Chapter 43 Aira Lumipas pa ang dalawang buwan. Pitong buwan na ang ipinagbubuntis ko. Kung noon, ang bawat araw ay parang laban na kailangang pagtagumpayan, ngayon naman ay parang tahimik na pakikipagsundo sa sarili. Hindi pa rin nawawala ang lungkot hindi rin nawawala ang alaala, pero natutunan kong huwag hayaang lamunin ako ng katahimikan, kaya madalas, nasa hardin ako. Doon ako humihinga. Sa ilalim ng araw na hindi nanghuhusga, sa lupa na tahimik na tumatanggap ng lahat ng binibigay mo, ang pagod, pawis, pag-asa. Nagtatanim ako ng gulay: pechay, kamatis, sitaw, talong. Sabi ni Yaya Yna, maganda raw iyon para sa buntis. Nakakawala ng isip. Nakakapagpagaan ng dibdib. At totoo naman. Kapag abala ang mga kamay ko, kahit paano, tahimik ang utak ko. Hindi ko masyadong naiisip ang naka

