Dahil sa tulong ni Nikki, nakauwi sina Clinton at Stephanie sa isla. Habang nasa byahe ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Stephanie. Gusto mang mang-usisa ni Clinton ay wala naman siyang lakas ng loob para magtanong kaya hanggang nakarating na sila sa isla ay walang imikang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Daig pa nila ang hindi magkakakilala! Pagkadaong na pagkadaong ng sinasakyan nilang bangkang de-motor ay agad silang sinalubong ng kani-kanilang ina na may kasama pang mga kalalakihan. Mga bodyguards! "Oh my, god! Stephanie, how are you my daughter?" umiiyak na salubong ni Rhodora sa anak at agad niya itong niyakap. Napayakap naman ang dalaga sa ina sabay iyak. Ang iyak na 'yon ay hindi dahil sa nagagalak siya sa katotohanang nakauwi silang ligtas, dahil 'yon sa narinig niy

