Nahulog sa malalim na pag-iisip si Clinton sa nangyari kay Stephanie. Paano nga ba nagka-allergy ang isang taong mahilig sa kanyang kinakain? "Sabi ng doktor, umiwas ka na raw muna sa mga seafoods para maiwasan mo ring magka-allergy," saad ni Rhodora sa dalaga nang magising na ito. "Di po ba, sabi niyo paborito ko 'yon? Ba't ako nagka-allergy?" nagtatakang tanong niya sa ina ni Clinton. "Baka may iba ka pang nakain bukod sa shrimp, nak," agad na singit ni Alonso sa anak. "Wala po akong natatandaang ibang kinain bukod sa du'n," sagot naman ng dalaga. "Basta, umiwas ka muna. Okay?" pahayag naman ng ina. Marahan namang tumangu-tango ang anak bilang pagsang-ayon. "It's good that you are here," malamig na sabi ni Gregor sa kanyang anak na si Georgette. "Why am I not allowed here?" sar

