Yuris Zein Windsor POV
"Paanong nabuhay si Iruskill Stanford? Fiction Character lang Naman dapat siya e. Isa pa Papaanong Napunta Ako sa Bahay niya?". Nakakaloka na talaga ito.
Kasalukuyan akong nakaupo sa may Parke na parang isang baliw. Kanina pa ako nag papaikot-ikot dito pero Hindi ko mahanap Yung Bahay namin. Andito lang dapat yun pero isang malaking Parke Ang Nandidito.
"Huhuhuhuuu! Nababaliw na ata talaga ako e". Naiiyak na anas ko habang Muling ginulo Ng paulit-ulit Yung buhok ko. Agad rin akong natigilan ng may maghulog ng Pera Mula sa Tapat ko. "KUYA HINDI PO AKO PULUBI!!!". mariing sigaw ko bago Akmang ihahagis Yung barya pabalik ng Biglang tumunog Yung Tiyan ko. Tanghali na rin kasi at Wala pa akong kain. "Nagugutom na ako".
Matapos niyun ay inayos ko Ang sarili ko at Bumili ng Fishball gamit Yung bente pesos na hinagis nung mama. Masama man sa loob ko dahil para akong Sinampal ng kahirapan pero Wala narin Naman akong magagawa dahil Nagugutom na talaga ako.
"Totoo nga kayang Nabuhay si Iruskill Mula sa pagiging Fiction Character? O baka naman nag kataon lang na magkapangalan sila?". Anas ko sa sarili bago sumubo ng Fishball.
"Pero kung Coincidence lang talaga iyun e, Papaanong nangyaring Napunta Ako sa Bahay niya? Ano yun magic?". Muling anas ko sa sarili bago Muling sumubo ng Fishball. "Bukod dun Hindi ko pa mahanap Yung Bahay nami----------". Agad akong natigilan sa isiping tumatakbo sa utak ko. "Kung Nandito si Iruskill Stanford at naging Parke Ang kinatatayuan Ng Bahay namin-------OMG! H-Hindi kaya Ako Ang Napasok sa Librong ginawa ko??????!!!".
"HINDEEEEEEE!!!!!!!!!!!!". Hindi makapaniwala akong Sumigaw ng malakas.
"Ija, Okay ka lang ba?". Tanong saakin nung tindero ng Fishball.
"M-Manong matagal na po ba yang Parke na yan diyan?". Hesterikal na anas ko habang nakaturo sa Park.
"Oo, Ang totoo Bata pa lamang Ako ng Ipatayo Ang Parke na yan. Ang totoo ay pagmamay-ari yan Ng mga Stanford". Sagot ni manong na lalong yumindang saakin.
"Huwag niyo Sabihin saaking ang pangalan ng park na ito a-ay Pokiko Park?".
"Tama ka! Ayan nga Ang Pokiko Park na pagmamay-ari ng pamilya Stanford". Tumatawang anas ni manong.
"A-ANO? Teka lang Naman.. Dinog show ko lang Naman Yung name nayun e. I rerevise ko pa sana iyun dahil Ang sagwa pakinggan".
"A-Ano kamo Ija?". Takang tanong ni manong.
"Wala po..". Nanlulumo Kong Sabi bago Nanlalambot na Naupo sa Lapag. "So Tama nga ako. Muka nga yatang Napasok Ako sa Librong Ako mismo Ang Gumawa".
Matapos niyun ay Naglakad-lakad Muna Ako sa Parke. Hanggang Ngayon ay Hindi parin nag sisink-in sakin Ang mga Nangyare. Kahit kanino Naman siguro Hindi ba? Mag gagabi narin subalit Nandito parin Ako sa Parke.
"Nagugutom na Naman Ako". Nakanguso Kong Sabi. Maya-maya lang ay Bumuhos Ang napakalakas na Ulan kaya Naman Agad akong Tumakbo para Sumilong. "Kahit saan nalang napakamalas ko talaga! Nakakainis na! Bakit ba palagi nalang sakin nangyayare Ang mga ganitong bagay! Pvtangina talagang Buhay ito!".
Lalo pang Lumakas Ang Ulan sa mga Sumunod na minuto at talaga namang Giniginaw na ako. Bukod dun ay nagugutom narin Ako.
"Hey, Are you okay?".
Nilingon ko Ang Lalaking iyun na nagsalita. Nakaupo kasi Ako kaya Naman Hindi ko maaninag masyado Ang kaniyang Mukha. Pero Isa lang Ang alam ko, Sa mga Oras na iyun ay Saakin niya Itinataklob Ang Kaniyang payong upang Hindi Ako mabasa. Gusto ko sanang tumayo upang pasalamatan siya pero Tuluyan nang nanlabo Ang aking paningin at nawalan Ng Malay.
*
Nagising Ako na nasa may Hospital na ako. Pinagmasdan ko Yung babaeng Nurse na nag-aasikaso sa akin. Inaayos niya Yung Dextrose na nakakabit sakin.
"Ms, Naaksedente ba ako? Anong ginagawa ko dito sa Hospital?". Takang tanong ko sa Nurse.
"Ma'am, bilin Po saakin ng boyfriend niyo na bantayan ko Po kayo Hanggang sa magising ka. Wag Kang mag-alala dahil dehydration lang at Gutom Ang dahilan kaya ka nahimatay". Aniya na ikinalaki ng mata ko.
"B-Boyfriend K-ko? W-Wala Naman akong Boyfriend Ms". Nagugulat na anas ko bago Mabilis na kumilos Paupo ng pigilan niya Ako.
"Ma'am kailangan mo pa pong Ubusin Yung Dextrose niyo bago kayo Lumabas ng Hospital". Mahinahong Aniya.
"Okay na Po Ako.. Hindi na masama Ang pakiramdam ko. Nagugutom na lang Ako hehe..". Nahihiyang anas ko.
"Ganun Po ba? O sige Po magpapadala Po Ako ng pagkain dito pero kailangan mo Po munang maubos Yung lamang ng swero bago ka Kumain, Okay Po ba?". Mahinhin na Aniya.
"S-Sigeee..". Tanging naging tugon ko. "Pero Ms Magkano po ba Yung Bill ko dito sa Hospital?".
"Seventee thousand Po". Aniya na ikinaawang ng labi ko.
"S-Seventee T-Thousand!? Niloloko mo ba ako!???". Halos isigaw Kong asik. "Saan Naman Ako kukuha Ng ganun kalaking Pera ate!? Eh kahit ata ibenta ko laman loob ko Hindi ko kayo mababayaran e!".
Taka akong tinignan nong Nurse na animoy natatakot na siya sa ginagawa ko. "Don't worry Ma'am, Binayaran na Po ng Boyfriend niyo Yung Hospital Bill nyo. Wala na Po kayong dapat pang problemahin".
"T-Talaga?". Halos hindi na makapagsalita kong Sabi. "B-bayad na Yung S-Seventee T-Thousand pesos?".
"Yes, Ma'am.. Napaka galante ng Boyfriend niyo at Ubod pa ng gwapo. Kanina nga Po sa Hallway pinagkakaguluhan siya dahil Mukha siyang Model".
"T-Talaga??? hehehe..". Kunwaring sagot ko subalit Ang totoo ay Hindi ko Kilala Ang tinutukoy niya. Ang totoo kasi ay No Boyfriend since birth Ako pero dahil sa bayad na Yung Bill ay sasakyan ko nalang Ang mga nangyayare.
'Tama! This is the best way to do! Baka kasi napagkamalan lang Ako nung lalaki na Girlfriend niya. Tapos kapag nalaman niya na Hindi Naman Pala ako Yung Girlfriend niya ay Ipabayad sakin yung 70k na Hospital Bill! Nooooo!! I kennottt bee!!!'.
"Kailangan ko Ng Tumakas agad!". Bulong ko sa sarili.
"Sige Po Ma'am. Kukunin ko lang Po yung Foods niyo". Nakangiting anas nung Nurse bago tuluyang Lumabas ng Kwarto. Matapos niyun ay Mabilis kong tinanggal Yung Swero at agad na Lumabas ng Kwarto. Tago dito, Takbo Doon Ang ginawa ko Hanggang sa tuluyang makalabas ng Hospital.
"WHAHAHAHAHAHAHA! AKALA NIYO MAPAGBABAYAD NIYO AKO NG 70K!??? ULOLLL!!! MAUTAK ATA ITO!". anas ko bago tuluyang Lumabas at lumakad papalayo. Matapos niyun ay sumakay Ako ng Taxi pauwe ng Bahay namin subalit Hindi inaasahang Parke parin Ang bubungad saakin.
"A-Anong ibig Sabihin nito?! T-teka lang manong hindi Naman dito Yung Bahay ko eh!". Asik ko sa driver.
"Ma'am eto Po yung eksaktong address na sinabi niyo saakin". Aniya.
Doon ko lang naisip na Hindi parin Pala ako nakakaalis sa Lugar na ito. "Ang ibig Sabihin ay Hindi ito isang panaginip? Nasa loob parin Ako ng Novelang sinulat ko?".
"Ms! Yung bayad mo?". Tanong nung driver na ikinakamot ng Ulo ko.
"W-Wala Po akong Pera manong pasensya na Po". Nahihiyang anas ko. Ang balak ko kasi dapat ay Tyaka na magbabayad pag nasa Bahay na Ako pero mukang malabong mangyare dahil Hindi Naman ito Ang Bahay ko.
"Lumang strategy na iyan Ma'am! Magbayad na Po kayo ng makaalis na Ako!". Natatawa sa inis na Sabi nung driver.
"P-pero Wala po talaga akong Pera eh..".
"Abat Hindi ka dapat sumakay ng Taxi kung Wala Kang pambayad! T@ngina Naman Ineng!! Ang hirap hirap kumita ng Pera sa panahon Ngayon tapos Gugulangan mo pa ako!". Sigaw niya na Halos magpantig na Yung tainga ko.
"Hindi ko Naman Po kayo tatakasan manong. Pramis Po kapag nakakuha Ako ng Pera babayaran ko Po kaagad kayo. Sorry na Po talaga". Naiiyak ng Sabi ko.
"Hindi pupwede Ang ganiyan Ineng! Ang mabuti pa ay sa Prisinto na Tayo mag usap!". Galit na galit niyang anas bago lumapit saakin at Hinawakan Ang braso ko.
"T-teka lang Naman manong! Nasasaktan na Po Ako..". Daing ko sa higpit ng paghawak niya saakin. Maya-maya lang ay tumigil siya habang nakatitig sa hita ko.
"Alam mo Ineng pupwede Naman natin itong pagusapan e.. Tutal makinis at maganda ka naman". May pagnanasang aniya dahilan para Mariin Kong kunin Yung Kamay ko at itulak siya papalayo saakin.
"Bastos!". Asik ko.