Heartbreak
"2 YEARS AGO"
"Hon? May problema ba?"
"Wala.." Sabi niya sa akin.
"Ba't ang lalim ng iniisip mo?"
"May pumasok lang sa isip ko."
Noong gabing iyon ay napaisip ako na may pinagdadaanang mabigat itong si Great. Nanggaling kami sa isang pagtitipon at nakikita ko sa mukha niya na may mali talaga. Kinausap ko pa siya ng masinsinan.
"Kamusta sila ni Papa at ni Mama?"
"Maayos naman sila. Bakit mo pala natanong?" Sabi niya.
"Wala naman. Nagtanong kasi si Mama rito na kung saan ba tayo kasi gabi na baka wala ng bubukas sa atin ng pinto."
"Hayaan mo na sila. Sabihan mo nalang sila ni Mama at ni Papa magkasama tayo sa pagtitipon."
Noong gabing iyon ay naghanap kami ng masisilungan kasi biglang umulan ng malakas. Tumakbo kami sa pinakamalapit na waiting shed at nagpatuloy ng aming pinag-uusapan.
"Ano ba plano mo ngayong taon? Lalabas ka din ba ng bansa?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ako sure. Ikaw aalis kana ba talaga?"
"Oo, kailangan nila Mama at Papa ng supporta galing sa akin at ako ang panganay diba. Kaya lahat ng responsibilidad na mapatapos ko ang mga kapatid ko nasa akin."
"So, iiwan mo pala ako rito?" Tanong niya sa akin.
"Hindi naman sa ganon, tatawagan pa rin kita dito. Ikaw pa hon, mahal na mahal kita at di na ako maghahanap ng iba pag andun na ako sa labas."
Tumango nalang siya sa akin. Nalulungkot siya dahil aalis ako ng Pilipinas pagkatapos ng graduation ko. Magtuturo kasi ako sa Thailand at iyon talaga ang pangarap ko.
Lumakad-lakad lang si Great saglit at naiwan niya itong cellphone niya.
"Hay nako si Hon talaga, kahit kailan mahilig mag iwan ng gamit kung saan saan."
Maya maya pa'y may tumawag sa phone niya. Walang pangalan pero maraming beses na silang nag-usap base sa call log niya.
Tumawag ito ulit at sinagot ko.
"Hi Babe, Happy Anniversary. I love you. kamusta kana? Miss na miss na kita. Daan ka dito sa bahay mamaya ah."
Binaba ko ang telepono at biglang umiba ang aking pakiramdam. Kanina masayang-masaya ako noong kasama pa kami yun pala ay taon na pala akong niloloko. Narinig ko mismo sa tawag na ang may hawak ng numerong iyon ay babae. Bumalik si Great sa waiting shed at bigla ko siyang tinanong tungkol sa babaeng tumatawag sa kaniya.
"Hon, matanong nga ako. Sino si Babe?"
"Wala yan hon. Bestfriend ko lang yan. Bakit, nagseselos kaba hon?"
"Selos? Babe nga tawagan niyo. Happy Anniversary sa inyo ah! Good Luck!"
Mainit ang gabing iyon at sumabay pa sa init ng ulo namin ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Wala lang yun! Huwag mong intindihin yon. Ang mahalaga mahal kita at di kita iiwan."
"Wala? Paanong wala? Eh babe nga tawagan niyo diba tapos ngayon sasabihin mo sa akin na wala. Tapatin mo nga ba ako, girlfriend mo ba iyon?"
"OO! Girlfriend ko yun. Pasensiya kana Hon kung ano nagawa ko."
"Sorry? Mag-sosorry ka dahil nahuli ka mismo na nambabae ka? Alam mo ba, sarap mo talagang sapakin. Langhiya ka! 7 years tayong nagsasama ni minsan inayawan ko magka gusto at magka crush sa ibang lalaki dahil ikaw lang sapat na tapos nakuha mo pang mag cheat sa ating relasyon. Ang sama mo."
"Hon. Let me explain."
"Anong explain na naman yan? Palusot mo naman? Binigay ko lahat-lahat sa iyo. Oras, panahon, pag-aalaga at tiwala binigay ko ng buo pero matagal mo na pala akong niloloko."
"Yan ang problema sa iyo eh, ayaw mong makinig sa paliwanag ko!"
"Makinig, for what? Narinig ko na lahat ng dapat ko marinig. Maliwanag na sa akin ang lahat na sa likod ng pagiging sweet mo ay pinaniwala mo ako na ako lang mahal mo. Manloloko!"
"Masama bang magmahal ng babae? Ha! Gusto ko lang magkaanak at magkaroon ng pamilya."
"Kung gusto mo pala ng pamilya ba't hindi mo sinabi sa akin ng maaga pa. Hindi na sana ako umasa na pagpatuloy tong relasyon natin."
"Hindi ko sinabi sa iyo kasi alam ko ang mangyayari hon. Hindi mo rin matatanggap ang desisyon ko."
"Huwag mo ko ma Hon Hon! Kainis ka!"
"Bigyan mo pa ako ng pangalawang chance please?"
"Sapat na yung mga chances na binigay ko sayo. Sana ayusin mo nalang buhay mo. Maghiwalay na tayo."
Nagmamakaawa siya sa akin na patawarin ko siya ngunit sinagad niya na ako at wala na akong maisip na paraan kundi iwasan siya. Nakipaghiwalay ako kay Great. Alam kong masakit pero kailangan talagang gawin para sa ikabubuti ng lahat. Umuwi ako sa bahay ng mag-isa. Naglalakad ako sa madilim na daan habang lumalakas ang buhos ng ulan ng biglang may taong naka itim na jacket na sumusunod sa akin. Noong gabing iyon, parang gusto ko ng wakasan ang buhay ko. Noong lumapit sa akin ang holdaper upang tangayin ang gamit ko, kinuha ko ang kutsilyo at bigla ko tong itinusok sa sarili ko. Nagulat yung holdaper sa ginawa ko at bigla siyang tumakbo upang humingi ng tulong.
Hindi niya naman intensyon sanang kitilin ang buhay ko dahil gipit lang siya sa pera ko pero ako yung gumawa ng paraan upang wakasan ang sakit na nararamdaman ko noong araw na iyon. Ilang oras ang makalipas dumating si Mama sa hospital kasama si Papa at nalaman nila ang pangyayaring iyon.
"Anak! Anak!" Humahagulgol si Mama habang nakikita niya ako sa emergency room.
Dumating rin ang mga pulis upang imbestigahan ang pangyayari. Ilang sandali lang,
"Ma.."
Nagising ako mga ilang oras pagkatapos dalhin sa ospital. Nakita ko ang mukha ng naka itim na jacket at pinoposasan siya ng mga pulis.
"Huwag niyo po siyang hulihin. Ako po yung may kasalanan."
"Sigurado kaba diyan iho!"
"Oo, bago ako nawalan ng malay ay siya yung bukod tangi na tumulong sa akin para maidala ako sa ospital."
"Ano ba ang nangyari anak? Diba magkasama kayo ni Great nak." Tanong ni Mama sa akin
"Ma, mahabang kwento. Mag-usap tayo maya maya."
Pumasok ang doctor sa room ko at kinausap ako regarding sa aking condition.
"Sir Mark, good news di masyadong vital yung pagkatusok ng patalim sa iyong katawan. Magpahinga ka lang ng isang gabi at bukas makakalabas kana. Huwag mong saktan sarili mo ah."
"Opo doc. Di na po mauulit."
Nagpasalamat si Mama sa taong tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na rin ako sa mundo dahil sa ginawa kong iyon.
Pumasok yung lalaki sa loob ng kwarto ko at gusto sanang magpaalam. Kinausap ko siya ng masinsinan.
"Kuya, alam ko hindi ka masamang tao. Anu nga ba ang problema mo?"
"Pasensiya na boss. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito. Gipit lang ako noong gabing iyon. Ang asawa ko walang pambili ng gatas at mga anak ko ay nagugutom sa bahay walang makain. Natanggal din ako sa trabaho at wala nakong ibang paraan para magka pera."
"Ah! Ganun po ba? Sige po. Huwag po kayong mag-alala di po ako magsasampa ng reklamo sa iyo. Kuya ilang taon kana ba?"
"35 na ako boss"
Tinawag ko si Mama sa labas.
"Ma, nakahanap kana po ba ng bagong trabahador sa warehouse?"
"Wala pa naman anak, bakit mo pala natanong?" Sabi ni Mama sa akin.
"Ma, hihilingin ko sana kung mayroon pang tao na kailangan gusto ko sana bigyan si kuya ng isang magandang opportunidad ma. Wala pala siyang trabaho ngayon at gusto ko lang tong ihiling sa inyo kapalit ng pagligtas niya sa buhay ko."
"Boss, nakakahiya naman po."
"Huwag ka mag-alala, simula bukas magtatrabaho kana." Sabi ni Mama sa kanya.
"Talaga ho! Salamat po Mam. Boss, maraming salamat din po."
"Walang anuman kuya. Maraming salamat din po."
Nakikita ko si Kuya sa labas na nangingiyak-ngiyak sa tuwa dahil nabigyan siya ng pagkakataong magtrabaho. Napatanong si Mama tungkol sa nangyari kagabi.
"Anak, ano ba ang nangyari sa inyo ni Great?"
"Ma..."
Humahagulgol ako sa harap ng Mama ko at sinabi ko ang lahat-lahat sa kanya. Agad din akong niyakap ni Mama ng mahigpit dahil alam na alam niya ang hirap at sakit na aking iniinda.
"Ma, iniwan po ako ni Great. Hindi ko lubos maisip na sa pitong-taon na pagsasama namin ay magkakahiwalay kami. Niloko niya ako ma..."
"Anak, pakatatag ka ah. Alam ko ang hirap at sakit na nararanasan mo ngayon pero huwag ka mag-alala dahil kahit ano man ang mangyari andito kami ng Papa mo na susupporta sa mga pangarap mo."
"Ma... salamat po dahil sa mga ganitong oras na kailangan ko ng tulong at pagkalinga, andiyan kayo sa tabi ko."
"Anak, pwede mo ba ma kwento sa akin ang nangyari?"
"Noong ikalawang araw mula noong ma confine ako sa hospital na to ay may tumawag sa phone ni Great na isang babae. Tatlong taon na pala sila ng babae niya hindi niya pa sinabi sa akin. Parang akong sinakluban ng langit at lupa noong masagot ko yung tawag na iyon. Minahal ko siya ng buong-buo ma. Anu ba ang kulang ko? Oras? Binigay ko naman lahat sa kanya ma. Pati pagmamahal ko binigay ko na pero hindi ko na alam kung ano ang kulang sa akin."
Umiiyak ako sa tabi ni Mama at pinalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa ginawa na iyon ni Great. Hindi man lang siya nagkamusta sa akin kung maayos lang ba ako.
Binayaran na namin ni Mama ang hospital bill at sinundo kami ni Papa pauwi sa bahay. Niyakap ako ng ama ko dahil hindi niya akalain na magagawa ko iyon. Alam ng tatay ko isa akong masiyahing tao pero unang beses niya akong nakitang nasaktan at nawalan ng sigla sa buong buhay ko.
Makalipas ang ilang linggo, andiyan parin ang kirot sa aking dibdib habang nakikita ko ang larawan namin ni Great na magkasama. Oo mahal ko siya, pero hanggang dito nalang talaga kami.
Binaon ko na lahat sa limot.
Itinapon ko na lahat ng alaala na mayroon kami. Mga damit niyang niregalo sa akin pati na ang mga teddy bear na niregalo niya noong Valentines day. Lahat ng mga binigay niya ay binigay ko sa charity para sa mga nangangailangan. Hihintayin ko ang araw na mawala na lahat ng nararamdaman ko sa kanya.
"2 YEARS LATER"
"Hello?"
"Hello sir Mark. I'm James Rudolf. Since you applied for a teaching profession here in Thailand. May I ask if you're already in the country?"
"Not yet sir. My flight will be on Wednesday."
"Please secure your documents so that we can have your profile and be ready for an interview and teaching demonstration."
"Sure sir. Thank you sir."
Nag-ayos na ako ng gamit kasi by Wednesday pupunta ako ng Thailand for my job. It will be a hard-time for me to enter the country since first time ko pong lumipad patungong Thailand. Hindi pa ako familiar sa mga places and provinces nila maliban nalang sa Bangkok.
"Anak, Pagndoon kana sa Thailand, huwag mong kalimutan tumawag kahit once a month ah. Mahal ka namin ng Papa mo anak. Ituloy mo lang pangarap mo nak." Sabi ni Mama sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit dahil mamimiss niya ako ng sobra.
"Nak. Mapapayo ko lang maghanap ka ng paraan para maka move on kana talaga sa nangyari sa iyo noong nakaraang dalawang taon. Pag may problema ka, tawagan mo kami ng Mama mo ah." Hinawakan ni Papa ang aking mga balikat at agad siyang ngumiti sa akin.
Mapapalayo ako sa mga pamilya ko dahil kailangan kong tulungan sina Mama at Papa sa pagpapaaral ng mga bunso kong kapatid. Lumabas muna ako ng bahay para bumili ng mga toiletries na dadalhin ko papuntang Thailand at hindi ko inexpect na makakasalubong mo si Great sa convenient store. Kasama niya ang babaeng pinagpalit niya sa akin. Nakahawak si Great sa balikat ng babae at kitang-kita ang sweetness nila sa isa't-isa.
Alam kong mahirap pero kailangan kong gawin para sa ikabubuti ng lahat. Nagkunwari akong di ko sila nakita at nagsuot ako ng sunglasses upang hindi nila ako makilala. Pagkatapos kong bumili ay umuwi na ako sa bahay. Nagsimula na ako mag impake ng mga damit sa maleta dahil bukas may flight ako ng madaling araw.
Hinatid ako ni Mama at Papa sa airport kasama ang dalawang kapatid kong nag-aaral pa sa kolehiyo. Niyakap ko sila ng mahigpit dahil siguradong mamimiss ko sila.
"Mamimiss ko talaga kayo Mama, Papa, Popoy at Peppa. Ingat kayo dito ah. Kayong dalawa, ingatan niyo si Mama at Papa ah. Alagaan niyo sila ng mabuti."
Huling salita na nasambit ko bago ako pumasok sa departure area ng NAIA. Parang ayaw kong umalis dahil malulungkot ang mga magulang ko pag wala ako pero kailangan talaga para sa kinabukasan ng mga kapatid ko.
Pinasok ko na ang mga bagahe ko sa check-in counter at pumipila ako sa immigration para makalabas ng bansa.
"Sir, saan po ba kayo pupunta?"
"Thailand po mam." Sagot ko sa immigration officer.
"Ilang days po ba kayo?"
"Doon po ako mag tatrabaho mam."
"Patingin po ng documents niyo sir."
Nilabas ko lahat ng documents ko para maka alis na ako sa Pilipinas. Nilagyan ako ng immigration officer ng stamp sa passport at ready na akong lumipad patungong Thailand. Nag-aantay na lang ako ng ilang oras para mag board na kami ng eroplano para makalabas na ng bansa. Sumakay ako sa Philippines Airlines na plane papuntang Suvarnabhumi airport.
Habang paalis na ako ng Pilipinas, binabaon ko na rin sa limot ang lahat ng masasamang alaala tungkol kay Great.
"Mahal kita Great. Kahit dalawang taon na ang nakalipas ikaw parin ang mahal ng puso ko. Kaso hanggang dito nalang talaga tayo, sa pag-alis ko ay ibabaon ko na lahat-lahat ng alaala natin sa limot. Maraming salamat dahil binuo mo ako, pinaramdam mo sa akin ang pitong taon na pagmamahal pero hanggang dito nalang ang pagmamahal ko sayo."
"We are arriving at Suvarnabhumi Airport. Please fasten your seatbelts. We are going to land."
Ilang oras ang makalipas at dumating na ang eroplano sa Suvarnabhumi airport. Labis ang tuwa na naranasan ko dahil magsisimula ako muli ng panibagong buhay dito sa Thailand bilang isang guro ng isang malaking university.
"Hello sir, welcome to Thailand."
---------proceed to the next chapter---------