Maaga akong dumating sa paggaganapan ng photoshoot mag-isa. Hindi na ako nagpasama doon sa mga kaibigan ko dahil ayaw kong makita nila akong walang suot na pang itaas.
Ang idinahilan ko na lamang ay umuwi muna sila sa kanikanilang bahay para makasama pamilya nila. Para mapapayag sila ay sinabi kong tatawag ako agad kapag may hindi magandang nangyari.
Buti na lamang ay gumana ang convincing skills ko kaya napapayag ko silang huwag nang sumama kaya ito ako ngayon, kasama ang iilan pa lamang na kalahok sa pageant at naghihintay din ng photoshoot.
Maya maya pa ay nagsimula na ring magsidatingan ang iba pang kalahok. Napatulala na lang ako ng makita ang isa sa mga dumating.
Si Eugene...
Ito na naman ang puso ko, traydor, ang bilis ng pagtibok nito, malakas talaga ang tama nito pagdating sa lalaking ito.
Nang medyo malapit na sa akin si Eugene ay mukhang doon lamang niya ako napansin. Napahinto ito at napatitig sa akin, ako naman ay nahiya at napayuko na lamang, ayaw kong makita na namumula ako dahil ramdam ko ang pag init ng aking tenga senyales na nagbablush ako.
Agad din naman itong umalis at pumunta sa isang bench na medyo malayo sa akin.
"Bakit ka na lang tumabi sa akin?" tanong ko sa aking sarili na nakatitig sa kanya, buti na lamang ay nasa iba ang kanyang atensyon kaya hindi niya alam na tinititigan ko siya.
Ilang sandali lang ay dumating na sina mam Mylla kasama yung mga crew sa gagawing photoshoot. Itong si madam, talagang magpasexy pa, balak atang akitin yung mga estudyante dito.
"Ok students, magsisimula na tayo, magpalit na kayo, isuot niyo na yung mga swimming attires ninyo. Nga pala, yung magiging posing at arrangement ng pagkuha ng litrato niyo ay kayo ang magdedecide kaya be creative kahit yung pool lang ang props ninyo." paalala ni mam sa amin.
Nagsitayuan na yung mga kasali sa photoshoot, pati si Eugene ay kasama nilang tumayo at pumunta sa shower room.
"Oh ikaw Jiro, wala ka bang balak magpalit?" tanong sa akin ni mam. Mukhang good mood ito ngayon dahil todo ngiti pa ito.
"Ah mam, dito na lang po, suot ko na rin naman yung swimming trunks ko." sagot ko sa kanya.
"Ok sige bilisan mo na." sabi naman nito at lumapit na sa mga crew.
Sinimulan ko na ngang mag alis ng damit para yung swimming trunks na lang ang matira, confident naman ako sa katawan ko kahit paano dahil may maipagmamalaki naman ako.
Pagkatapos ko ay agad na akong tumalon sa pool na kinagulat naman nila mam at mga kasama niya.
"Hoy anong ginagawa mo Jiro?" tanong nito sa akin.
"Dito ko po gusto gawin ang photoshoot ko mam." nakangiti kong sagot dito.
Napangiti din sa madam, mukhang sang-ayon ito sa gusto ko dahil kinalabit na nito ang isang photographer.
"Oh nakaready na daw siya! Picturan niyo na!!" utos niya doon sa kasama niya na para bang excited na excited.
Wala naman nang nagawa yung photographer na mukhang takot mabasa, pero nakakatawa lang dahil parang nag aalangan pa itong tumalon sa pool. At dahil nga ang tagal niya ay mukhang nainis yung kasama niya pang isa at tinulak siya sa pool.
"Bilisan mo! Para kang adik, sinasayang mo pagiging water resistant niyang camera mo." bulyaw nito sa crew na magpipicture sa akin.
Ayun na nga, since nasa pool na rin yung kukuha ng larawan ay lumapit na ito sa akin.
"Ok bro start na tayo." sabi nito sa akin at niready na nya ang camera niya.
"One two three" pagbilang nito bago iclick ang camera niya.
Tinignan nito ang camera, nakita ko pa itong napakagat.
"Bading ata si kuya." sabi ko sa sarili ko kaya nakaisip na naman ako ng kalokohan.
"Isa pa." sabi nito kaya naman ang ginawa ko ay nilublob ko ang sarili ko sa tubig at umahon.
"Game." sambit ko dito.
"One two three." pagbilang nito at bago pa nito maclick ang camera niya ay nagpose na ako ng nakakaakit. Sinuklay ko pataas ang aking buhok gamit ang aking kamay.
Kita ko naman na napanganga ito sa aking ginawa kaya napangiti ako dahil successful ang plano ko.
"Kyyaaaaaaaahh!!" rinig kong pagsigaw ni mam Mylla. "Ang hot mo dun Jiro!! Keep up the good work!!" sabi nito na pumapalakpak pa.
Napailing na lang ako sa ginawa ni mam at naisipin nang umahon sa pool. Sa aking pag-akyat ay nakita ko pa si Eugene na nakatingin sa akin.
"Waaaaaah!! Naaakit ba siya sa akin?" mailusyon kong tanong sa aking sarili. Hindi ko na lang pinansin yung ideya na yun lalo pa't agad din itong nag alis ng tingin sa akin.
Kinuha ko na lamang ang mga gamit ko at pumunta sa shower room para magbanlaw ang magpalit ng damit.
Pagkatapos ko ay lumapit ako kay madam Mylla.
"Mam pwede na ba akong umuwi?" tanong ko dito.
"Ay ay ay, huwag ka munang uuwi dahil may announcement pa mamaya after ng photoshoot, mabuti pa ay umupo ka muna doon at maghintay." tugon nito sa akin.
Napakamot na lang ako ng ulo at pumunta sa mga bench bago umupo. Habang naglalakad sa pool area ay siya namang pag ahon ng isang mala demigod na nilalang sa aking harapan.
Agad kong inalis ang aking tingin sa kanya dahil baka tuluyan akong pagtaksilan ng akong katinuan at kung ano pang magawa ko kay Eugene mas lalo't tanging swimming brief lang ang suot nito.
Hindi naman gaanon katagal ang photoshoot, maaga itong natapos kaya ito kami ngayon nakahilerang nakaupo sa mga benches sa gilid ng pool.
"Ok, yung announcement kong ito ay tungkol lang muna sa photoshoot, kasi focus muna tayo sa pagaadvertise ng event natin kaya kailangan namin ang mga larawan niyo para maraming maakit na pumunta sa foundation week." sabi ni mam Mylla sa amin habang nasa harapan ito at feel na feel ang pagtayo niya doon.
"Bukas ay magkakaroon kayong muli ng photoshoot, nginit hindi kayo magkakasama! Magkakaroon kayo ng individual na photographer para sa themed photoshoot ninyo." pagtutuloy ni mam.
"At syempre, para hindi na tayo mahirapan sa pagtiteam sa inyo with the photographer, ang gagawin natin ay kung sino ang kumuha ng larawan niyo kanina ay sila na ang magiging official na tagapicture niyo." dugtong niya pa.
"So lumapit na kayo sa kanya kanya niyong photographer at pag usapan na yung mga gagawin ninyong photoshoot bukas." pagtatapos ni madam Mylla sa announcement niya.
Agad naman akong lumapit doon sa photographer ko na paminta. Alam kong sa loob ang kulo nito, pero since siya ang kukuha ng larawan ko ay kailangang ialis ko siya sa listahan ng aking mga pagtitripan.
"Hello po." pagbati ko dun sa photographer. "Ako nga po pala si Jiro, yung magiging model niyo po sa photoshoot." pagpapakilala ko pa.
"Ako nga pala si Frans." pagpapakilala din nito, pero nabigla ako dahil lumapit pa ito sa akin para bumulong.
"Francisco sa araw, Fransia sa gabi." sabi nito sa akin.
Napangiti naman ako kasi he honestly introduced himself to me.
"Nice meeting you po kuya Frans." sabi ko dito at nakipagkamay.
Nakita ko naman na lumapit sa amin si mam Mylla.
"Oh Fransia, ikaw nang bahala sa estudyante ko ah, ingatan mo yan, may amnesia kaya minsan para siyang naliligaw at wala sa sarili." bilin nito ni mam kay Frans.
Touched naman ako sa ginawa ng teacher kong to, talagang ibinilin niya pa ako. Kaya kay mam talaga ako kasi kahit kikay yan, napaka-caring sa mga estudyante niya.
"Yes mam, ako na bahala sa estudyante mo, nasa mabuti po siyang mga kamay." sagot naman ni Frans.
Pero itong si madam, tila ayaw paawat sa pagpapaalala.
"Nako nako Fransia, huwag na huwag mong gagapangin yang estudyante ko, parang anak ko na yan. Nakoo! Mabalitaan ko lang na may ginawa kang kakaiba dyan kay Jiro sa akin ka mananagot." pagbabanta ni mam sa photographer ko na parang kinakabahan na.
"Yes madam, makakaasa ka." sagot nito.
"Good." sambit pa ni mam Mylla at tumungo na sa iba pang mga estudyante.
"Bale isesave ko lang yung number mo para matext ko sayo yung location natin bukas." sabi nito sa akin.
Ibinigay ko naman yung number ko at nagpaalam na rin sa kanya. Gusto ko na rin kasing umuwi dahil inaantok pa ako. Pero palabas pa lang ako ng school nang makita ko si Eugene na palabas din. Syempre ako itong si curious kung saan siya pupunta eh sumunod ako sa kanya.
Napunta kami sa isang park, as usual, dun siya lagi sa dulo na malilim at nasa tapat ng lake. Tapos ayun na naman siya, titingin sa cellphone niya tapos ngingiti.
Hindi ko alam kung ano pwersa ang sumapi sa akin at binigyan ako ng lakas na lumapit sa kanya. Napansin ko naman na bigyan nagbago ang ekspresyon niya habang nakatungin sa cellphone niya. Parang naguguluhan siya na kinakabahan.
Pagkalapit ko sa kanya ay umupo ako sa tabi niya at painosenteng humarap sa kanya. Humarap din ito sa akin tyaka ko to nginitian na para wala lang. Hindi ko pwede ipahalata na kilala ko talaga siya.
"Hello." pagbati ko sa kanya.
Ito naman si suplado, nagbago ulit ang ekspresyon, poker face naman siya ngayon. Inalis ang tingin sa akin tyaka nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong nito sa akin.
"Nakita kasi kita, curious lang talaga ako sa pagkatao mo kaya sinundan kita." kaswal na sagot ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na 'sabi kasi nila follow your dreams kaya sinundan kita' kaso hindi talaga pwede.
"Dapat ay hindi mo na ako sinundan." sabi nito sa akin.
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya. Sana umepekto yung pagpapacute ko sa lalaking to.
"Hindi mo ba alam na delikado akong tao." tila nananakot na sambit nito sa akin at muli ay humarap siya sa akin. Bakas sa mga mata niya na tinatakot niya. Well, gagana pa kaya kapag lalo akong nagpacute sayo. I'll let my innosense defeat you.
"D-delikado? B-bakit? N-nangangain ka ba ng tao?" tanong ko dito. Talagang pinakita ko sa kanya na natatakot ako. Ano kayang gagawin.
Pero hindi ineexpect ang ginawa niya. Tinulak niya ako kaya napahiga ako doon sa bench. Itinukod niya pa yung mga kamay niya upang makulong ako sa mga braso niya.
"Paano kung sabihin ko sayong oo? Nagugutom na ako, at saktong sakto pa na pagkain na ang lumalapit sa akin." sabi nito sa akin.
Nakatingin ako sa mga mata niya. Kitang kita ko dito na wala siyang alinlangan sa kanyang sinasabi, mukhang ako pa ata ang mapapasubo sa ginawa ko. Maya maya pa'y nakita ko ito na parang sasakmalin ako sa leeg kaya napapikit ako.
Ilang sandali pa ay hindi dumating yung inaakala kong pagkagat sa leeg ko, bagkus ay nakarinig ako ng pagtawa sa aking tabi.
"Hahahaha, ang epic, hahahah" pagtawa ni Eugene sa akin.
Hilbis na mainis ay nakaramdam ako ng tuwa. Ito ang unang beses na nakita ko siyang tumatawa, at ang maganda pa doon ay ako ang dahilan ng pagtawa niya.
"Niloloko mo naman ako eh!!" pagrereklamo ko na parang bata. Ayaw kong matapos yung moment naming ganito.
"Ibang iba ka na talaga!! Parang mas maganda pa ata na wala kang naaalala. Nakakatuwa ka." sabi nito sa akin kaya napasimangot ako kunwari.
"Ganoon ba talaga ako kasama dati?" tanong ko sa kanya.
Tumigil naman ito sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso.
"Hindi naman ganoon kasama, sapat lang para magkaroon ng pagkakasala sa akin." sabi nito.
"A-ano bang pagkakasala iyon?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong kasalanan yung tinutukoy niya, yung kiss ba? Matuturing bang kasalanan yun? Swerte na nga niya kasi hinalikan ko siya eh.
Bago pa man siya makasagot ay kumalam ang aking sikmura na siyang gumawa ng tunog.
Nahihiya akong napangiti sa kanya, sinabayan ko pa ng kamot ng ulo, kanina pa pala ako hindi kumakaen.
"Nagugutom na ako." pagpapacute kong sabi sa kanya.
Natawa na naman siya, medyo kumukota na to sa kakatawa ah pero ok lang, gwapo naman siya eh.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kanya.
Pero hilbis sumagot ito ay tumayo lang ito. Akala ko ay iiwan ko nito pero laking gulat ko na lang na hinawakan nito ang aking kamay at hinila ako patayo.
"Tara, kain tayo, gutom na rin ako." pagyaya nito sa akin na siyang nagpatigil panandalian sa pag-ikot ng aking mundo.
MAGLALUNCH DATE KAMI NI EUGENE!!!
Sigaw ko sa aking sarili..