Character 1: The Novel
"I love you, Euris Spencer". Madamdaming anas ni Iruskill sa babaeng kaniyang iniibig. "Please Let me show you how much I love you". Aniya bago lumuhod sa harap ng dalaga. "Can you be my girl?".
Kasunod niyon Ang hiyawan ng mga estudyanteng nanonood. Bakas sa mga mata nila Ang Tuwa at kilig samantalang inggit Naman Ang sa iilan. Sino nga namang Hindi maiingit kung Ang pinaka gwapong lalaki sa loob Ng Campus ay mag propose Ng pagmamahal sa'iyo Hindi ba.
"I-Iruskill.. Please tumayo kana. Nakakahiya Ang daming tao na nanonood satin". Nahihiyang anas ni Euris kasabay ng pamumula Ng kaniyang Mukha.
"Don't mind them. Just look at me Euris". Nakangiting anas ni Iruskill sa dalaga bago inilabas Ang singsing mula sa kaniyang bulsa.
"T-teka lang.. A-anong----????".
"Don't worry Hindi pa ito Marriage proposal sa Ngayon. It's just a promise ring. Ang totoo ay pagmamay-ari ito ng Mom ko. She said ibigay ko daw ito sa babaeng mahal ko".
"P-pero..".
"Ikaw yun, Euris. Mahal kita". Sinserong anas ni Iruskill sa dalaga.
"P-pasensya ka na Iruskill pero.. Hindi ko kayang Ibigay Ang hinihiling mo. I love someone else and I hope you understand. I'm Sorry". Naiiyak na anas ni Euris bago Tumakbo papalayo habang naiwan Naman si Iruskill na nakatanaw sa dalaga Hanggang sa tuluyan iyong mawala sa kaniyang paningin.
Halos manlumo siya sa kinaluluhuran bago mahinang natawa. Sobrang nasasaktan siya subalit pinili niya na lamang tumawa sa kadahilanang marami Ang nakasaksi sa pang rereject sa kaniya Ng babaeng iniibig. Walang emosyon siyang Tumayo at pinagbubugbog Ang mga Taong Makita niyang tumatawa mapalalaki pa iyun o babae. Matapos niyun ay Hindi na siya pumasok Ng Buong Linggo at nag pakasasa sa Alak at pakikipagbasag Ulo kung saan saan.
Chapter 1
Yuris Zein Windsor POV
"Ate ano ba yan!? Bakit Naman ganiyan Yung Story na sinulat mo. Nakakaawa Naman si Iruskill". Anas ni Iris na kasalukuyang Binabasa Ang gawa Kong novela.
"Wag mo ngang pakealaman yan! Hindi pa nga tapos yan e". Anas ko bago iyun kinuha sa kaniya.
"Grabe ka Ang sama-sama mo Naman Kay Iruskill ate! Bakit Naman ganun!! Napaka saklap Naman Ng Buhay niya sa Story mo. Biruin mo Namatay Yung mga magulang niya nang Hindi niya manlang nakikilala pagkatapos Hindi manlang siya kayang mahalin Ng nag-iisang babaeng mahal niya simula pa nung Bata sila".
"That's part of the story, Iris! Ayan Ang pumapatok sa mga panlasa Ng mga mambabasa Ngayon. Tyaka Fiction Character lang Naman siya e". Anas ko bago isinara Yung Libro.
"Kahit na ate!! Huhu! Bigyan mo ng Hustisya Yung Character ni Iruskill. Ang Gusto ko maging masaya siya huhuhuhuuu!". Umiiyak na talagang anas ni Iris na ikinatawa ko.
"Alam mo Iris, Ang paggawa ng Novela ay Hindi ganun kadali. Kailangan mong Gumawa ng kwento na papatok sa masa para tangkilikin ito. At sa naging reaksyon mo Ngayon sigurado ako ganiyan din Ang magiging reaksyon Ng mga makababasa ng Librong ito. At dahil dun mapapaisip sila kung Ano Ang magiging wakas Ng kwento kaya Naman susubay-bayan nila ito. At dahil dun ay Mas malaki Ang Kikitain ko Hindi ba?". Tuwang anas ko.
"Ano nga bang wakas ng Kwento? Happy ending ba or sad ending?". Curious na tanong ni Iris.
"Ang totoo Hindi ko pa rin alam hehe..". Kamot Ulo Kong Sabi. "Wala pa kasi akong maisip na ending kaya Hindi ko pa mapublish".
"Sana Naman Happy ending para Kay Iruskill". Nakanguso niyang Sabi.
"Teka nga bakit ba Concern ka Kay Iruskill? Villain kaya Ang Role niya sa kwento. Baka nakakalimutan mong Si Euris Spencer at Blake Sandoval ang end game at sila rin Ang main Character". Anas ko.
"Ah Basta! This is what you called second lead syndrome ate. Ang Gusto ko sumaya si Iruskill at maging sila ni Euris!!".
"Bakit nga kasi?". Curious na tanong ko.
"Because Iruskill is just like you ate Yuris. Katulad niya maaga ka ring naulila sa magulang. Napakamalas mo sa lahat ng bagay at bukod dun Hindi ka rin Crush ng Crush mo. Pareho kayong Galit sa Mundo dahil sa mga masasamang nangyare sainyo. You created a Character which is exactly like you, so you can Show the world how cruel your life is sa pamamagitan ng Character ni Iruskill Stanford".
Nagugulat akong tumingin Kay Iris bago pekeng natawa. "A-Ano bang sinasabi mo diyan? W-Wag ka ngang patawa". Anas ko bago akma sanang lalabas na Ng Kwarto bago muli siyang nag salita.
"Just like Iruskill, Gusto ko rin na maging masaya ka ate Yuris". Aniya na bahagyang Ikinatulo Ng luha sa mga mata ko. Mabuti na lamang at nakatalikod ako sa kaniya.
"Gabi na.. Matulog na Tayo". Anas ko bago tuluyang lumabas ng pinto. Dumeretyo ako sa Kwarto ko at pinilit ipinikit Ang aking mga mata subalit kusang kumakawala Ang mga luha sa mga iyun Hanggang sa tuluyan akong makatulog.
*
Pagkagising ko ay pikit mata pa akong bumangon para gumamit ng Banyo. Katulad ng palagi Kong ginagawa. Binuksan ko Yung Pintuan ng Cr at pagkatapos ay Naupo sa Kubeta para mag gebs.
"Ughhhh! Sarap". Animoy na ginhawaang Sabi ko bago kinapa Yung Tissue sa tabi subalit mukhang Ubos na. "Iris, Pasuyo naman ako Ng Tissue. Wala na kasing Stock dito e". Inaantok pang sigaw ko. Maya-maya lang ay Bumukas Ang Pintuan ng Cr subalit Hindi si Iris Ang Bumungad saakin kung Hindi isang lalaki na Walang Saplot. "AAHHHHHHHHH!!!!! BASTOSSS!!!!!! SINO KA!!!!!!!! TULONG!!!!!!!!!! MAY RAPISTT!!!!!!!!!!!". Halos maubusan na ng Boses kung sigaw at lalo pa akong Sumigaw ng Dumapo Ang mata ko sa Mahaba at Nakalawit na Bling bling sa kaniyang katawan. "RAPISSTTTTTT!!!!!!!!!! WHAAAAAAAA!!!!!! Pvtaenaaaaaa!!!!!!!!!!! Ang Habaaaaaaaaa ng Sawaaaaaaaa!!!!!!". Malakas na tili ko.
"Would you stop Shouting! What the Fvck!" Mariing asik niya. "Who the Fvck are you!?".
"LABASSSSSS!!!!! LUMABAS KA DITOOOO!!!!!". Muling sigaw ko bago siya pinagbabato ng lahat na madampot ko sa loob ng Cr.
"F-fvckit!". Aniya bago Lumabas ng Cr. "Sino ka ba kasi?!". Sigaw niya sakin Mula sa labas ng pinto.
"Ikaw Ang Sino! Anong ginagawa mo dito sa Bahay namin!?". Sigaw na pag sagot ko.
"Your house? What the héll are you talking about!? Bahay ko ito!". Asik niya na ikinatigil ko.
"A-Anong Bahay mo!? Nababaliw ka na ba!??! Bahay ito ng Tita k------". Nangunot Ang noo ko Ng mapagtantong Hindi ito Ang Banyo sa Bahay namin. "T-teka.. P-papaanong??????".
Maya-maya lang ay binuksan niya Yung pinto at naghagis Ng Tissue. "Move faster!". Asik niya.
'hysss! Nakakahiya muntik ko nang makalimutan na may Gebs pa Pala ako sa Puwitan ko'.
"Eto na saglit lang!". Sigaw ko.
Nang tuluyang makalabas ay Bumungad saakin Ang Lalaking iyun. Mabuti na lamang at may takip na siyang twalya sa Ibaba niyang parte subalit Kita ko parin Ang Mala Modelo niyang katawan. Napakarami niyang Abs at napakamaskulado Ng katawan niya. Bukod dun ay Ubod siya ng Puti.
"Who the héll are you? And what are you doing in my Fvcking House!?". Bungad na asik niya saakin dahilan upang Bahagyang Umangat Yung Balikat ko sa gulat. "Siguraduhin mong magugustuhan ko Ang magiging sagot mo kung ayaw mong pulutin sa Prisinto!".
"H-huh? T-teka Naman.. Sino ka rin ba? At tyaka Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito e. Natulog lang ako kagabi sa Kwarto ko tapos B-Bigla nalang.. Bigla nalang akong--------". Agad akong natigilan ng mapansing Hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi ko.
"Manang!!!!". He shouted.
"W-Wait----Ano ba yan Wala akong kasalanan.. Teka lang Naman P-papano ba ito? Ano bang nangyayare?". Naguguluhan na talaga ko. Nananaginip ba ako? Bakit ganto???? Nasa Bahay lang dapat ako e.
"Yes, Master Iruskill? May ipaguutos ba kayo?". Anas ng matandang babae na kakababa lang ng hagdan.
"Do you know this girl?". Nauubusan na nang pasensya niyang anas. Nilingon ako ni Manang at tinignan Mula Ulo Hanggang paa. "Hindi Po Master Iruskill. Hindi ko Po siya Kilala".
"Then call the police right now!". Seryosong aniya bago ako tinitigan ng masama.
"I-Iruskill? Teka lang sinabi mo bang Iruskill Ang pangalan ng Lalaking ito Manang?". Tanong ko Kay Manang habang nakaturo sa Lalaking ito.
"Siya si Master Iruskill Stanford Ang may ari ng Bahay na ito, Ms". Sagot ni Manang na ikinalaki Ng mata ko.
"A-Ano kamo?? S-Siya Ss-sii I-Iruskill St-Stanford??? P-pero P-papaanong?----H-hindi! H-hindi ito totoo.. Nananaginip lang ako.. Tama! It's just a freaking dream. Matutulog nalang ulit ako". Nahihibang nang anas ko bago Akmang lalakad paakyat ng Hagdan ng higitin niya Ang Manggas ng damit ko sa likod.
"And where the Fvck do you think you're going, huh? Don't tell me sa taas mo Naman balak mag trespassing?". Aniya bago ako hinigit pabalik na parang kuting. "Manang Tumawag ka na ng pulis!".
"Iruskill Stanford? I-Iruskill.... S-Stanford? H-huh? K-kalokohan ito!". Tuliro nang anas ko bago Mariing hinigit Ang damit ko Mula sa pagkakahawak niya at Tumakbo papalabas ng Bahay niya.