"Saan ka ba nagpunta?" salubong ni Rhodora sa kanya nang nakauwi na siya sa kanila. "S-sa isang kaibigan lang," sagot niya at napatingin siya kay Stephanie nang lumabas ito galing sa kusina. "Daddy," tawag nito sa kanya at sa hindi niya inaasahang pagkakataon, tumulo ang kanyang mga luha. Nag-aalala namang napalapit sa kanya si Stephanie pati na ang kanyang asawa. "Honey, why are you crying?" nag-aalalang tanong ng ginang. "May problema po ba, Daddy?" kunot-noong tanong ni Stephanie. "Ulitin mo nga ang itinawag mo sa akin," umiiyak niyang sabi habang nakatingin siya sa dalaga. "Daddy," ulit pa ni Stephanie. Muling nagsilandasan ang luha ng doktor saka walang anu-ano'y hinila niya ng bahagya ang dalaga saka niyakap ng mahigpit. Nagtataka man ay nagawa pa rin ni Stephanie ang yakapi

