Arriving at Bangkok, Thailand

2706 Words
"Sawadeekha" Unang salita na narining ko sa mga thai flight attendants na narinig ko bago ako lumabas ng airport. Kita ko sa kanilang mga mukha ang saya na nakarating sa Thailand. Nanibago ako dahil iba yung lengwahe na sinasalita nila compare sa ating pinoy na madalas tayo makipag-usap ng Ingles. Iba yung tradisyon nila kaysa sa atin sa Pilipinas pero alam kong matutunan ko din ang kultura nila dahil dito ako tatagal.  Naghanap ako ng taxi cab sa labas para makapunta na ako sa hotel. Doon muna ako mag stay habang pinaprocess pa ng school ang lahat ng documents ko for employment. Pagdating ko sa hotel ay agad ako natulog kasi may pupuntahan ako bukas ng umaga. Ring......... Ring.......... Ring........  May tumawag sa phone ko mga alas otso ng umaga. Nagising ako at sinagot ang tawag. "Hello, Mr. Mark, are you here already in Thailand?" "Hello sir, good morning. I'm already here. I'm in a hotel near Show DC." "Can you come here today? We need to discuss your employment. Did you bring your documents?" "Yes sir, I brought it already. I'm coming right now." Agad akong pumunta sa school na pag tatrabauhan ko. Dinala ko na lahat-lahat ng documents na kailangan. Mayroon na akong copy ng Transcript of Records, DFA apostille galing sa Pilipinas, Diploma ko galing school at iba pang documents gaya ng TOIEC result at certificates both local and international. Sumakay ako ng Tuktuk at nakarating ako eksaktong alas otso ng umaga.  Pumunta ako sa HR para mag submit ng documents ko at agad ako inimbitahan ni Sir James sa loob ng kanyang opisina para sa kontrata. Si Sir James ay dating katrabaho ni Mama sa school dito sa Bangkok. Siya ay bestfriend ni Mama at ninong ko din sa binyag. Isa din siya sa tumulong kay Papa na ligawan si Mama at pakasalan ito. Nagpapasalamat ako dahil sa bunga ng kanyang pagtulay sa pag-iibigan ni Mama at Papa. May anak rin siyang kasing edad ko at nangangalang Chap. Si Chap ay isang sikat na artista sa Thailand. Marami siyang palabas sa telebisyon at nakakailang awards na rin sa larangan ng pag-acting.  "Anyways, my son looks like you. I hope you can meet him soon. He's a good guy also and a family-oriented person." "Thank you sir. I am looking forward to meet him soon."Tugon ko kay Mr. James. "You're welcome. You will start working here next week. You will have a salary of 50,000 baht a month and I'm sure your parents will be happy for this. Please extend my regards to her." "Thank you sir. I'll call my mom after this. I will tell her that I met you personally." Lumabas ako sa school at pumunta sa pinaka malapit na restaurant. Umupo ako sa table #8 at umorder ako ng Pad Thai at Tom Yum Goong na isa sa mga paborito kong pagkain. Niluluto kasi ni Mama to sa akin dati at isa to sa mga pagkain na nagpapaganda ng mood ko. Ang restaurant na pinuntahan ko ay dinadayo ng mga sikat na artista dito sa Thailand. Marami ding mayayaman na negosyante ang kumakain rito. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may dumating na isang lalaking nakasuot ng puting tuxedo. Isa siyang binata na mala-anghel ang mukha. Maraming tao ang nakatingin sa kanya at nagpapakuha ng litrato. Bigla siyang napatingin sa akin dahil unang beses na hindi ako lumapit para makipag picture sa kanya. Umupo siya sa table #9 at magkatabi lang ang mesa namin. Wala siyang kasama noong oras na iyon at parang may inaantay na ka date.  Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain ko ng food at nagpadagdag ako ng chocolate cake para panghimagas ko. Maya-maya pa ay dumating na iyong babaeng ka date ng lalaki sa katabi kong mesa. Isa siyang magandang babae, mahalalin ang mga alahas at nakasuot siya ng pulang damit. Napakakinis ng balat niya at alam mong alagang-alaga sa sarili niya. Nag-usap sila tungkol sa kanilang relasyon. Habang ako'y kumakain narinig ko ang pinag-uusapan nila. "Babe, I think we should break up." "Why? may problema ba tayo mahal?" "Babe, alam kong binigay mo ang lahat sa akin pero babe, may dapat akong sabihin ako sayo." "Ano yun babe? Kung may problema ka, sabihin mo lang babe." "Babe buntis ako!" "Ohhh. Babe? Buntis ka? Magkakaanak na tayo babe? Yey." "Babe....." "Ano babe? Bat ka umiiyak?" "Buntis ako babe pero hindi ikaw ang ama." Nagpatuloy silang mag-usap sa kabilang table habang ako ay tinawag ko ang waiter para sa aking bill. Lumabas na rin ako sa restaurant at bumalik na sa office ni Mr. James para sa pipirmahang kontrata. Habang nag-aabang ako ng masasakyan, nakita ko ang dalawang magkasintahan kanina sa kabilang table na nag-aaway. Nagsisigawan na sila at maraming tao ang nakatingin sa kanila.Yung ibang tao sa kanto ay kinukuhanan sila ng picture dahil magiging isang malaking issue ito sa telebisyon. Umalis ang babae at nakikita kong umiiyak ang lalaki sa labas ng kanyang sasakyan. Alam ko masakit ang pinagdadaanan niya gaya din nung nangyari sa akin 2 years ago. Maya't-maya may dumating na taxi at sumakay ako pabalik ng school. Hindi parin mawala sa isip ko na ang lalaking napakagwapo gaya doon sa nakita ko sa restaurant ay ganun-ganon na lang iniwan ng kanyang kinakasama.  Nong papasok pa lang ako sa sasakyan ay may bumundol sa likod ng taxi cab.  "Hoy! Ano ba? Lasing ka ba ha?" "Bakit may problema ba?" Sagot ng isang lalaking napakapamilyar ang mukha. "Kung gusto mong magpakamatay, huwag mang damay ng tao." Sagot ng taxi driver sa kanya. Agad sila nagkasagutan at nakikita kong masama ang loob ng lalaki sa taxi driver dahil siguro sa rason na wala siyang mapagbuntunan ng galit. Lumabas ako ng taxi at agad ko silang inawat pareho. "Stop!" Huminto sila sa kakasigaw at napatingin sa akin. Galit na galit sa akin ang lalaking naka puting tuxedo dahil sinuway ko siya in public. Maraming taong nakatingin sa amin that time. Halos buong galit niya ay binuhos sa akin. "Ikaw? Sino kaba sa palagay mo ha?" "Wala, simpleng tao lang ako nagtatrabaho. Bakit may problema po ba?" "Alam ko na. Dayo ka pala rito tapos ganyan kapa maka asta? Gusto mo papabalikin kita sa bansa mo?" Doon na ako nagalit dahil unang beses kong nasigawan at nakipag-away sa tao lalo na aa sitwasyong nasa tama ako. "Oo! dayo lang ako. Sige gawin mo ang gusto mo. Ireport mo para sa ikapanatag ng loob mo! Masaya kana!" Ang sama ng tingin niya sa akin dahil gusto niya akong sapakin sa mukha. Kung gaano ka amo yung mukha ganon kasama ang ugali. Kahit di ako hinatid ni Kuya sa pupuntahan ko ay binigay ko sa kanya yung pera na dapat pambayad ko dagdag sa pagpapaayos ng sasakyan. Napilitan ako maglakad sa school pabalik upang pirmahan ang kontrata. Umakyat ako sa second floor upang magpirma ng contract ko at para ma ready na ang work permit ko. Ihahanda na rin ng school ang aking papers for employment. Maya't maya pa may dumating sa school na isang pamilyar na lalaki. Naka white tuxedo ito at maamo ang mukha. Umakyat siya sa second floor at pumunta sa loob ng office. Kumatok siya sa pintuan ng Director's Office at pumasok sa loob. Agad naman siyang pinakilala ng Director. "Mark, papakilala ko pala ang anak kong si Chap." Ipinakilala siya sa akin ni Mr. James Noong tumalikod ako, bigla akong nagulat sa nakita ko. Nakita ko ang mukha ng isang maamong lalaki, guwapo, maayos pumorma, naka puting tuxedo, matangos ang ilong, at singkitin ang mata. Mukhang pamilyar kasi nakita ko na siya kanina sa restaurant at sa taxi na binangga niya. "IKAW???" Napasabay kami ng sabi at nagulat si Mr. James sa aming reaksyong dalawa. "Mr. Mark, nagkakilala na ba kayo ni Chap?" "Hmm.." "Nakita ko siya sa restaurant pa, magkatabi lang kami ng table." sabi ni Chap sa tatay niya. Habang nag-uusap sila ng tatay niya ay tinignan niya ako ng mahigpit na parang gusto niya akong suntukin o sipain kasi inis na inis siya sa akin. Hindi ko akalain si Chap pala yung lalaking nakabunggo kanina sa taxi cab na sasakyan ko sana. "Let's give it a day, Mark. Magpahinga kana at next week babalik kana kasi simula na ng pasukan." Tugon ni Mr. James Lumabas ako sa office at sumunod si Chap. Sinundan ako kahit saang part ng campus st pagdating namin sa CR ay agad niya akong kinompronta sa issue namin kanina sa daan. "Aha! Dito ka pala nag tatrabaho. Tignan natin kung gaganda buhay mo." Nag smile parin ako sa kanya kahit ganun ang sinabi niya sa akin. Ipinapakita ko na hindi dapat ma disappoint si sir James sa akin. Masakit ang tingin sa akin ni Chap pero alam ko sa loob ng puso niya mapagmahal siyang bata. Umuwi na ako sa hotel para magpahinga dahil sa susunod na linggo mas malapit nako dapat sa Nonthaburi. Naghanap ako ng murang marerentahan mura lang ang presyo. Sa kabilang banda, nagtanong si Chap sa tatay niya kung bakit ba ako kinuha ng ama niya magtrabaho sa paaralan nila. "Dad! Bakit mo kinuha yon. Alam mo ba malaki atraso ng taong yun sa akin." "Bakit ano ba ang nangyari anak?" Tanong ng ama sa kanya. "Wala!" Umalis si Chap at bumalik sa studio na pinagtatrabauhan niya. Habang pabalik na siya, nakita niya ako naglalakad sa daan na wala sa mood. Mahina, malalim ang iniisip, at umiiyak habang naaalala niya ang mga masasakit na nakaraan ng ex-boyfriend niyang si Great. "Hey!" Hindi ko siya pinansin at tinignan ko lang siya sa mata. Nakikita niya na tumutulo ang luha habang naglalakad sa daan. Napatanong siya ulit kung maayos lang ba ako. "Hey! are you alright?" Hindi ko siya pinansin noong oras na iyon pero nagpupumilit parin siya na tawagin ako. Si Chap ay isang taong ayaw sumuko pag may gusto siya. Sa ngayon, gusto niya kunin ang atensyon ko na parang gusto niya makipagkaibigan. "Hey! Kho-tode." "Okay po" Patuloy parin ako sa paglalakad habang sa tinawag niya ako para sumakay sa kotse niya. "Mark, Mark, sumakay kana. Ihahatid kita sa tinutuluyan mo." "Wag na po, kaya ko namang maglakad mag-isa." Hindi na nag-insist si Chap na sundan ako pauwi. Dumiretso siya sa studio pero hindi parin siya mapakali kung safe ba ako makauwi dahil ang nilalakaran niyang daan ay delikado at maraming mandurukot ang nag-aabang doon. Habang naglalakad ako sa kalsadang iyon ay may dalawang lalaki na nakasuot ng itim na jacket ang nakasunod sa akin. Binilisan ko ang paglalakad pero patuloy parin ako nilang hinahabol. Malapit na ako sa mainroad at bigla nila akong sinabihan. "Holdap to! Walang kikilos ng masama. Akin na ang gamit mo. Huwag kang sumigaw ng tulong baka isaksak ko sayo itong kutsilyo na ito." "Sir huwag po! Maawa po kayo sa akin hindi ako ganun kayaman." Umiiyak ako habang hawak nila ang dalawang kamay ko." Mga ilang sandali lang ay may dumating na pamilyar na lalaki sa daan na iyon. Lumabas siya sa kotse at pinagsusuntok niya ang mga nangholdap sa akin. Na trauma ako noong araw na iyon dahil unang beses sa buhay kong maranasan na maholdap. Tinignan ko ang mukha ng lalaki at namukhaan ko siya agad, si Chap. Isinakay niya ako sa kotse niya para safe na akong umuwi sa hotel. "Okay ka lang ba?" "Sa tingin mo ba okay tong mukha ko?" Sinagot ko siya sa nakakatakot na tono. "Sa susunod makinig ka kahit isang beses lang. Alam kong baguhan kapa rito at may lugar ka na dapat iwasan lalo na't sa dinadaan mo maraming mga masasamang loob." Unang beses kong nakarinig ng sermon ng ibang tao pero pinakinggan ko kasi somehow tama naman siya. "Parang jowa kita ah." "Uy! Hindi ah. Concern lang ako bilang isa tao at nagwowork ka sa paaralan ng Daddy ko kaya dapat mag-ingat ka sa susunod at huwag na huwag kang dumaan doon mag-isa." "Sige po. Masusunod po." Dumating na kami sa hotel. Bago ako bumaba ay may sinabi siya sa akin. "Since nagsama tayo ngayong araw na to, gusto ko maging magkakilala tayo in a formal way. Ako pala si Chap. Pag may kailangan ka dito magtanong ka sa akin heto ang calling card ko just in case." "Maraming salamat. Ako naman pala si Mark." "Oh siya, aalis na ako. Ingat ka dito." Habang paakyat ako sa room ko ay nakatitig si Chap sa akin at bigla itong napangiti. Umalis si Chap at pumasok na rin ako sa kwarto ko. Hindi parin ako maka move-on sa nangyari kanina sa kanto. Laking pasasalamat ko na iyong lalaking nakipagsagutan ko ay siya din namang tutulong sa akin. Inalaala ko yung mukha niya at sobra nitong guwapo tapos anak pa ito ni Mr. James. Binuksan ko social media ko at nakipag usap kay Mama. Maya-maya ay may nag ring sa notification ko sa i********: at nakita kong si Chap nag follow sa akin. Habang sa kalagitnaan ng kwento namin ni Mama sa video call ay may DM akong na receive sa i********:. "Hi Mark, Chap to. Pasensiya kana kanina noong nagkasagutan tayo sa daan. Pag may kailangan ka huwag ka lang mahiyang magsabi." Agad ko naman siyang nireplyan. "Okay Chap. Walang problema." Ilang days na lang ako dito sa hotel at nagkakaproblema na ako makahanap ng malipatan kasi karamihan sa mga apartment na malapit sa school ay puno na at wala na akong malilipatang iba. Nagtanong si Mama at nag-usap kami tungkol kay Mr. James. "Ma, nasabi pala ni Mr. James mag bestfriend kayo dati sa college, tama po ba yun ma?" "Oo anak. Regards mo ako sa kanya ah. Bago kami nagkakilala ng tatay mo ay naging mag close kami ni James. Siya ay isa sa mga malapit na kaibigan ko noong college diyan sa Thailand. Yung asawa niya ay kaklase din namin kaso nga lang maaga namatay ang asawa niya noong ibinubuntis yung anak niyang lalaki. Bakit mo pala natanong anak?" "Wala lang naman ma. Kasi nakita ko ang anak niya at parang magkasing edad lang kami." "Oo anak, dahil noong buntis yung asawa niya ganoon din ako. Parehas kaming araw nanganak pero hindi nakayanan ng nanay niya ang panganganak kaya namatay ito. Dinamayan ng ama mo si Mr. James dahil sa nangyari sa asawa niya pagkatapos ilabas ang anak nito. Dahil sa pangyayaring iyon, nag promise ako kay Mr. James na hindi namin siya iiwan ng Daddy mo at magiging malapit niya kaming kaibigan. Matanong ko anak, nagkita naba kayo ng anak niya?" "Oo ma, hindi ko alam kung paano kami nagsimula. Nagkasagutan kami ng isang beses dahil binangga niya yung taxi driver na sasakyan ko sana papuntang school. Ang lakas ng loob na pagsalitaan ako pero nagpapasalamat parin ako dahil niligtas niya ako sa mga masasamang tao ma." Tugon ko kay Mama." "Anak, alam mo ba parang ganyan kami ng tatay mo dati. Nagsimula kami sa sagutan at away pero nililigtas niya ako lagi at sinasamahan kahit saan magpunta. Saksi si Mr. James sa away-bati naming relasyon ng tatay mo. Nang dahil doon, naging magkasintahan kami at nagpakasal. Si Papa mo lang ang inibig kong tunay anak." Sa mga nasambit na iyon ni Mama at napaisip baka maulit sa amin yung lovestory nila ni Papa sa katauhan ko at ni Chap. Hindi naman siguro mangyayari iyon kasi si Chap straight, may girlfriend, guwapo, at habulin ng babae. Nagpaalam muna ako kay Mama para matulog. "Ma, matutulog na ako ma. Napagod po ako kanina. Sa susunod na linggo ako ulit tatawag ha. Mahal na mahal ko kayo ni Papa at pakisabi nalang din sa mga kapatid ko ma." "Sige anak matulog kana baka may lakad kapa bukas." Pinatay ko na yung lampshade ng hotel at nagsimula na akong umidlip. Hindi parin mawala sa isip ko si Chap. Napatanong ako bigla sa sarili ko, "Ano ba merong kay Chap na napapaisip ako? Noong marinig ko ang sabi ni Mama kanina na ganyan daw sila nagsimula ni Papa before. So, hindi ko gets. Mauulit ba sa amin yung love story nila? Wait. Kumalma ka self. Lalaki si Chap at di siya magkakagusto sa lalaking gaya ko." Natulog na ako dahil bukas maaga pa ako mamasyal sa mga tourist destinations dito sa Bangkok. ------proceed to the next chapter------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD