Napatingin si Sophie sa likuran ni Georgette dahil mula doon ay siya ring pagdating ni Nikki at papalapit ito sa kanilang dalawa. "Balita ko kasi, umalis ka raw papuntang America. Ang bilis mo naman yatang bumalik," pahayag niya habang may kakaibang kahulugan naman ang kanyang tingin sa mga ito. "Mas importante ang trabaho ko kaysa sa pagbabakasyon ko kaya bumalik kaagad ako," sagot naman ni Georgette rito. "Mabuti naman at ganu'n ang naisipan mo. Masaya ako para sa'yo," nanunudyong pahayag niya. "May aasikasuhin pa kami," singit naman ni Nikki saka niya bahagyang hinila si Georgette palayo kay Sophie. "Halika na." Napasunod naman ang tingin ni Sophie sa dalawang papalayo sa kanya saka kumuwala ang kakaibang ngiti mula sa kanyang mga labi. "Alam mo namang sa simula pa lang, wala na

