Episode 56

2448 Words

Chapter 56 Aira Pagbukas ko ng pinto ng bahay, sinalubong agad ako ng pamilyar na amoy ng nilulutong sabaw at bagong saing na kanin. Isang amoy na matagal ko nang inuugnay sa salitang tahanan. Pero sa pagkakataong iyon, may bigat na nakadagan sa dibdib ko dahil sa mga nangyayari sa akin. “Aira?” tawag ni Yaya Yna mula sa kusina. “Ikaw na ba ‘yan?" “Opo, Yaya,” sagot ko, pilit pinatatatag ang boses ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakapagpahinga, may biglang yumakap sa binti ko. “Mommy!” sigaw ni Derick, sabay yakap nang mahigpit. “Tagal mo!” Bigla akong napaluhod para pantayan ang tangkad niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko niyakap ko siya nang buong higpit, parang ayaw kong bumitaw. Parang kung bibitaw ako, may mawawala sa akin na hindi ko na mababawi. “Mommy ang higpit mo po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD