“Ah... kayo po mismo?” tanong ko, halos pabulong. Tumango siya, pero hindi tumingin. “You’ll assist me starting today. Calendar management, meeting coordination, screening calls—standard executive assistant duties. But I expect more than efficiency. I want precision. Understand?” “Opo, sir,” sagot ko agad. Totoo nga na masungit siya. Tumayo siya at naglakad palapit sa gilid ng mesa. Napasinghap ako nang maramdaman kong halos magkadikit na kami. Amoy ko ang mamahaling pabango niya, ’yong tipong amoy tagumpay at tiwala sa sarili. “Relax, Miss Salmonte,” mababang tinig niya, halos bulong. “I don’t bite.” Napatingin ako sa kanya, pero agad kong iniwas ang paningin. “Opo, sir. Pasensya na po, medyo kinakabahan lang.” Bahagya siyang ngumiti, kung ngiti nga ba iyon. “You’ll get used to it.

