Kinagabihan ay pinayagan na akong umuwi ni Dr. Mav dahil alam naman niyang wala naman talagang kumplikasyon sa katawan ko maliban sa curse na nakapaloob sa lahi namin.
Binilinan na rin niya ang mga kaibigan ko na pag ingatan ako dahil sensitibo daw ang katawan ko ngayon at madaling manghina kaya daw dapat bantayan bente kwatro oras.
"Oh kumaen na tayo." pagyaya sa amin ni Mio.
Nandito kasi sila lahat bahay ngayon at naisipan nilang magstay dito hangga't makaya ko na daw mag isa. Tignan mo? Ambabait ng kaibigan ko, buti napapayag nila ang mga magulang nila na dito muna tumira.
"Oh ayan Jiro, kumaen ka ng madami ng makabawi ka kaagad ng lakas." sabi ni Mio sa akin habang pinaglalagay ako ng pagkain sa aking pinggan.
"Anong nakain mo Mio? Parang napakamaalaga mo ata kay Jiro ngayon?" nakakalokong tanong ni Jules kay Mio, himala parang uso ngayon ang mang asar kay Jules, if I know nagseselos lang yan kasi patay na patay yan kay Mio.
"Mali ang tanong mo Jules." pagsabat naman ni Dave.
"Bakit? Ano ba dapat ang tanong ko?" nagtatakang tanong ni Jules kay Dave.
"Sino ang kinain niya!?" sabi ni Dave na siya namang kinatawa nilang dalawa. Ako naman kahit natatawa na eh kunware slow ako pero syempre kailangan makisabay ako sa biruan nila.
"K-kuma-kaen ka ng tao?" tila natatakot kong tanong kay Mio na siya namang ikinamula niya. Ayun tuloy nakatanggap ng batok yung dalawa.
"Mga siraulo kayo, baka mamaya ay maniwala sa inyo itong si Jiro at matakot sa akin." singhal nito sa dalawa. "Huwag kang maniniwala sa dalawang yan ah? Nagloloko sila." sabi pa niya sa akin.
"Sus if I know kaya mo siya pinapakain ng madami dahil siya na ang isusunod mong kakainin!" nanakot na sabi ni Dave na siya namang sinakyan ko.
"H-huh? K-kung ganon, a-ayaw ko nang kumaen." tugon ko sa pagbibiro nila kaya natawa na talaga sina Dave at Jules na kinainis naman ni Mio kaya nagwalkout ito.
"Teka teka, susundan ko muna, mukhang nasobrahan ata pagbibiro natin sa akin." sabi ni Jules at sinundan nga si Mio.
Pero bago siya umalis ay pinigilan ko siya.
"Teka, baka ikaw ang kainin niya." kunwaring nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Bakas naman sa mukha nito ang pagkabigla at maya maya ay parang matatawa na ito sa aking tinuran.
"Jiro, biro biro lang yun, hindi totoo na kumakaen ng tao si Mio, maliwanag ba yun." sabi nito sa akin sa normal na boses pero alam ko natatawa siya.
Tinanguan ko na lang ito.
Nang makaalis siya ay dinako ko naman tingin ko sa kasama kong tyanak. Nakita kong hawak niya ang cellphone niya.
"A-ano yan?" tanong ko sa kanya.
Parang nagulat pa ito at biglang namula. Mukhang may tinatago itong bibwit naming kaibigan ah.
"W-wala, tinext ko lang si Mama." pagpapalusot nito.
Sinakyan ko na lang dahil baka mamaya ay makahalata siya kapag inusisa ko pa siya.
"May ganyan din ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Alin?" tanong nito sa akin.
"Yang hawak mo" sagot ko.
"Ahh oo, mayroon ka ring cellphone." sagot nito asa akin. "Mamaya pagkatapos nating kumaen ay tuturuan kitang gamitin ang cellphone mo ok?"
Tumango na lang ako bilang pagtugon.
----
Kakatapos lang akong turuan ni Dave kung paano gamitin ang cellphone ko. Yung tipo ba na alam mo naman gamitin pero dahil nagpapanggap ka ay napilitan kang makinig sa mga sinasabi niya.
Ngayon ay kinakalikot ko ang cellphone ko, ilang araw din akong knocked down kaya kailangan kong icheck kung may mga namiss ba akong mga bagay bagay.
Syempre palalagpasin ko ba yung profile ni Eugene? Syempre hindi. Kaya agad kong pinuntahan ang profile niya pero maingat na ako ngayon dahil baka kung anu ano na naman ang mapindot ko.
Tinignan ko rin yung mga messages na nareceive ko sa messenger, tinignan ko isa isa, at halos lahat mga kaklase ko na sinasabi na magpagaling daw ako.
Sa aking pagbabrowse ay may isang pumukaw sa aking paningin. Yung nasa message preview ay call kaya inopen ko yung chatbox namin. Doon ko lang napagtanto kung sino yung tinawagan ko para mahingan ng tulong.
It was Eugene! Siya yung natawagan ko. Curious ako kung ano pang nangyari pero hindi ko pwede tanungin ang mga kaibigan ko dahil baka malaman nila yung ginagawa kong kalokohan sa kanila.
"Inhale... Exhale..." sabi ko sa sarili ko. "Relax Jiro, malalaman mo din yan sa tamang panahon, sa ngayon ay matulog ka muna."
----
Sumapit ang lunes at napagpasiyahan ko nang pumasok. Tinanong naman nila ako kung desidido na daw ba talaga ako at sabi ko na lang ay maganda na rin ito at baka sakaling makatulong na may maalala ako.
Kaya ito kami ngayon naglalakad sa hallway papunta sa room namin. Pero bigla na lang ako nakaramdam ng tawag ng kalikasan.
Sakto naman na nasa tapat na kami ng classroom namin kaya siguro ito na yung chance kong magpaalam.
"Ah guys, saan ang palikuran?" kunwareng pagtatanong ko sa kanila.
"Sa may dulo lang ng kabilang hallway." sagot naman ni Jules. "Tara samahan ka na lang namin."
"Huwag na, madali ko lang naman siguro mahahanap yung cr." pagtanggi.
"Sasamahan ka na namin, baka may kung ano pang mangyari sa inyo dun." pagpupumilit ni Jules.
"Hays, hindi ka na dapat mag-alala sa akin, kaya ko na to." sabi ko sa kanya at ngumiti. "Ala sige na pupunta na ako doon, ihing ihi na ako." dagdag ko tyaka tumakbo papuntang cr dahil baka kung saan pa sumabog ang pantog ko.
Wala namang naging aberya sa pagpunta ko sa cr, yung pagbalik ang mayroon dahil nakasalubong ko lang naman ang taong aking pinapantasya.
Pagkakita nito sa akin ay ngumisi ito bigla, alam mo yung itsurang may gagawing hindi maganda? Pero ako, yung itsurang wala lang, yung parang hindi ko siya kilala. Nilagpasan ko lang siya, bahala na, kahit gaano ko siya kacrush ay damay pa rin siya sa pagpapanggap ko.
"Teka teka." pagpigil nito sa akin. Hinawakan pa nito ang kamay ko para mahinto ako sa paglalakad.
"Bakit po?" inosente kong tanong sa kanya.
"Hanep ka rin ano, pagkatapos mo kong gawaan ng kasalanan tapos ngayon umaakto kang parang walang ginawa." sabi nito sa akin na parang lalamunin ako ng buo.
Binawi ko yung kamay ko sa kanya kahit gaano ko pa gustong manatili na hawak niya ang kamay ko. Grrr! Ginusto mo to Jiro kaya panindigan mo!
"S-sino ka ba? Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kanya na kinakunot ng noo. Mukhang naguguluhan siya sa iniakto ko.
"Pasensya ka na ah, wala kasi akong maalala, kung may nagawa akong kasalanan sayo noon ay inihihingi ko na ito ng tawad." dirediretsong sambit ko sa kanya at tumakbo palayo. Mahirap na baka maipit pa ako sa sitwasyon na hindi ko kayang malusutan.
---
"Soooo what you want to tell me.... Jiro cannot remember anything?" pagkaklaro ni mam Mylla sa kalagayan ko.
Nakalimutan ko na kasali ako sa pageant, sana naman ay maging excuse ito para hindi na ako pasalihin.
"Well that's not an excuse para hindi siya makasali sa pageant, bagkus ay pwede nating gamitin yun sa kanyang advantage." sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako sa sarili ko, syempre, hindi nila pwedeng makita na dismayado ako kaya normal face pa rin na parang wala.
"Next week will be your examination, after that ay preparation na para sa foundation week, everyone in this class should participate, or else!" pagbabanta ni mam sa amin.
Wala na kaming nagawa kasing mukhang desidido talaga si mam na isabak ang sa laban. Perks of being pogi, pero saklap lang, hindi ako crush ng crush ko.
Uwian na at sabay sabay kaming naglakad sa hallway, sa bahay kasi uuwi tong mga to kaya wala akong choice, balak ko pa man din hanapin si Eugene tulad ng lagi kong ginagawa.
Speaking of the devil, hindi ko inaakalang makakasalubong namin si Eugene na mukhang badtrip at maraming iniisip. Huminto ito nang nasa harapan na namin siya.
"Ikaw." pagturo nito sa akin.
Tinuro ko ang sarili ko, buti na lamang ay mabilis ang reflexes sa pagpapanggap na inosente.
"Totoo bang hindi mo ako maalala?" tanong nito sa akin. Halata dilim sa kanyang mga mata na para bang hindi niya tanggap na hindi ko siya maalala.
"S-sorry, w-wala kasi talaga akong maalala." sagot ko na lang. Mahirap para sa akin to kahit na sabihin mo na halos bad experiences ang nakukuha ko sa kanya pero iba pa rin talaga kapag tinitibok ng puso mo ang tao.
Napapikit ako, nakaramdam kasi ako ng pagkirot sa dibdib ko. Tila sumasangayon ang puso ko sa ginagawa ko. Ramdam ko rin ang unti unting pagluha ng aking mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib.
"Jiro? Anong nangyayari sayo?" tanong ni Dave sa akin at inalo ako.
"Hindi ko alam, bakit ganito? Bakit? Bakit? Bakit parang ang sakit dito?" tanong ko sa kanila habang turo turo ang puso ko.
Hindi ko na alam, sa tingin ko ay natatangay na ako ng sarili kong pagpapanggap. Nasasaktan ako sa nakikita ko kay Eugene na parang nasaktan dahil hindi ko siya makilala.
"Ah-eh Eugene, makikiusap na kami sayo, pwede bang palagpasin mo muna to ngayon, masama kasi para sa kanya na pilitin ang mga bagay." pakiusap ni Mio kay Eugene.
Alam kong nainis lalo si Eugene, bakas ito sa kanyang mga mukha ngunit umalis na lang ito nang walang sinasabi. Ewan ko, parang nanghina ako sa paglayong ginawa niya. Hindi ko na lang namalayan na nawalan na ako ng malay.
----
Sumapit ang araw ng exam at lahat kami ay nakafocus, pero ako kahit anong focus ko ay halos si Eugene ang pumapasok sa isip ko. Simula kasi nung engkwentro namin sa kanya ay hindi na niya ako muling nilapitan. Kung dati ay araw araw niya akong ginugulo, ngayon ay parang hangin na lang ako na dumadaan.
Natapos ko naman ng maayos ang exam, confident na rin ako na papasa dahil nasagutan ko naman ng tama yung nga items sa test paper.
"Haayyy salamat! Natapos din!!" sambit ni Jules habang nag iinat inat pa ito.
"Buti na lang nandoon lahat ng nireview natin." sabi naman ni Mio.
"Jiro teka!" pagtawag sa akin ni madam Mio.
"Nakalimutan kong sabihin, may photoshoot kayo bukas ng umaga, doon sa may pool area, dalhin mo yung pinakamaganda mong swimming trunks ah." paalala nito sa akin.
"Ah eh, s-sige po." sagot ko na lang. Hindi ako pwedeng kumontra dahil kilala ko na tong si mam, maghihysterical ito at baka hindi pa kami makaalis.
"Myghhhad!! Makakakita ako bukas ng mga boylets!!!" pagpupunyagi nito at umalis na.
"Tara kain tayo sa labas." pagyaya ni Dave.
"Tara sa mag-pizza tayo, matagal na akong nagkicrave dun eh." suhestyon naman ni Mio.
"Akala ko sa tao ka lang nagkicrave." pagbibiro ko pero sa tonong inosente.
Napatingin sa akin yung tatlo na parang namangha sa sinabi ko. Mukhang hindi naman nainis si Mio bagkus eh mukhang natuwa pa ito sa sinabi ko.
"Totoo ba to?" biglang tanong ni Mio.
"Lets celebrate!! Marunong na ulit bumanat si Jiro!!" pagsigaw ni Dave na parang nanalo sa lotto.
Napasimangot naman ako. Akala ko kasi tatalab, yun pala eh pagpipiyestahan pala nila.
"Tama na nga, huwag kayong matuwa na marunong magbiro yang si Jiro, alam niyo naman kung gaano kademonyo yan kapag sinasapian dati." pagsingit ni Jules.
Lalo akong napasimangot, so demonyo pala ako dati? Talaga nama't!! pasalamat ka Jules at nagdidisguise ako ngayon kung hindi ay kanina pa kita nakaltukan.
"Oo bakit busangot mukha mo Jiro?" nagtatakang tanong nito.
"Demonyo ba talaga ako dati?" tanong ka sa kanya. Akala mo, gaganti ako at idadaan ko sa pagpapaawa. "Kaya ba galit sa akin yung tinatawag niyong Eugene dahil demonyo ako dati?" dagdag ko pa sa malungkot kong tono.
"M-mali! H-hindi ikaw yung tinutukoy kong demonyo s-si Dave, tama si Dave ang demonyo na sinasabi ko." pagpapalusot nito pero dahil pilyo ako, pahihirapan pa kita.
"Akala ko ba tyanak yang si Dave? Niloloko niyo na ako eh." painosente kong sabi sa kanila.
Alam kong deep inside kumukulo na ang dugo ni Dave sa galit dahil sa sinabi ko pero wala talaga siyang magawa.
Tinaasan ko ng kilay si Jules, mukha na siyang matatae sa kaba dahil hindi niya alam kung ano na ang sasabihin niya.
"Hayaan mo na nga yun, basta anghel ka dati, kaya wag ka na malungkot," pagdismiss niya sa sinabi niya kanina.
Tama na nga, baka mamaya eh matae na tong si Jules kapag tinuloy ko pa ang panggugoodtime ko sa kanya.
"Tara pizza na nga tayo." pagyaya ko sa kanila kaya dumiretso na kami sa mall para kumain.