Episode 38

2206 Words

Chapter 38 Aira “Umuwi na muna kayo,” mahina kong sabi, basag ang boses. “May pasok pa kayo.” Nagkatinginan sila. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nila. “Aira—” umpisa ni Carla. “Please,” pakiusap ko. “Kailangan ko munang mapag-isa. Saka ayaw kong mawalan kayo ng trabaho dahil lang sa akin. Huwag kayong mag-alala ayos lang ako.” Tahimik silang lumapit. Mahigpit akong niyakap ni Lani, parang ayaw akong pakawalan. Si Carla naman ay hinawakan ang kamay ko, pinisil nang mahina—parang sinasabing nandito lang sila. “May pakiusap ako,” dugtong ko bago sila tuluyang umalis. “Dalhin ninyo- dalhin ninyo sa opisina ni Rick ang gown ko. At ang engagement ring na ito.” Sabay hubad ko ng singMsing sa kamay ko. Parang may humiwalay na bahagi ng dibdib ko sa bawat salitang binibitawan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD