Episode 4

3378 Words
CHAPTER 4 Aira Maaga pa lang, gising na ako. Parang hindi ako mapakali buong gabi dahil ngayong araw, opisyal na akong itatalaga bilang Executive Assistant ng CEO ng Ynares Global Textile. Noong isang araw pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Ang alam ko lang, mula nang pumasok ako bilang HR Assistant, ni minsan ay hindi ko pa nakita ang mukha ng CEO. Parang alamat siya sa buong kumpanya—mailap, misteryoso, at halos hindi nagpapakita sa mga empleyado. Kung pupunta man daw siya sa opisina, dumadaan sa private elevator, at walang sinuman ang pwedeng sumabay. Ang tanging nakakakita lang daw sa kanya ay ang mga board members at ang ilang taong direktang nagtatrabaho sa kanya. Kaya nang ipatawag ako noong nakaraang araw ng HR head at sabihing ako raw ang napiling maging Executive Assistant ng CEO, nanlamig talaga ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ako. Marami namang mas matagal at mas bihasa kaysa sa akin. Pero sabi ng head ng HR, galing daw mismo sa itaas ang utos. Personal na pinili raw ako para sa posisyon—hindi na lang niya sinabi kung sino, pero halata sa mukha niya na ayaw na rin niyang tanungin pa. Pagbangon ko sa kama, inayos ko agad ang suot kong simpleng blouse at pencil skirt. Nang tumingin ako sa salamin, pilit akong ngumiti. “Kaya mo ’to, Aira.” Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Papa sa hapag-kainan. Nakasalansan na ang mga dokumento niya sa gilid ng mesa habang tahimik siyang nagkakape. “Good morning, Pa,” bati ko sabay lapit. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. “Maaga ka ah. May lakad?” Huminga ako nang malalim. “Pa, may ibabalita po ako.” “Hmm?” tinaas niya ang kilay. “Ano iyon?” “Pinatawag po ako kahapon. Gagawin daw akong Executive Assistant ng CEO ng Ynares.” Sandaling natahimik si Papa bago dahan-dahang tumango. “Magandang balita ’yan, anak.” Ngumiti ako, pero bakas pa rin ang kaba ko. “Hindi ko po alam kung kaya ko. Sobrang taas po ng posisyon... baka magkamali ako. At hindi ko pa nga siya nakikita kahit minsan.” Ngumiti si Papa, pero may kakaibang lalim sa mga mata niya. “Makakaya mo, Aira. Mabuting pagkakataon ’yan. At isa pa.-” huminto siya sandali bago muling nagsalita, “malalayo ka sa panganib kapag nakadikit ka sa CEO.” Napakunot noo ako. “Panganib? Pa, anong ibig niyong sabihin?” Tumingin siya sa tasa ng kape niya, tila iniiwasan ang tingin ko. “May ilang tao lang na gusto kong iwasan mo. Kung sakaling lumapit sa’yo sina Samuel Go at Gregorio Tan, umiwas ka. Wala silang mabuting intensyon. At kung anuman ang maririnig mo tungkol sa akin,nhuwag mong pansinin. Mag-focus ka sa trabaho mo." Napakunot lalo ang noo ko. “Pero, Pa, hindi ko naman sila kilala—” “It’s not important,” putol niya. “Makinig ka na lang sa akin. At Aira,” tinaas niya ang tingin, seryoso ang boses, “kunin mo ang loob ng CEO, si Rick Daryl Harris. Kapag nasa panig mo siya, walang sinuman ang makakapanakit sa’yo.” Napatitig ako sa kanya, nagtataka. “Pa, may problema po ba kayo?” Ngumiti siya, pilit. “Wala, anak. Kaya ko ito. Ang isipin mo, trabaho mo muna.” Tumango na lang ako, kahit may bumabagabag sa isip ko. Ano bang pinagdadaanan ni Papa? Pagdating ko sa opisina, sinalubong ako ng mga kasamahan kong HR staff. “Wow, Aira! Congratulations!” sigaw ni Lani sabay kindat. “Executive Assistant ng CEO—ibang level ka na!” Natawa ako ng mahina. “Huwag niyo akong ganyanin, baka pagalitan ako agad. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin ko ro’n.” “Basta kapag nakita mo na ang mukha ng CEO, paki-describe ha?” singit ni Carla. “Hanggang ngayon, parang multo siya rito. Naririnig lang namin ang pangalan pero ni anino, wala!” Natawa ako ulit. “Wala rin akong alam, promise. Pero baka mamaya, makita ko na siya.” “Good luck, girl!” sabay-sabay nilang sabi. Habang naglalakad ako papunta sa elevator, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Top floor—48th floor. Doon ang opisina ng CEO. Pagharap ko sa elevator, napansin ko ang karatulang: PRIVATE ACCESS ONLY – AUTHORIZED PERSONNEL Nilabas ko ang ID na ibinigay sa akin kagabi ni Mr. Noah Madrigal, may nakatatak na EXECUTIVE ACCESS sa kulay pilak na card. Pagpasok ko, tahimik ang elevator. Ramdam ko ang lamig ng aircon at ang kaba na gumugulong sa dibdib ko. Ano kaya ang itsura niya? Totoo kayang masungit siya? Ding. Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng malapad na hallway na gawa sa salamin at marmol. Sa dulo, isang malaking pinto na may nakaukit na mga letra: RICK DARYL HARRIS – CHIEF EXECUTIVE OFFICER Huminga ako nang malalim at kumatok. “Come in,” malamig na tinig ng lalaki mula sa loob. Pagbukas ko ng pinto, una kong nakita ang malawak at modernong opisina—itim at salamin ang tema, may panoramic view ng buong lungsod. Nakatayo sa harap ng bintana ang isang lalaking nakatalikod, may hawak na cellphone. “Make sure the deal closes today,” malamig niyang sabi. “I don’t tolerate delays.” Ang tinig niya malalim, mababa, at may kapangyarihang hindi mo basta kayang suwayin. Nakatayo lang ako sa pintuan, halos hindi makagalaw. Maya-maya, ibinaba niya ang cellphone at dahan-dahang lumingon. At doon, parang tumigil ang oras ko. Matangkad siya, siguro mga anim na talampakan. Matipuno, suot ang itim na suit na perpektong bumagay sa tindig niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahahaba ang pilik-mata. Ang labi niya, maninipis at seryoso. Pero ang mga mata, My God, parang kayang basahin ang kaluluwa ko sa isang titig. Nanatili akong nakatayo, tila na-freeze sa kinatatayuan ko. “Miss Lopez, I presume?” malamig niyang tanong habang nililipat ang tingin sa folder sa mesa. “You can close your mouth now. Baka pasukan ng langaw.” Napakurap ako, saka dali-daling isinara ang bibig ko. “Ah—opo! Sorry po, sir!” Bahagya niyang tinaasan ng kilay ang isang sulok ng labi. “Good. At least you can follow instructions.” Grabe, ang sungit agad! Pero bakit parang nakakakilig? Parang ang masikip kong panty kusang malalaglag kapag sakaling hawakan niya ako. Hayzzz... Ano ba iyong iniisip ko? Lumapit ako sa mesa niya at marahang inilapag ang mga dokumento. “Sir, ako po si Aira Lopez Salmonte, from HR Department. Pinadala po ako ni—” “Alam ko,” putol niya, saka umupo sa swivel chair. “I personally approved your transfer.” “Ah... kayo po mismo?” tanong ko, halos pabulong. Tumango siya, pero hindi tumingin. “You’ll assist me starting today. Calendar management, meeting coordination, screening calls—standard executive assistant duties. But I expect more than efficiency. I want precision. Understand?” “Opo, sir,” sagot ko agad. Totoo nga na masungit siya. Tumayo siya at naglakad palapit sa gilid ng mesa. Napasinghap ako nang maramdaman kong halos magkadikit na kami. Amoy ko ang mamahaling pabango niya, ’yong tipong amoy tagumpay at tiwala sa sarili. “Relax, Miss Salmonte,” mababang tinig niya, halos bulong. “I don’t bite.” Napatingin ako sa kanya, pero agad kong iniwas ang paningin. “Opo, sir. Pasensya na po, medyo kinakabahan lang.” Bahagya siyang ngumiti, kung ngiti nga ba iyon. “You’ll get used to it.” Lumipas ang ilang oras, tinuruan niya ako kung paano i-manage ang schedules at mga meeting requests. Minsan, lalapit siya para ipakita kung paano gumagana ang software sa computer at tuwing lalapit siya, parang bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa presensiya niya. May awra siyang parang kayang kontrolin ang paligid at lahat ay sumusunod. “Miss Salmonte?” tawag niya bigla. “Opo, sir?” “Kanina pa ako nagtatanong. Are you taking notes, or are you just admiring me?” Namutla ako. “Ha? Hindi po! Nakikinig po ako, sir!” Bahagya siyang natawa, mababa at mabilis, pero agad ding bumalik ang seryosong ekspresyon. “Good. Kasi ayaw kong sayangin ang oras ko sa mga empleyadong walang pakialam.” Tumango ako, pero sa loob-loob ko: Ang sungit talaga nito, pero bakit parang ang gwapo lalo pag seryoso? Pagkatapos ng orientation, tumingin siya sa akin. “Miss Salmonte.” “Opo, sir?” “Coffee. Black. No sugar.” Agad akong tumayo. “Yes, sir!” Habang naglalakad ako papunta sa pantry, napangiti ako. Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa. Pero isang bagay ang sigurado, hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Pagbalik ko, inabot ko ang kape sa kanya. Saglit niyang tiningnan ang tasa, tapos ako. “Next time, don’t fill it to the brim. I don’t want it spilling on my desk.” “Opo, sir. Sorry po.” “Good.” Tinitigan niya ako ulit ’yong titig na parang sinusuri ka kung karapat-dapat ka bang huminga sa paligid niya. “You’ll learn fast. I can tell.” Ngumiti ako ng mahina. “Salamat po, sir.” Hindi siya sumagot, pero bahagya siyang tumango bago bumalik sa laptop niya. Habang pinagmamasdan ko siya mula sa gilid, napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Kung ganito pala araw-araw, hindi ko alam kung matututo ako o mahuhulog. Ang tangkad niya, ang tikas ng tindig, at kahit nakatalikod siya kanina habang may kausap sa cellphone, ramdam mo agad na siya ang tipo ng lalaking hindi inuutusan. Ngayon nga lang ako nakakita ng ganitong klaseng presensiya—yung tipong kahit tahimik lang, nangingibabaw. Pagsapit ng tanghali, lumabas si Mr. Harris. Lunch break na, at parang kailangan kong huminga sa labas bago tuluyang lamunin ng hiya’t kaba sa presensiya ni Mr. Harris. Nang lumabas siya, lumabas na rin ako. Mabuti na lang, sumabay sa akin sina Lani at Carla, parang sabik makuha ang lahat ng detalye tungkol sa misteryosong CEO. “Hoy Aira, kumusta?” tanong ni Lani habang sabay kaming naglalakad papunta sa cafeteria. “Kamusta ang mukha ng boss mo?” sabay kindat ni Carla. Hindi ko napigilan ang mapangiti, sabay napailing nang bahagya. “Grabe, ‘yung mukha n’ya parang gawa sa Photoshop. Walang pores, mga besh. Ang pogi, as in! 'Yong tipong kahit galit, gusto mong tumitig.” Sabay-sabay silang napasigaw ng “Talaga?” kaya napahawak ako sa noo ko, natatawa. Kinikilig din sila katulad ko. “Naku Aira, swerte mo! Kung ako ‘yan, araw-araw akong magpapaganda. Wala akong pakialam kung masungit siya, basta pogi!” sabay sabi ni Carla habang nakikipag-agawan ng kutsara. “Masungit nga,” sabat ko, sabay kuha ng juice sa ref. “Pero sa totoo lang, kung kayo ang makakita, sigurado malalaglag din ‘yung panty niyo kahit masikip.” Sabay silang napasigaw ng, “Aira!” at nagtawanan kami ng malakas. Halos mapalingon sa amin ang ibang empleyado, pero wala na kaming pakialam. Ang gaan ng pakiramdam ko, parang kahit saglit, nakalimutan kong kinakabahan ako sa bagong trabaho. Pagbalik ko sa opisina ni Mr. Harris, nakangiti pa ako. Bitbit ko pa ang energy ng tawanan namin nina Lani at Carla. Pero bago pa man ako makaupo sa desk sa labas ng opisina niya, bumukas ang pinto at lumabas si Rick—este, Mr. Harris, na may hawak na folder. “Miss Aira.” Nanigas ako sa pwesto. Nawala lahat ng tawa ko kanina. “Po?” halos pabulong kong sagot. “Where have you been?” malamig ang tono niya. “Ah, sir… kumain po ako. Lunch break na kasi.” Tumigil siya sa paglalakad, bahagyang lumingon, at ngumiti. Hindi ‘yong mabait na ngiti. ‘Yong ngiting parang gusto mong mag-sorry kahit hindi mo alam kung bakit. “Nagsabi ba ako na puwede ka nang kumain?” Napakurap ako, naguluhan. “Ah… sir, akala ko po—” “Wala akong sinabi, Miss Salmonte.” Napalunok ako. “Pasensya na po.” Lumapit siya sa akin, dahan-dahan, hawak pa rin ang folder. “Simula ngayon, tandaan mo ‘to,” mahina pero buo ang boses niya. “Executive Assistant ka, hindi ordinary staff. Ang oras mo, nakadepende sa oras ko. Kapag wala akong sinabing kumain ka, ibig sabihin, hindi pa oras mo.” Napayuko ako. “Opo, sir.” Hindi ko alam kung gusto kong maiyak o matawa sa loob-loob ko. Ano ‘to, training o torture? Simula noon, parang sinadya ni Mr. Harris na pahirapan ako. “Miss Salmonte,” malamig niyang tawag habang abala sa laptop, hindi man lang lumilingon. “Pakitimpla ako ng juice.” Agad akong tumayo mula sa maliit kong desk sa gilid. “Opo, sir.” Binuksan ko ang maliit na refrigerator sa pantry sa loob ng opisina niya. Ang linis at ang bango, pero nanginginig ang kamay ko habang naghahanap ng juice carton. May orange juice, apple, at grape. Lahat yata ng flavor meron. Pinili ko ang orange, dahil ‘yon ang pinakaklasiko. Maingat kong nilagay ang ice cubes sa baso, sinigurong pantay-pantay ang sukat. Habang pinupunasan ko ang gilid ng baso, naramdaman kong kumakabog ang dibdib ko. Grabe naman ‘tong araw na ‘to. Juice lang ‘to pero parang thesis defense. Pagbalik ko sa mesa niya, abala pa rin siya sa pagbabasa ng mga dokumento. Inilapag ko ang juice sa tapat niya. “Sir, eto na po.” Hindi siya tumingin, basta kinuha ang baso, inangat, at uminom. Isang lagok pa lang ibinaba niya agad. “Pakitimpla ulit. Masyadong matamis.” Napasinghap ako nang mahina. “Ah, opo, sir.” Bumalik ako sa pantry, parang robot. Tinanggal ko ang yelo, dinagdagan ng konting tubig, hinalo. Baka mas gusto niya ‘yung medyo diluted. Inilapag ko ulit sa mesa. Kinuha niya, uminom. Tumingin sa akin saglit, tapos napailing. “Miss Salmonte, pakibago ‘to. Gusto ko malamig.” Napalunok ako. “Opo, sir.” Okay, kalma lang Aira. Isa pa ‘to. Baka third time’s the charm. Nagdagdag ako ng bagong ice cubes, saka ko dahan-dahang inikot ‘yung baso para hindi masira ‘yung consistency. Tumitig pa ako saglit sa loob ng juice, parang nagdadasal. Please, magustuhan mo na ‘to. Please lang. Pagbalik ko, inabot ko ulit sa kanya. Tahimik siyang tumingin sa akin bago uminom. Isang segundo, dalawang segundo—tapos nagtaas ng kilay. “Anong part ng ‘hindi ito lasa ng orange juice’ ang hindi mo maintindihan?” Nabigla ako. “Sir?” “It tastes like water.” “Ah…” Hindi ko alam kung matatawa ako o iiyak. “Baka po dahil dinagdagan ko ng ice?” “Then why would you do that?” malamig niyang tanong, pero may bahagyang ngiti sa gilid ng labi,‘yung tipong parang sinusubok kung hanggang saan ang pasensya ko. Napatayo ako nang tuwid. “Pasensya na po, sir. Gagawa po ako ulit.” Pagpasok ko sa pantry, napabuga ako ng hangin. “Aira, huwag kang mapikon, huwag kang mapikon,” bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang counter. “CEO ‘yan, hindi mo pwedeng sabihan na marunong din naman siya magtimpla.” Pangatlong beses na. Kinuha ko ‘yong isa pang brand ng juice, baka ‘yon pala ‘yung gusto niya. Naglagay ako ng tamang dami ng ice, tinalian ko pa ng tissue ‘yung baso para hindi madulas. This is it. Kung ‘di pa ‘to pumasa, ewan ko na lang. Paglabas ko, diretso kong inilapag sa mesa niya. “Sir, ito na po. Baka mas okay na po ‘yan.” Tahimik siyang umupo, uminom. At sa unang pagkakataon, hindi niya agad inirapan ‘yung baso. “This one’s fine,” sabi niya, walang emosyon pero sapat na ‘yon para maramdaman kong may fireworks sa utak ko. “Thank you po, sir,” halos bulong kong sagot, pero sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw ng “Finally!” Habang bumabalik ako sa desk ko, napailing ako nang mahina. Grabe, ‘yung juice challenge niya parang entrance exam sa langit. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya ‘yon o talagang gano'n lang siya ka-detalyado sa gusto niya. Pero sa tuwing tatawagin niya ako ng “Miss Salmonte” gamit ‘yong baritonong boses na ‘yon, parang nakakalimutan ko kung gusto ko siyang sabunutan o titigan. Sa susunod na oras, hindi na juice ang inutos niya. “Miss Salmonte, pakikuha nga ‘yung report folder ko sa drawer.” Paglingon ko, nakayuko siya sa laptop pero parang nararamdaman niya lahat ng kilos ko. Inabot ko ang folder, pero nang magkamali ako ng drawer, napatingala siya, at nagtagpo ang mga mata namin. “Wrong one,” mahina niyang sabi. Napayuko agad ako, para bang nahuli akong magnanakaw. “Sorry po, sir.” “Next time, alamin mo muna bago ka kumilos," masungit niyang sabi. Habang bumabalik ako sa mesa ko, gusto kong malunod sa upuan ko sa hiya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko maiwasang mapangiti nang lihim. Kasi habang seryoso siyang nagtatrabaho, napansin kong minsan—minsan lang, ha? Napapatingin din siya sa akin. At sa tuwing mangyayari ‘yon, parang nakakalimutan ko kung ilang basong juice na ang tinapon ko kanina. Akala ko tapos na siyang utusan ako, pero hindi pala. “Miss Salmonte, pakiprint ang annual report na ‘to, tatlong kopya. Double-sided, stapled. Huwag magkamali, may meeting ako sa board in fifteen minutes.” “Opo, sir.” Mabilis akong tumakbo papunta sa printer. Pero dahil kinakabahan, dalawang pahina agad ang nasira. Pagbalik ko, inaayos pa niya ang necktie niya habang nakatingin sa laptop. “Late ka na ng two minutes,” sabi niya, sabay kuha ng report. “Next time, huwag kang tatakbo sa hallway. Hindi ito palengke.” “Sorry po, sir,” sagot ko, pero hindi ko mapigilang mapangiti ng bahagya sa likod. Palengke talaga? Bandang alas-tres ng hapon, akala ko makakahinga na ako. Pero hindi pa rin. “Miss, Salmonte, pakikuha nga ‘yong file ng YG Textile Korea Branch sa archive room.” “Sir, saan po banda?” “Kung hindi mo alam, ibig sabihin, hindi mo kabisado ang lugar. Hanapin mo.” Napabuntong hininga ako at nagsimulang maghanap. Tatlong beses akong nagkamali ng kuwarto bago ko nahanap ‘yung tamang file. Pagbalik ko, pawisan na ako. “Here, sir,” sabi ko, sabay abot. Pinagmasdan niya ‘yong folder, tapos ngumiti nang pahapyaw. “Next time, three minutes lang dapat.” Sa loob-loob ko: Three minutes? Eh ang laki kaya ng building na ‘to! Bandang alas-singko, habang inaayos ko ‘yung mga papeles sa desk niya, bigla siyang nagsalita. “Miss Salmonte, gusto mo bang magtagal dito?” Napalingon ako. “Opo, sir.” “Then learn to read the room. Huwag kang basta-basta aalis nang walang paalam. Tandaan mo, hindi lang trabaho mo ang pinoprotektahan mo rito.” Medyo naguluhan ako sa sinabi niya, pero tumango na lang ako. “Opo, sir.” Tahimik kaming dalawa. Ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng aircon at ang pag-flip niya ng mga pahina ng report. Sa gilid ng mesa, napatingin ako sa profile niya—ang matangos na ilong, ang mahigpit na panga, at ‘yung mga mata niyang parang may laging sinusukat sa paligid. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit masungit siya, may kakaibang hatak. Parang bawat galaw niya ay kalkulado, bawat salita ay may bigat. Paglabas ko ng opisina bandang alas-sais, halos gusto kong umupo sa hallway at magpahinga. Ang unang araw ko bilang Executive Assistant ni Rick Daryl Harris ay parang isang taon ng training. Pero kahit pagod, hindi ko maiwasang mapangiti. “Miss Salmonte,” tawag niya mula sa loob, kaya agad akong napalingon. “Sir?” “Next time,” sabi niya habang nag-aayos ng coat, “kumain ka bago pumasok. Hindi ko gusto ng assistant na gutom.” Saka siya lumabas ng opisina, lumakad papunta sa private elevator, at iniwan akong nakatulala. Nakangiti pero inis. Kilig pero pagod. “Ang weird mo, Rick Daryl Harris,” bulong ko habang pinupunasan ang desk ko. “Pero bakit parang gusto kitang makita ulit bukas?” Bukas, sigurado akong mas maghahanda na ako, hindi lang ng juice, kundi ng tibay ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD