Yuris POV
"Bastos!". Malakas na asik ko dun sa Driver pero dahil mas malakas siya saakin ay Wala akong magawa. "Bitawan mo Ako Sabi e!". Pag pupumilit ko.
"Manong! Harassment na yang ginagawa niyo!".
Pareho naming nilingon Yung Matandang babae na Isa sa mga nanonood. Marahan siyang lumapit sa gawi Namin at sapilitan akong hinigit papalapit sa kaniya. "Ano bang kasalanan ng batang ito sa'iyo at ganun mo na lamang siya Kaladkarin!?".
"Eh pano ba Naman mukang balak pa akong wantutrehen ng babaeng yan. Wala Naman palang pambayad Ang tigas Ng Mukha sumakay ng Taxi!". Halos umusok Ang Ilong nitong Sabi.
"Aba't mas matigas Pala yata yang Bagang mo manong e! Sabi ko namang babayaran ko rin kayo". Asik ko pabalik dahilan para lalo siyang Magalit kaya Naman Agad Akong nag tago sa Likuran ni Manang.
"Magkano bang kailangan mong kabayaran?". Anas ni Manang.
"Isang Libo!".
"A-Ano kamo?! Aba't napaka gulang mo rin Pala manong. Baka nga Wala pang 500 yung itinakbo natin e. Ano ba yang metro mo ginto!?". Asik ko sa driver.
"Magbabayad ba kayo o Hinde!? Tatawag na Ako ng pulis Ngayon na mismo kapag pinatagal niyo pa ito!". Gitil niyang asik.
'Napaka gulang Naman nito!'.
"Oh eto, 1500 iyan. Kung pwede lang Ilayo mo na yang Makapal mong Bagang sa harap Namin. Kung tutuusin Ikaw pa nga dapat Ang magbayad ng Danyos sa pang haharass mo sa dalagitang ito. Lalo pa at napakaraming nakasaksi sa kabastusan mo!". Malumanay subalit bakas Ang Awtoridad sa Boses ni manang.
"S-Sige tatanggapin ko na at aalis ng maayos. Ito lang Naman talaga Ang kailangan ko e". Animoy natatakot na anas nung Taxi driver bago tuluyang lumarga paalis.
"Maraming Salam-----".
*BohsHh*
"A-Aray Naman manang! Bakit nyo Naman Po Ako binatukan?". Nakangusong anas ko habang nakahawak sa batok ko.
"Bakit ka naman kasi sumasakay ng Taxi nang Wala ka Naman palang pambayad!? Siraulo ka bang talaga Ineng!?". Bulyaw saakin ni manang.
"Teka lang parang namumukhaan ko Po kayo manang. Nag Kita na Po ba Tayo noon?". Takang anas ko ng mapatitig sa Mukha ni manang. "San nga ba Kita Nakita?".
"Sa Bahay ng Amo ko". Aniya na ikinaawang ng labi ko bago siya tuluyang naalala.
"Tama.. Ikaw nga Po yung Katulong dun sa Bahay ni Iruskill Stanford. Pero Ano pong ginagawa niyo dito? Wag nyo Sabihing pinahanap niya Ako para lang ipakulong?". Tarantang anas ko.
"Ano ka ba Ija, wag ka nga diyang praning. Ang totoo ay kagagaling ko lang sa Palengke. Nagkataon lang na Nakita Kita dito". Pagpapaliwanag ni manang na agad ko namang ikinahinga ng maluwag.
Chapter 6
Yuris POV
Nag aalangan akong pumasok sa Bahay ni Iruskill. Ang totoo ay nakiusap Ako Kay manang na tulungan Ako since Wala akong kapera Pera at Bahay na uuwian.
"M-Manang, Wag nalang Po kaya?". Pagaalangang anas ko.
"Ang Sabi mo tulungan Kita?".
"O-Oo nga Po pero Hindi ko Naman alam na dito niyo Ako dadalhin sa Bahay ni Iruskill". Nakangusong anas ko. "Alam niyo Naman Po yung Nangyare kahapon Diba? Nakakahiya Po".
"Bakit ka nga ba napadpad sa loob ng Banyo ni Young master?". Takang tanong ni manang.
'hinde ko alam Ang isasagot ko. Kahit palusot ay walang pumapasok sa Utak ko'.
"Siguro may gusto ka sa Kaniya, Ano? Marahil ay Isa ka sa mga Stalker ng Amo ko".
"H-Hanu? T-teka lang Naman manang ano bang sinasabi niyo Dyan?". Nagugulat kong anas.
"Hindi Naman na bago Ang pangyayaring iyun kaya nasisiguro Kong limot na ni Young master yang Mukha mo". Anas ni manang bago tuluyang pumasok sa loob kaya Naman Sumunod na rin Ako.
"A-Ano pong ibig niyong Sabihin?".
"Normal days nalang samin Ang mga babaeng Basta pumapasok dito sa Bahay. Pero usually sa Kwarto sila ni Young master pumapasok. Minsan ninanakaw nila Yung mga personal na gamit niya. Nung isang araw Nga Tatlo sa Brief niya Ang tinangay nila kaya Naman nag tataka ako kung bakit sa Banyo mo na isipang Pumasok Ineng". Pagpapaliwanag ni manang habang inilalapag sa mesa Ang mga pinamili. Mahina Akong natawa sa isiping Ako Ang Nakaisip ng ganoong eksena. "May nakakatawa ba?".
"Wala Naman Po hehehe..".
"Bueno, Ang Sabi mo saakin kanina ay Wala Kang matutuluyan. Totoo ba iyun?". Tanong ni manang.
"Opo".
"Kung ganun nasaan Ang mga magulang mo?". Takang tanong niya.
Mariin Kong nakagat Ang labi ko. "Patay na Po matagal na". Totoo Naman iyun kaya Naman marahil ay Hinde pagsisinungaling Ang sagot ko Hinde ba. "Wala na po akong ibang kakilala sa Novela-----este sa Mundo Po na ito. Kaya kung pwede Po sana dumito na Muna Ako?".
"Hinde Ako Ang mag dedesesyon niyan kung Hinde Ang Amo ko". Maikling tugon ni manang.
"Si Iruskill Po?".
"Hinde.. Si Chairman Killian Stanford. Lolo ni Iruskill". Anas ni manang.
"Nasan Po siya?".
"Ngayon ay nasa Germany siya para sa Isang Business Trip pero, bukas ay makikita mo siya dahil bukas Ang Uwi niya dito sa Pilipinas".
'Lolo ni Iruskill? Hmm.. Mukang mahihirapan Ako Neto! Hyss.. bakit ba Naman kasi Ginawa Kong Strikto at Masungit sa mga tao Ang Lolo ni Iruskill na Si Chairman Killian Stanford! Papaano na. Paano kung Hindi siya pumayag na dito Ako tumira!?'.
"Wag ka masyadong Umasa Ija dahil May pagka Strikto iyung si Chairman Killian. Maging Ako ay Hinde sigurado kung patutuluyin ka niya dito subalit subukan parin natin". Anas ni manang na ikinabuntong hininga ko.
'Hysss! Kung alam ko lang na mapupunta Ako sa Novelang ginawa ko edi sana Pala ginawa Kong mababait lahat ng Mga Characters huhuhuhu!'.
"Ganun Po ba? E nasaan Naman Po si Iruskill sa mga Oras na ito?". Tanong ko Kay manang kasi Naman maggagabi na pero Wala pa siya. Linggo Ngayon kaya Naman Wala rin siyang pasok sa School. "Alam ko na. Siguradong nasa may Inuman yun o Club sa mga panahong ito".
"P-Papaano mo Naman nasabi Ija!?". Takang tanong ni manang.
'Naku, Patay!'.
"H-hula ko lang Naman po hehehe..". Pagpapalusot ko.
"Kung sabagay ay iyun rin Ang iniisip ko. Ewan ko nga ba sa batang iyun. Ganun na yata talaga kalaki Ang Galit niya sa Mundo kaya Naman Wala ng pakealam at puro inom nalang Ang inaatupag". Buntong hininga ni manang Bago naghain ng pagkain. "Kumain ka Muna---- ano nga bang pangalan mo?".
"Tawagin niyo nalang Po akong Yuris pero Yuris Zein Windsor Po Ang buo Kong pangalan". Masayang anas ko. "Maraming Salamat Po sa Pagkain".
Matapos niyun ay Iniwan na Muna Ako ni manang sa Sala habang kumakain. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero Wala na akong pakealaman. Ang importante ay makakain Ako dahil Gutom na Gutom na talaga ako sa mga Oras na ito. Pagkatapos kung Kumain ay Hinanap ko si Manang.
"Manang?". Pagtawag ko habang nililibot Ang loob ng Bahay. "Hmm.. Hindi ko Masiyadong napansin pero napakalaki Pala talaga ng bahay ni Iruskill. Ang galing ko talagang writer hihihiX Buti nalang at ginawa ko siyang Multi-billionare. Biruin mong Nandito Ako Ngayon sa Bahay niya? E eto Yung pangarap kung Bahay e".
"Tapos ka na bang Kumain Ija?". Nagugulat kong nilingon si manang na noo'y nasa Likuran ko na Pala.
"O-Opo hehehe.. wag Naman kayong manggulat manang. Baka Naman Po atakihin Ako sa puso ng maaga". Kamot batok Kong Sabi.
"Ah ganun ba? Hahaha! Pasensya kana Ija. Bueno halika Tayo sa Taas. Pagsamantala Doon ka Muna sa Guest room Magpahinga". Aniya.
"Sige Po". Matapos niyun ay Umakyat kami ni Manang sa Hagdan.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit Wala Masiyadong Tao dito at kung bakit nagiisa lang akong Katulong?". Bigla ay tanong ni manang.
'Ang totoo kasi ay alam ko Naman talaga. Si manang lang kasi Ang nakakapag tiyaga sa Ugali ni Iruskill. Alam ko rin na lahat ng Mga Maids ay kusang nag reresigned ilang araw matapos nilang Manilbihan dahil Hindi matagalan Ang Ugali ni Iruskill'.
"Hindi na Po kailangan manang". Nakangusong anas ko na bahagya niyang ikinatigil bago Lumingon sa akin at mahinang natawa.
"Si young Master kasi Ang tipo ng Tao na Hindi Basta bastang nagtitiwala sa kahit na sino. Mas gusto niya Ang mamuhay magisa kaysa may Kasama". Malungkot na anas ni manang. Gusto ko sanang magsalita at sabihing alam ko Po manang.
'Alam ko dahil Bukod sa Ako Ang Author ng Novelang ito ay Nararamdaman ko rin kung ano Ang nararamdaman ni Iruskill dahil Parehong pareho kami. Siya Ang Boy Version ng ko'.