Chapter 39 Aira Marahang gumulong ang eroplano sa runway, kasabay ng isang mahabang buntong-hininga na parang matagal ko ring kinimkim. Tumigil ito, at saka ko lang napagtantong nanginginig ang mga kamay ko. Ipinatong ko ang palad ko sa aking tiyan. Masakit man ang katotohanan na nangyari sa buhay ko, pero nangako ako sa sarili ko na hindi ako padadaig ng emosyon ko. “Welcome to Holand,” wika ng boses sa intercom. Sa wakas nasa Holand na ako, kung saan ako ipinanganak. Akala ko habang buhay na ako sa Canada, pero hindi mo talaga malalaman ang takbo ng kapalaran mo. Pagbaba ko ng eroplano, sinalubong ako ng malamig na hangin. Hindi ito tulad ng lamig na nanunuot sa balat ko, ito mas parang yakap na mahinahon, tahimik, at payapa. Habang naglalakad ako sa loob ng terminal, ang mga tuno

