagay na yun. Kahit pinagbawalan ako ni Dr Mav eh siguro naman hindi makakasama kung isang beses ko lang gagawin.
Bahala na...