Chapter 37 Aira Hindi ko na alam kung pang-ilang baso na ang nasa kamay ko. Hindi ko na matandaan. Pakiramdam ko na wala na ng saysay ang lahat. Ang alam ko lang, sa bawat lagok, umaasa akong mababawasan ang sakit na nararamdaman ko dito sa aking dibdib, kahit kaunti lang na bumibiyak sa dibdib ko. Pero hindi. Sa halip, mas lumalalim. Mas kumikirot. Maingay ang club. Malakas ang tugtog. May ilaw na paulit-ulit na sumasayaw sa kisame, sa sahig, sa mga mukha ng taong halatang walang iniintinding bukas. May mga tawanan, may mga sigawan, may mga halakhak na parang walang katapusan ang saya. At nandoon ako nakaupo sa isang sulok, wasak, tahimik, at pilit na humihinga. “Dahan-dahan lang,” marahang sabi ni Carla habang hinahawakan ang pulso ko. “Aira, enough na.” “Hindi,” mahina pero matig

