Chapter 40 Rick Kasalukuyan nasa opisina ako. Isang linggo na ang nakalipas simula ng sumapit ang araw na dapat ikasal kami ni Aira. Subalit sa araw na iyon pinili kong durugin siya, para mas lalong maramdaman ng ama niya ang sakit na ginawa niya sa Daddy ko. Tahimik ang opisina, pero maingay ang isip ko. Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window, hawak ang tablet na kanina ko pa dapat binabasa. Ilang minuto na akong nakatitig sa parehong screen, pero wala akong nauunawaan. Paulit-ulit lang bumabalik sa akin ang isang mukha na may matamis na mga ngiti sa labi. Pinipilit kong kalimutan siya araw-araw, pero araw-araw din siya sumasagi sa isip ko. “Rick?” Hindi ako agad lumingon. Parang wala akong gana makipag-usap sa kanya. Hindi ko alam kung kailan nagbago ang nararamdaman kung

