CHAPTER 2
Rick
Ynares Global Textile Headquarters, Toronto
Isang linggo na ang nakalilipas mula nang tumawag sa akin ang lalaking iyon, ang estrangherong tila kahati ko sa parehong balat at dugo. Sa loob ng pitong araw, hindi man lang siya nawala sa isip ko. Kahit anong pilit kong ituon ang sarili ko sa mga financial reports at merger proposals na nakahain sa mesa, palaging bumabalik ang imahe ng kanyang mukha. Parang bawat anino sa paligid ko ay may hugis niya, at bawat hakbang ko ay sinusundan ng isang duplicate ng sarili kong pagkatao.
Nagpakilala siya bilang Rayinier Zeun Harris, isang pangalang ngayon ay pinakamalaking palaisipan sa buong buhay ko. 'Yong tingnan ko ang pangalan niya Sa gitna ng kaguluhang dulot ng pagkikita namin, nagdesisyon kaming magpa-DNA test upang tuluyan nang malaman kung ano ang koneksyon naming dalawa. At ngayong linggo, lalabas ang resulta.
At halos hindi rin ako makapaniwala, sa mata ng pamilya niya sa Holand isa na siyang patay. Nagpanggap siyang patay at dito siya napadpad sa Canada. Sinabi niya sa akin na magpinsan si daddy at ang kanyang ama, o kung magkataon ay ama ko rin ang ama niya.
Nalaman ko rin na siya ang tinaguriang ghost player sa mga negosyo.
Siya ang palihim na tumutulong sa mga negosyante na palubog na. Katulad ko.
Ilang kumpanya sana ang pagmamay-ari namin ngayon kung hindi lang napabayaan ni daddy at kung hindi lang siya nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Hindi ko alam kung nagkataon ng ba ito na makilala ko ang isang katulad ni Raynier. Anong tama ang pagdating niya dahil kailangan ko ng tulong upang maisalba ang kumpanya.
Samantala, si Mommy at Daddy ay lumipad patungong Holand para doon ipagpatuloy ang gamutan ni Dad. Doon din kasi mas mahusay ang mga espesyalista, at mas mapapangalagaan siya ni Mommy habang ginagamot. Pero malungkot man dahil hindi ako ang naghatid sa kanila sa airport kundi si Raynier.
Kailangan ko munang mag-sakripisyo para sa kinabukasan ng kumpanya. Ayaw kong mawala ang pinaghirapan ng mga magulang ko.
Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti kong napagtanto ang isang bagay: si Rayinier ay hindi kalaban. Hindi rin siya pakawala ni Abraham Salmonte gaya ng una kong inisip. Sa halip, nag-alok pa nga siya ng tulong. Siya mismo ang nagsabing kaya niyang humarap sa board meeting bilang ako, upang mapanatiling matatag ang kompanya habang ako’y nakatutok sa mas malalim na laban.
Ngunit ngayong araw, kailangan kong isantabi muna ang misteryong iyon. May mas mahalagang laban akong kailangang harapin. Isang digmaan na matagal ko nang pinaplano at ngayon ay oras na para simulan ang unang hakbang.
“Sir, nandito na ‘yong consolidated report ng Salmonte Holdings,” ani Noah habang binubuksan ang pintuan ng opisina ko. Bitbit niya ang makapal na folder na parang buod ng kasalanan ng taong matagal ko nang gustong pabagsakin.
“Leave it there,” malamig kong sagot habang hindi inaalis ang paningin sa city skyline sa labas ng bintana. Sa taas ng Ynares Tower, kita ko ang mga gusali ng Toronto. Malalakas, matatag, parang si Abraham Salmonte noon. Pero lahat ng imperyo ay may pundasyong puwedeng sirain. Ang kailangan mo lang ay hanapin kung saan ito pinakamarupok.
Lumapit si Noah sa mesa ko at marahang inilapag ang folder. “I went over the numbers myself. May mga bagong movement si Abraham. Nagbenta siya ng shares sa dalawang logistics company last quarter. Mukhang nag-iipon ng capital.”
“Para saan?” tanong ko, malamig pa rin ang boses.
“Hindi pa malinaw,” sagot niya, umupo sa harap ko. “Pero malamang may bagong expansion project sila. Possibly sa Southeast Asia.”
Napangisi ako nang bahagya. “Good. Mas madalibsiyang bumagsak kung mas mataas siyang lumipad.”
Tahimik lang si Noah. Sanay na siya sa ganitong tono ko. Ang tono ng isang taong hindi nakuntento sa paghihiganti. Hindi ko lang gustong sirain si Abraham. Gusto kong tanggalin ang lahat ng dahilan niya para mabuhay sa mundo ng negosyo. At para magawa ko iyon, kailangan kong tamaan siya hindi lang sa bulsa, kundi sa puso. Walang hiya siya. Sinadya niyang sirain ang utak ni Daddy sa pamamagitan ng droga na binibigay niya para makuha niya ang kumpanya. Pero nagkakamali siya dahil lalabanan ko siya kahit tinuring ko siyang pangalawang ama noon.
“Find his weakness,” utos ko habang dahan-dahang sinisindi ang sigarilyo ko. “Every man has one. And once you find it… destroy it.”
Tumango si Noah, parang matagal nang inaasahan ang utos na iyon. “Actually, Sir. I think I already did.”
Doon ako tuluyang lumingon. “I’m listening.”
Binuksan niya ang laptop at ipinakita sa akin ang isang profile. Babae. Maamo ang mukha, may matalim na mga mata, at may apelyidong agad kong nakilala.
Aira Salmonte.
“Only daughter ni Abraham,” paliwanag ni Noah. “Twenty-four. Graduated from Wharton. Currently working here sa Ynares Global Textile mismo. HR Division.”
Bahagya akong natawa. “Sa kumpanya ko?”
“Yes, Sir,” sagot niya. “Nag-apply siya under a different name, ‘Aira S. Lopez’. Pero obvious naman sa background check. Si Abraham pa rin ang ama niya.”
Inabot ko ang tablet at pinagmasdan ang profile niya. Aira S. Salmonte. Mukhang mahinhin, pero may determinasyon sa mata. Parang hindi takot sa hamon. Parang hindi alam na siya mismo ang magiging dahilan ng pagbagsak ng ama niya.
“So this is it,” bulong ko. “This is where he bleeds.”
“Anong plano mo, Sir?” tanong ni Noah, kahit alam niyang may sagot na ako.
“Simple,” sagot ko, sabay tagas ng ngiti na matagal ko nang hindi nagagawa. “Make her mine.”
Napataas ng kilay si Noah. “You mean—?”
“Hire her,” utos ko. “Make her my secretary. Full access. Full exposure. I want her beside me every single day.”
“Hindi ba risky ‘yan, Sir? What if malaman niya?”
“Hindi niya malalaman,” sagot ko. “At kahit malaman niya, by that time, it will already be too late.”
Tahimik si Noah. Nakatingin lang siya sa akin habang pinaplano ko ang bawat galaw. Alam niyang kapag ganito ako magsalita, wala nang atrasan. Alam niyang hindi lang ito simpleng galit, ito ay isang mabagal, maingat, at maruming laro ng paghihiganti.
“Gamitin mo lahat ng resources natin,” dagdag ko. “Make it happen without raising suspicion. I want her in this office within the week.”
“Yes, Sir.”
Umayos ako ng upo sa swivel chair ko, pinatay ang sigarilyo, at tumingin sa labas ng bintana. Ang mga gusali ay nagniningning sa liwanag ng araw. Ngunit sa paningin ko, isa lang ang nakikita ko. Ang mukha ni Abraham Salmonte, nababalot ng takot habang isa-isa kong sinisira ang bawat pundasyon ng buhay niya.
“Abraham…” mahina kong bulong. “You took everything from me. Now I’ll take the only thing you have left.”
Tatlong araw ang lumipas.
Sa mga susunod na araw, abala ako sa pag-aayos ng mga bagong proyekto, mergers, at board meetings. Lahat ay maayos, lahat ay ayon sa plano. Ayon kay Noah, dumaan na raw si Aira sa final interview. Hindi na kailangan pang hintayin ang confirmation,mtiyak na tatanggapin niya ang offer bilang executive secretary ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ako ang bagong boss niya. Pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, nasa loob na siya ng teritoryo ko. At doon, ako ang may kontrol.
Ngunit sa kabila ng perpektong plano, isang bagay pa rin ang patuloy na gumugulo sa isip ko, ang lalaking kamukha ko. Kinakabahan ako sa maaaring resulta ng dna test.
At ang pinoproblema ko ngayon, hindi sapat ang pondo ng kumpanya. Anumang oras ay pwede akong paalisin bilang CEO. Nagkamali si Abraham na traidurin ako. Tiyak na pagsisihan niya ang mga ginawa niya. Alam kong gusto niya rin akong pabagsakin, para mapunta sa kanila ang Ynares Global Textile.
“Sir?” tawag ni Noah, kumakatok sa pinto ng opisina ko. “Are you okay?”
“Yeah,” sagot ko agad, bagaman halata sa tono ko ang pagkalito. “Just thinking.”
“About Abraham?”
“No,” sagot ko. “About something else.”
Hindi na siya nagtanong pa. Tumango lang siya at iniabot ang isang dokumento para pirmahan ko. “By the way, Sir. Confirmed. Ms. Aira will start on Monday.”
“Good,” tugon ko. “Make sure she’s oriented properly.”
“Yes, Sir.”
Pagkaalis ni Noah, muling bumalik ang katahimikan sa opisina. Ngunit hindi na ito ‘yong katahimikang nagbibigay ng kapayapaan. Ito ‘yong klase ng katahimikang parang bagyong paparating tahimik sa labas, pero puno ng unos sa loob.
At tulad ng bagyo, dumating ito nang hindi ko inaasahan.
Alas-otso ng gabi.
Ako na lang mag-isa sa opisina. Naka-off na ang mga ilaw sa ibang floors. Tahimik. Maliban sa mahinang ugong ng air conditioning, wala kang maririnig kundi ang bawat t***k ng puso ko habang nakatitig sa city lights sa labas.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko isinara ang laptop at kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair. Hindi ko kayang manatili rito ngayong gabi. Hindi ko kayang mapag-isa kasama ng mga tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Kaya’t ilang minuto lang matapos kong mag-log out sa system ay nasa labas na ako ng Ynares Tower, sakay ng itim kong sedan papunta sa hotel kung saan pansamantalang nanunuluyan si Raynier Zeun Harris; ang lalaking may parehong mukha ko.
Pagdating ko roon ay sinalubong ako ng receptionist, at ilang sandali lang ay nakasakay na ako ng elevator papunta sa presidential suite sa ikadalawampu’t walong palapag. Sa pagbukas ng pinto ay agad kong nakita si Raynier, nakasuot ng simpleng puting shirt at pantalon, habang nakaupo sa sofa kasama ang isang lalaking nakasalamin at halatang propesyonal, siya si Dr. William P. Dixon.
“Rick,” bati ni Raynier, bahagyang tumayo at sinalubong ako ng ngiti. Isang ngiti na tila ako rin ang may-ari.
Umupo ako sa harap nila, at sa unang pagkakataon simula nang magkrus ang mga landas namin ni Raynier, naramdaman kong may direksiyon na ang lahat.
“Alam kong hindi ito madali,” panimula ni Raynier habang seryoso ang tingin sa akin. “Pero kung gusto mong manatili sa posisyon mo sa kumpanya at sabay nating ilabas sa publiko ang katotohanan sa likod ng mga anomalya ni Salmonte, kailangan nating pagplanuhan ito nang mabuti.”
Tumango ako. “Kaya ako nandito. Ayaw kong makulong lang tayo sa mga teorya. Gusto kong may konkretong plano.”
Ipinatong ni Raynier ang isang folder sa coffee table. “Ito ang draft ng magiging strategy natin para sa board meeting,” aniya habang seryosong nakatingin sa akin. “Ako ang haharap bilang ikaw, Rick. Walang dapat makahalata. Ako ang magiging mukha ng kumpanya sa araw na ’yon. Pero kailangan mong gabayan ako sa bawat detalye ng usapan para sigurado tayong walang butas ang plano.”
“Wala silang dapat mapansin,” dagdag ni Raynier. “huwag kang mag-alala dahil akong bahala sa lahat. Hindi nila mahahalata na hindi ikaw ang nasa harap nila."
Humugot ako ng malalim na hininga. “Sigurado ka ba rito, Raynier? Hindi kita kilala nang lubos. Hindi ko alam kung kaya kong ipagkatiwala sa ‘yo ang ganito kalaking responsibilidad.”
“Kung kalaban ako, Rick,” sagot niya habang nakatitig diretso sa mga mata ko, “matagal ka nang wala sa pwesto. Pero nandito ako dahil gusto kong ayusin kung ano ang dapat ayusin. Hindi lang para sa ‘yo, kundi para rin kay Tito Rey,” huminto siya sandali, “ sa ama mo.”
Tahimik akong napatingin sa sahig. Sa salitang iyon parang may bigat na nahulog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung handa kong tanggapin iyon, pero kailangan ko siya ngayon. At kung totoo man ang lahat, kung talagang iisang ugat ang pinagmulan naming dalawa, mas lalo kong kailangang lumaban.
“Kung gano’n,” sabi ko sa wakas, “simulan natin ang laban.”
At doon, sa loob ng marangyang suite, habang humahalo sa ilaw ng lungsod ang mga plano naming dalawa, ay tahimik kong ipinangako sa sarili ko. Anumang madilim na lihim ang ibinaon ni Abraham Salmonte sa ilalim ng pangalan ng Ynares Empire, ako mismo ang pipigil sa kaniya.