"Clinton, you are here," nakangiting salubong ni Rhodora sa binata nang mapagbuksan niya ito ng gate. "Hello po, Tita," nakangiti niyang bati sa ginang sabay mano at halik sa kabila nitong pisngi. Pagkatapos ay napatingin siya sa loob ng bahay nito. "Si ...si Stephanie po?" tanong niya pagkaraan. "Tumuloy ka muna. Tatawagin ko lang," ani ng ginang saka siya tumuloy at ipinaupo siya nito sa sofa. Habang naghihintay siya sa pagbaba ni Stephanie ay naglakad-lakad muna siya sa loob ng sala ng bahay nila. Napatingin-tingin siya sa mga naka-display na mga bagay dito pati na rin ang picture frame ng magpamilya. "She's here," pabulong na sabi ni Rhodora kay Clinton saka ito pumasok ng kusina. Napatingin siya kay Stephanie habang dahan-dahan itong bumaba ng hagdan. Hindi niya napigilan ang

