MAAGANG LUMISAN ang hari sa palasyo kasama si Ruru upang puntahan si Esmeralda at siya na mismo ang makipag-usap dito. Nang magkausap sila ni Elenor ay hindi ito pumayag dala ng pagkabigla sa nabatid na kapalaran ng kanilang anak. Subalit sa huli ay nakumbinse niya ito at nadaan sa paliwanag. Lingid naman sa kaalaman ni Ruru, sa gitna ng kanilang paglalakbay patungo sa kanilang lumang tahanan ay mataman ang mga titig sa kaniya ni Haring Rufus. Naglalaro sa isipan ng hari ang mga salitang ibig niya sanang bigkasin at itawag kay Ruru subalit nangangamba siya sa magiging reaksyon nito. Batid niya namang hindi na magtatagal at maaamin niya na ang totoo. Mabubuo na siya at ang kaniyang mga anak kaya konting panahon na lamang ang kaniyang pagtitiis at pagkukunwari. “Mahal na hari, maari ba ako

