Episode 3

2427 Words
Chapter 3 Rick Tahimik si Raynier sa loob ng ilang segundo bago siya tumingin nang diretso sa akin. “Rick,” aniya, mababa ang boses pero matatag. “Hindi ko hinihingi na pagkatiwalaan mo ako agad. Pero kung may isa mang tao sa mundong ito na makakaintindi sa’yo, ako ‘yon. Dahil pareho tayo ng pinanggalingan, pareho tayo ng sugat, at pareho nating gustong hanapin ang katotohanan.” Hindi ko alam kung bakit, pero sa tinig niya, may kakaibang kapanatagan akong naramdaman. Parang ‘yong bigat na matagal ko nang pinapasan ay biglang gumaan, kahit sandali lang. Ilang negosyo namin ang nabagsak dito sa Canada, sa hindi ko alam kung ano ang dahilan. Mga negosyo ni Daddy na ipinatayo. At itong Ynares global textile na lang ang natitira subalit palubog na rin. Galing ako sa Spain, nag-aral ako roon. Pero pagbalik ko dito sa Canada ito na ang naabutan ko. “Kung gano’n,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang tono. “Sabihin mo kung ano ang plano.” Tumango siya, at inilabas ang ilang dokumento mula sa folder. “Una, kailangan nating ma-secure ang kontrol sa board. Kung may balak si Abraham na patalsikin ka bilang CEO, kailangan nating maagapan ‘yon. Ako ang haharap sa board meeting bilang ikaw. Gagamitin natin ang presence ko para mapanatag sila habang ikaw naman ang magtatrabaho sa background.” “Paano kung may makapansin?” tanong ko, halatang nag-aalangan pa rin. “Hindi ako sigurado kung kaya mong gayahin ang lahat ng kilos ko.” Ngumiti siya, at may halong kumpiyansa ang ngiting iyon. “Kaya ko. Ilang araw ko nang pinag-aaralan ang mga galaw mo, paraan mo ng pagsasalita, maging ang mga paborito mong linya. Huwag kang mag-alala. Wala silang mapapansin.” Saglit akong natigilan, saka napangisi. “Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o matakot sa kakayahan mo.” “Depende kung paano mo ‘yon titingnan,” sagot niya, bahagyang tumango. “Ang mahalaga, pareho nating alam kung sino ang tunay na kalaban. At kung gusto nating sabay na makuha ang hustisya para sa mga magulang natin, kailangan nating magtulungan. Ano man ang resulta ng DNA test. Kapatid man kita o hindi, tutulungan pa rin kita. Ang dna test na lang ang makapagsabi sa atin ng totoo, kung triplets ba talaga ang ipinanganak ni Mommy. At kung ano ang dapat natin gawin kay Abraham, siya ba talaga ang pasimuno ng lahat para mapabagsak ang kumpanya ni Tito Anthony?" Nang marinig ko ang pangalan ni Abraham, muling bumalik ang galit na matagal ko nang pinipigilan. “Hindi lang hustisya ang gusto ko, Raynier,” madiin kong sagot. “Gusto kong masira siya. Gusto kong maramdaman niya kung ano ‘yong pakiramdam na mawalan ng lahat. Tulad ng ginawa niya sa amin.” Tumingin si Raynier nang diretso sa akin, at sa unang pagkakataon, may nakita akong bahagyang lungkot sa mga mata niya. “Alam ko. Pero tandaan mo, Rick. Kapag gusto mong gumanti kailangan pag-isipan mo ng mabuti, baka sa huli ikaw ang mahulog sa sarili mong patibong. At baka ikaw rin ang nawala." Napatingin ako sa salamin sa gilid ng kwarto. Dalawa kaming nakikita roon. Parehong mukha, pero magkaibang mga mata. Isa’y puno ng galit, ang isa nama’y puno ng pang-unawa. Hindi ko alam kung sino sa amin ang tama. Huminga ako nang malalim. “Kung ‘yan ang kapalit para makuha ko ang totoo, handa akong mawala.” Tahimik lang si Dr. William sa gilid habang pinagmamasdan kami. Sa dulo ng usapan namin, siya ang unang nagsalita. “Bago kayo magpatuloy sa plano, may dapat muna kayong pagdesisyunan. Ang DNA test. Dumating na ang resulta.” Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ‘yon. Ibinaba ni Dr. William ang isang puting sobre sa mesa. Maingat, parang may laman na puwedeng sumira ng buong pagkatao naming dalawa. Walang kumilos, walang nagsalita. Tanging pintig lang ng puso ko ang maririnig sa loob ng kwarto. Tumingin ako kay Raynier, at siya rin ay tahimik lang, pinipigilan ang kaba sa kanyang mga mata. “Bubuksan ko na,” mahina niyang sabi. “Sandali,” pigil ko. “Gusto kong sabay natin makita.” Tumango siya. Dahan-dahan niyang punit ang sobre at binuksan ang dokumento sa loob. Sa unang sandali, walang imik. Nagtagal ang tingin niya sa papel, at pagkatapos ay lumingon siya sa akin. Nanginginig ang mga labi niya. “Rick,” aniya, halos pabulong. “Ninety-nine point nine percent. Magkapatid tayo.” Para akong nabingi sa mga salitang iyon. Ang buong paligid ay biglang naglaho, tanging tinig lang ni Raynier ang umuukit sa utak ko. Magkapatid kami. Hindi lang magkamukh, hindi lang kapalaran ang nagdugtong sa amin. Iisang dugo ang dumadaloy sa mga ugat namin. Napaupo ako, napahawak sa sentido. “So… totoo nga.” Tumango si Raynier. “Totoo. At kung totoo nga na ipinanganak tayong tatlo,” saglit siyang napatingin sa kawalan, “may isa pa. Si Raydin.” “Raydin,” mahina kong ulit. “Siya ‘yong kambal ko.” “O sa madaling sabihin triplets natin,” dagdag niya. “At sigurado ako kapag nalaman niya ang tungkol sa'yo magugulat din siya. Higit sa lahat ang mga magulang natin na hindi inaakala na may isa pa silang anak maliban sa amin ni Raydin." Tahimik kaming pareho. Walang imik, pero parehong nakatitig sa dokumentong nasa harap namin. Isang manipis na papel na nagpatunay na lahat ng akala naming alam namin tungkol sa sarili namin ay kasinungalingan lang. “Raynier,” mahina kong sambit, “kung totoo nga na magkapatid tayo, ibig sabihin, matagal na akong niloloko ng mga taong pinagkatiwalaan ko. Si Mommy at si Daddy. Paano nilang nagawa na ilayo ako sa inyo?” Masakit man ang katotohanang ito, pero ito ang totoo. Hindi ako tunay na anak ni Mommy at Daddy, pero kahit ganoon pa man ayaw ko munang malaman nila na alam ko ang totoo. Hindi naman nila ako itinuring na iba. Tumingin si Raynier sa akin, at sa mga mata niya, nakita ko ang parehong galit na nararamdaman ko. “Ninakaw ka nila sa amin. Si Dra. Fatima. ang nagpaanak kay Mommy. Ano ang plano mo ngayong alam na natin ang totoo?" Tumayo ako, kinuha ang coat ko, at tumingin sa kanya nang mariin. “Ayaw kong malaman nila Mommy at Daddym na alam ko na ang totoo. Ayaw ko rin na masaktan sila. Hayaan ko na lang na sila ang magsabi sa akin ng totoo. Ang mahalaga ngayon alam ko na ang totoo. Dati naririnig ko lang ang pangalan ni Donya Rose at Don Antonio, pero minsan hindi ko sila nakita. Sa tuwing gusto kong pumunta ng holand ayaw nila Mommy. Sa tuwing may reunion ang mga Harris, hindi ako kasama. Ang palagi nilang sinasabi noon hindi ako welcome, 'yon pala ayaw nilang malaman ko ang totoo. Pero hindi magbabago ang plano ko, napabagsakin si Abraham." Ngumiti si Raynier, pero sa likod ng ngiting iyon, kita ko ang parehong determinasyong matagal ko nang nilalabanan sa sarili ko. “At kapag bumagsak siya,” dagdag ko, mababa ang boses, “sisiguraduhin kong hindi na siya makakatayo ulit.” Pagkasabi ko tumalikod na ako at lumabas ng silid ng kapatid ko. Dati pinapangarap ko na magkaroon ng kapatid, pero hindi ko inaasahan na matagal na pa lang sinagot ang mga pangarap ko. Hindi pala ako nag-iisa, kundi may mga kapatid pa ako, at isa lamang si Raynier, ang nakakaalam na nag-exist ako sumundong ito, pero hindi alam ng mga kapatid namin at ng mga magulang namin na isinilang nila ako sa mundong ito. Nasasabik ako na makilala silang lahat, pero alam ko na hindi pa ito ang tamang oras. Masaya na ako na makilala si Raynier, ang tinaguriang ghost player sa mga negosyo. Habang palabas ako ng hotel, ramdam kong unti-unti nang nagbabago ang takbo ng buhay ko. Hindi lang ako mag-isa sa laban na ito. May kapatid na akong kakampi o baka karibal. Depende sa kung saan kami dadalhin ng katotohanan. Pagkalabas ko ng hotel, malamig ang simoy ng hangin sa Toronto. Ang mga ilaw ng siyudad ay parang mga bituing nagkalat sa lupa, pero kahit gano’n, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Gusto kong lumayo kahit saglit sa lahat ng kaguluhan, sa mga plano, sa mga tanong, sa DNA test na nagbago ng buhay ko. Pagpasok ko sa kotse, awtomatikong bumukas ang ilaw ng loob. Huminga ako nang malalim at pinaandar ang makina. Hindi ko na pinag-isipan kung saan ako tutungo. Ang mga kamay ko na mismo ang nagdala sa manibela papunta sa isang lugar na alam kong magpapatahimik ng isip ko, kahit panandalian lang. Ang condo unit ni Beverly. Pagdating ko ro’n, hindi pa man ako kumakatok ay bumukas na ang pinto. Nasa bungad siya, nakasuot ng manipis na robe, ang buhok niya basa pa marahil galing sa shower. Ang amoy ng pabango niya, halong lavender at jasmine ay agad nagbigay ng kakaibang init sa dibdib ko. “Rick?” mahinang tawag niya, parang may halong gulat at lungkot sa tono. Hindi na ako nagsalita. Sa halip, hinila ko siya papalapit at agad kong siniil ng halik. Lahat ng bigat, galit, at pagkalito, doon ko ibinuhos. Gumanti siya ng halik, masuyo sa una, hanggang sa naging mas mariin. Parang gusto naming takasan ang realidad, kahit sa ilang sandali lang. Niyakap ko siya nang mahigpit, at ramdam ko ang pagtibok ng puso niyang kasabay ng akin. Ang mga daliri niya ay humaplos sa likod ng batok ko, habang ang mga halik naming dalawa ay naghalo sa pagitan ng mga luha at paghinga. Maya-maya, huminto siya. Nakatitig siya sa akin, may luha sa mga mata. “Rick, kailangan kong sabihin sa’yo ‘to,” aniya, halos pabulong. “May kontrata akong pinirmahan. Sa susunod na linggo, lilipad na ako papuntang Italy. Doon ko itutuloy ang career ko.” Parang may humigop ng hangin sa paligid. Ilang segundo akong natigilan. “Beverly, Italy?” halos hindi ko maibulalas. Tumango siya, mahina. “Nando’n na ang pamilya ko. Gusto rin nila akong makasama. At alam mong matagal ko nang pinapangarap ‘yon, ang maging modelo sa Europe.” Napayuko ako. Alam kong hindi ko siya puwedeng pigilan. Si Beverly ang uri ng babaeng sinusuportahan, hindi kinukulong. Pero kahit gano’n, ang sakit pa rin. Lumapit siya muli at hinawakan ang mukha ko. “Rick, alam kong marami kang pinagdadaanan. Pero ayaw kong madamay ka sa bigat ko. Gusto ko lang na malaman mong, kahit sa kabila ng lahat, mahal kita.” Hinawakan ko ang kamay niyang nakadantay sa pisngi ko. “Babe, kung anuman ang mangyari, gusto kong maging masaya ka. Pero sana, kapag nando’n ka na huwag mo agad kalimutan ‘tong gabi na ‘to.” Ngumiti siya nang malungkot. “Hindi ko kakalimutan. Hindi kita kakalimutan.” Muling naglapat ang mga labi namin. Ang halik ni Beverly ay parang kidlat na sumalakay sa katahimikan, biglaan, mapusok, nag-iiwan ng init na gumagapang sa balat ko. Ang mga daliri niyang pumigil sa aking pisngi ay nangangatog, ngunit ang titig niya’y puno ng paghahamon. Hinawakan ko ng mahigpit ang baywang niya at kinabig sa akin papalapit, ang aming mga dibdib ay nagdigmaan sa init ng kanilang pag-ungos. Naramdaman ko ang kanyang mga labi sa aking leeg, ang dila niyang sumusunod sa ugat na tumitibok nang parang tambol ng digmaan. "Babe," bulong ko, ang mga kamay ko'y sumaliksik sa ilalim ng kanyang suot na manipis na pantulog. Ang balat niya sa bandang likod ay basang-basa sa pawis, at ang buntong-hininga niya sa aking tainga ay parang apoy na dumadaluyong. "Angkinin mo ako," utos niya, ang mga daliri niya'y nagtutulak sa aking mga kamay papunta sa laylayan ng kanyang suot na nighties. Habang magkalapat muli ang aming mga labi isa-isa niyang tinanggal ang butones ng aking suot na polo. Habang ang mga kamay ko naman nakahawak sa kanyang laylayan. Itinaas ko ito at hinubad sa kanyang katawan. Lumantad sa akin ang malulusog niyang dibdib na lalong nagpapaigting sa aking p*********i. Ang mga kamay niya ay naging malikot. Tinanggal niya ang sinturon ko. At ibinaba ang zipper ng suot kong pantalon. Bumagsak ito sa sahig. Binuhat ko siya at isinandal sa pader ang condo unit niya. Walang alinlangan ko may sinubo ang kanyang u***g. Bahagya siyang napaungol, habang sinisipsip ko iyon, na parang gutom na sanggol. Ang katawan ni Beverly ay parang ginto sa paningin ko. Makinis na balat, bilugan na balakang, at ang pulang lace na nagtatago sa kanyang pinakamaselan. "Ang ganda mo," bulong ko, habang dinadama ang kanyang collarbone gamit ang aking dila. Hiniga ko siya sa kama . "Huwag kang magsalita," sagot niya, hinila ang aking batok at tinitigan ako sa mata. "Kailangan kita. Ngayon." "Kailangan din kita," sagot ko. Pakisabi ko ay itinulak niya ako kaya nagpahiga ako sa kama at siya naman ang lumuhod. Bumagsak ang kanyang mga hita sa aking bewang, at ang init niya ay nagpasiklab sa akin. Hinubad ko ang suot niyang pulang lace na nagtatakip sa kasilanan niya. mabilis din akong naghubad ng natitira kong saplot. Nang hubad na ako, ang lamig ng hangin ay nagparamdam, pero ang init ni Beverly ang nanaig. Naglakbay ang kanyang mga labi pababa sa aking dibdib, at bawat halik ay parang apoy. "Bev—" sabi ko, pero hinawakan niya ang aking mga kamay at sinabing, "Tingnan mo ako," ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa dilim. "Gusto kong maramdaman mong akin ka." Walang takas. Walang pag-aalinlangan. Nang siya'y sumampa sa akin, ang unang pag-ungol ay sumabog sa aking katawan na parang alon. "Bev, ang init mo—" "Tumigil ka," sabi niya, humigpit ang kanyang mga hita. "Ngayon, akin ka." Ang aming mga galaw ay naging parang bagyo, magulo, malakas, at walang pakundangan. Ang kanyang mga kuko ay nag-iwan ng marka sa aking likod, at ang bawat hiyaw niya ay sumabay sa kulog. Sa bawat pag-ungol, parang may mga salitang hindi nasabi: Galit ako. Miss kita. Saan ka nagtago? Bakit ngayon ka lang bumalik? Nang marating niya ang rurok, ang kanyang katawan ay sumiklab sa aking mga bisig, sumiklab, kumawala, at nagkalat ng kaligayahan. Hinawakan ko ang kanyang balakang at sinabing, "Huwag kang aalis." Nagpalit kami ng posisyon. Siya na muli sa ilalim ko. Binayo ko siya ng malakas, halong pagkasabik. Ang kaniyang mga ungol ay parang musika sa aking pandinig. At ilang sandali pa, sumabog na ang katas ko sa itaas ng kaniyang puson. Pagkatapos ng kaligayahang iyon bumagsak ako sa kaniyang tabi. Niyakap ko siya ng mahigpit. Takot ako na mawala siya sa piling ko, pero hindi ko rin siya pwedeng pigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD