Gumising ako ng alas sais ng umaga at naglakad-lakad sa labas para makalanghap ng sariwang hangin. Ito ang unang beses na lumabas ako ng thailand upang ma maintain ang body shape ko. Nag jogging ako hanggang umabot ako sa malapit na park upang mag exercise. Maraming tao ang dumadayo every morning at karamihan dito ay mga may edad na sumasali sa zumba at ibang yoga activities. Mayroon ding naglalaro ng basketball sa may open field at ako naman ako nagpatuloy lang sa pag jogging. Pagkatapos ko mag exercise at pauwi na sana ako ng hotel ngunit may tumawag sa akin na isang pamilyar na boses.
"Mark, andito ka pala. Tara mag workout tayo sabay."
"Kakatapos ko lang Chap. Pauwi na rin ako kasi pupunta pa ako sa school at may meeting pa ako kasama si Daddy mo." Sagot ko sa kanya.
"Huwag ka mag-alala, ako na ang bahala kay Dad. Kahit samahan mo nalang ako. Okay ba iyon sa iyo?"
Nakiusap siya sa akin at agad ko naman siya pinagbigyan. Nagpaiwan ako ng isang oras dahil alas sais pa lang naman at alas dyes ang meeting ko kasama ang ama niya. Habang nagwoworkout si Chap ay kitang-kita ko ang mga braso niyang batak sa pagdidisiplina sa katawan. Makinis ang balat niya at alagang-alaga sa sarili niya. Nakasuot siya noong araw na iyon na Jersey 23 na kulay puti at nakatitig lang ako sa kanyang habang nag woworkout siya. Habang nakatitig ako sa kanya, bigla nalang akong napaisip:
"Ang guwapo pala ng lokong ito. Gwapo din si Great kaso wala na iyon. Hindi nako aasa sa kanya dahil sa matagal na panahon naming pagsasama, hindi niya ako pinahalagaan. Niloko niya ako at nagawa niya pang maghanap na maisabay sa akin. Pero alam ko sa likod ng masamang ugali neto, may kabutihan parin sa kanyang puso."
Alas singko na ng umaga at kakatapos pa lang ni Chap mag workout ng katawan niya. Pawis na pawis siya at kailangan niya na magpalit ng damit. Hindi na siya pumunta ng cr para magpalit ng suot sapagkat hinubad niya ito sa harap ko mismo. Biglang napatulo iyong laway ko dahil sa dalawang taon ngayon lang ako makakita ng poging makinis at maganda ang pangangatawan gaya nitong si Chap. Ayaw ko din naman siyang pag-interesan ng masama kasi kaibigan ko siya at ayaw kong masira ang relasyon na meron kami.
Niyaya ako ni Chap upang mamili ng pagkain sa may malapit na tindahan. Sumama ako at bigla itong napaakbay sa akin. Naiilang ako dahil maraming tao pero ayaw ni Chap tanggalin ang braso niya sa balikat ko. Hinatid niya ako pauwi sa hotel na tinutuluyan ko at nagulat ang mga ibang tenant na may artista akong kasama.
"Oh siya sige, aalis na ako. Maligo kana baka malalate ka sa appointment mo."
Habang paalis si Chap naririnig ko ang mga usap-usapan ng mga hotel attendees.
"Uy, Si Chap yun ah. Isa siyang sikat na actor sa telebisyon. Marami siyang napanalunang awards lalo na ang latest Lakorn series niya na pinalabas."
Sabi naman ng isang attendee, "Magka-ano ano ba sila ng isang guest natin doon sa room 207?"
Hinahayaan ko lang sila mag-usap about sa amin ni Chap. Basta ang pagkakaalam ko, friends lang kami at hindi niya ako magugustuhan. Last day ko na doon sa hotel na tinutuluyan ko pero hindi pa ako nakahanap ng malilipatan. Naghanap ako sa booking.com ng mga available na apartment malapit sa school pero halos lahat nagsipunuan na. Naligo na ako dahil pinapabalik ako ni Mr. James sa paaralan kong pinapasukan. Nag-antay ako sa labas ng hotel at nag-antay ng booking ko sa Grab. Pagkaraan ng limang minuto, dumating na ang sasakyan at agad akong sumakay. Nakaabot din naman ako on-time.
"Hello Good morning Mark, nice to see you again. Kamusta kana?" Tanong ni Mr. James sa akin.
"Okay lang po ako sir. Medyo worried lang kasi last day ko na lang sa hotel at wala pa akong nahanap na malilipatan."
"Ah ganun ba? Oh sige, ngayong araw hanggang 12 noon ka lang ah. Ilaan mo ang oras mo sa hapon para maghanap ng malilipatan."
"Salamat po Mr. James."
"Sumama ka muna kay Miss Ching upang ma orient ka regarding sa mga perks and priviledges dito sa institution at saka kasama narin dun ang policies, rules and regulations, and grading system na dapat mong matutunan."
"Sige po sir. Salamat po."
Sumama ako kay Miss Ching at nag-usap kami about sa mga rules and regulations ng school at mga priviledges namin as a teacher sa paraalan na iyon. Samantala, si Mr. James ay tumawag sa anak neto at nakisuyo na hanapan ako ng malilipatan.
"Chap, Anak, May pabor ako sayo?"
"Ano iyon pa?"
"Si Mark nagsabi sa akin hirap siya makahanap ng malilipatan, pwede mo ba siyang tulungan?"
"Sige pa, mga anong oras po ba?"
"Mga hapon anak kasi last day niya nalang daw sa hotel na tinutuluyan niya. May shooting ka ba ngayon?"
"Wala pa. Bukas pa iyong shoot ko. Sige samahan ko na muna siya."
"Salamat anak ah." Tinawagan pala ni Mr. James si Chap para tulungan ako mamaya maghanap ng bagong malilipatan.
Nag-usap kami ni Miss Ching about sa aking background habang papunta kami sa conference room.
"So, ikaw pala ang bagong hire namin rito. Ano ang nag-udyok sayo kung bakit ka dito nag work?'" Tanong niya sa akin.
Pressured din ako kasi sa aura ni Miss Ching isa siyang strict na teacher. Mataas ang katungkulan niya sa institution at medyo natatakot ako sa kanya pag siya na ang nagtatanong."
"Kailangan ko po Mam pag-aralin ang mga kapatid ko doon sa Pilipinas. Mahirap lang po kami at hindi po kakayanin ng sahod ko doon ang mga gastusin sa bahay. May maliit kaming negosyo pero hindi rin naman kami nakakabenta ng marami araw-araw kaya nag decide nalang ako na makipagsapalaran dito sa Thailand at maghanap ng disenteng trabaho para tulungan sina Mama't Papa sa pag-aaral ng kapatid ko."
"So, are you the breadwinner pala."
"Opo mam."
"May I ask you something personal?" Tanong niya ulit sa akin.
"Hmmm.. (natatakot) Ano po yun Mam?"
"Do you have a wife or a girlfriend in your country?"
Nabilaukan ako sa tanong ni Miss Ching sa akin. Hindi talaga ako naghahanap ng girlfriend or asawa kasi mas attracted ako sa lalaki.
"I haven't mam. To tell you frankly, I'm not attracted into girls."
"Ah okay, so do you have any boyfriend?"
"I haven't too Mam. Wish I could find someday."
"In Thailand, there are a lot of good-looking guys here. Try to open your heart to any possibilities. Anyways, we are here already. Let's go inside."
Pumasok na kami sa conference room ni Miss Ching upang pag-usapan ang mga dapat kong matutunan sa school na ito. Nagsimula muna kami sa mga school rules and regulations.
"Mark, pakitandaan mo itong mga mahahalagang rules.
1. Don't be late.
2. Don't forget to log-in your fingerprint in the biometrics area.
3. Since you're not having any relationship right now, avoid any love interest to your students. Okay?"
"Opo Mam." Tugon ko sa kanya.
"Let's continue.
4. Please wear your ID once you enter the premises.
5. Always respect those people in the authority especially the director, school board and the deans of each respective departments.
Any questions?"
"No mam, maliwanag na po sa akin." Tugon ko kay Miss Ching.
Mahaba-haba ang pinag-uusapan namin at hindi ko namalayan mag-alas 12 na pala ng tanghali. Natapos na namin ang orientation at bumalik ako kay Mr. James upang mapirmahan magsubmit ng pinirmahan kong mga papeles kay Miss Ching. Pagkatapos nun ay kinausap ako ni Mr. James.
"Mark, sabi mo kanina nahihirapan kang maghanap ng malilipatan, tama ba?"
"Opo sir."
"May kakilala ako na tulungan kang maghanap. Antayin muna natin siya rito."
30 mins na ang nakalipas at dumating si Chap. Nagulat ako ng pumunta siya sa school.
"Chap, pakitulungan mo muna tong si Mark. Hanapan mo siya ng safe na apartment ah."
"Opo dad." Sagot ni Chap.
"Nakakahiya naman po sir. Kaya ko na po to." Tugon ko kay Mr. James
"Mas mabuti ng masamahan ka ni Chap para safe ang matutuluyan mo. Alam mo bang maraming masasamang loob dito sa Bangkok. Para din naman to sa ikabubuti mo."
Sumama ako kay Chap palabas ng school at agad kaming naghanap ng malalapit na apartment. May nakita kaming isang condotel pero napakamahal ng renta at hindi ko kakayanin ang bayarin. Naglibot pa kami sa buong bangkok at wala ng bakanteng apartment. Alas kwatro na ng hapon at bumalik na ako sa hotel para kunin ang mga gamit ko. Nag impake na ako since magtatapos na ang time sa binayaran kong hotel room. Hindi ako mapakali kung saan pwede akong makituloy kahit ilang araw lang para maghanap ng malilipatan.
Maya maya'y tinawag ako ni Chap at may sinabi siya sa akin.
"Habang wala kapang malilipatan. Doon ka muna sa condominium ko. Dalawa lang naman kami ng kapatid ko doon. Panandalian lang naman para may matuluyan kang maayos."
"Alam kong nakakahiya pero maraming salamat."
Hinatid ako ni Chap sa condo niya malapit sa istasyon na kanyang pinag tatrabauhan. Dala-dala ko ang aking mga maleta paakyat sa 7th floor at malawak ang kanyang kwarto. Mayroon itong sala, lahat ng gamit ay mahalalin at dalawang malalaking kwarto. Sa loob ng room niya ay may isang king size bed at may maliit din na couch.
"Gusto mo ba tabi tayo matulog?"
"Nakakahiya naman Chap. Dito nalang ako sa couch matutulog. Okay na ako rito." (namumula na ang mukha ko noong tinanong niya iyon)
"Sige, ikaw ang bahala. Basta pag hindi ka comfortable sa couch, pwede naman tayo magtabi malaki ang kama ko." Tugon niya sa akin.
Nagpahinga na rin ako kasi alas sais na ng gabi at tumulong muna ako kay Chap sa paghahanda ng hapunan nila ng ate niya. Mga alas otso pa ng gabi uuwi ang ate niya kasi nag overtime ito sa trabaho. Pinagluto ko sila ng masarap na sinigang at adobo na karaniwang hinahanda ng mga Pinoy sa mesa tuwing hapunan. Nagsaing na rin ako para pagkadating ng ate niya ay kakain nalang kami.
Natapos ko ang pagluluto mga quarter to eight at biglang may kumatok sa pinto. Pumasok ang ate ni Chap. Unang tingin ko na starstruck ako sa ganda niya, ang ganda ng labi, makinis ang balat, cute ang mata na mala diyosa sa ganda. Nagulat siya noong nakita ako at agad niyang tinawag si Chap.
"Chap! Sino to? at ikaw sino ka? Hmm. parang pamilyar ka, tagasaan ka?"
"Ah. Eh.." (Magsasalita pa sana si Chap kaso nga lang sumagot na ako sa ate niya).
"Mark po. Nagpatulong lang po ako kay Chap maghanap ng malilipatan. Panandalian lang po ako rito. Galing pa po ako Pilipinas."
"Wait! Philippines? Parang pamilyar ka. May itatanong ako sayo? May kakilala kang Maria Sanchez?"
"Actually yung sinasabi niyo po ay si Mama po. Paano niyo po siya nakilala?"
"Actually ninang ko yan noong binyag ako. Hmm. Wait, parang narinig ko ang palayaw mo dati. Kakak? Ikaw ba si Kakak?"
"Opo, ako nga po ate."
Agad akong niyakap ni Ate May ng mahigpit. Nakikita niya sa akin ang imahe ni Mama na mismong ninang niya sa binyag. Nagbihis muna siya at maghahapunan kami ng sabay. Nilabas ni Chap ang mga kubyertos at agad ko namang nilipat ang mga ulam sa bowl. Excited si Ate May na kausapin ako about kay Mama at sa personal kong buhay.
"Hmm. Alam ko si Ninang matalino since college sila ni Papa. Matanong ko lang, honor student karin ba before?"
"Opo ate May. Nagsumikap ako kasi ako ang inaasahan nila Mama at Papa na maging katuwang sa pagpapaaral sa mga kapatid ko."
"No wonder. Kaya pala may crush si Papa kay Mama mo noong nag-aaral pa sila."
"You mean nagkagusto si Mr. James kay Mama?" Tanong ko kay ate May.
"Oo. Di mo ba alam na buong album ni Papa ay si Ninang Mary ang laman. Kaso nga lang mas pinili nila maging magkaibigan na lamang kasi ayaw ni Ninang na sirain ang friendship nilang dalawa. Nagdecide na si Papa na itigil ang pagkakagusto kay Mama mo pero hanggang ngayon mahal parin ni Papa si Ninang Mary. Si Ninong Ric, yung tatay mo, ay pinakamalapit na kaibigan ni Papa. Noong grumaduate sila at nagwork sa school, sila parin ang magkakasama. Si Papa rin mismo ang daan at nagpaubaya ng kanyang pagmamahal kay Ninang Mary. Nauna lang ikasal si Mama at Papa mo bago sina Papa at ang namayapa naming ina."
"Maliit lang pala ang mundo ate May. Mabuti naman nagkita tayo rito sa Bangkok. Alam kong matutuwa si Mama at Papa pag nalaman nila nagkita na tayo."
"Oo naman. May utang pa si Ninang sa akin. Hindi niya pa ako binibigyan ng regalo sa debut ko."
"Ah ganun po ba, sige ate sabihan ko si Mama." Tugon ko kay Ate May.
"Biro lang. Haha. Huwag na, masaya ako at nakilala kita."
Kumain na kami pareho ni Ate May. Hindi namin namalayan na naubos na rin pala ang ulam na aking niluto. Tahimik lang pala si Chap na kumakain sa tabi at nahalata naming gutom na gutom na ito. Paubos na rin yung kanin sa mesa at hinati nalang namin parehas ni Ate May. Tinikman ni Ate May ang niluto ko at nasarapan siya dahil ganito rin daw ang paraan ng pagluluto ni Mama noong andito pa siya sa Thailand.
"Alam mo, manang-mana ka kay Ninang Mary. Kuhang kuha mo yung timpla ng niluluto niya. Heto talaga ang nagpapatunay na anak ka niya. Tignan mo yung kapatid ko tahimik lang sa tabi pero inuubos na ang pagkain natin."
"Ate naman eh. Mark, paano mo ba to niluto ba't ang sarap?" Tanong ni Chap.
"Pag nagluluto kasi ako, dapat masaya lang. Walang iniisip kundi maging masarap lang ang pagkain." Tugon ko kay Chap.
Tuloy-tuloy lang kami sa pagkain hanggang sa naubos namin ang niluto ko. Naghugas muna ako ng plato at inayos ang hapagkainan bago mag ayos ng gamit at magpahinga. Naligo muna ako sa Bathroom ni Chap para magiging presko ako pagkaumaga. Pagkatapos ko ay sumunod rin siya. Kinuha ko yung kumot ko at agad akong pumwesto sa couch niya. After 15 minutes, lumabas na siya ng CR at bigla akong nagulat kasi naka tuwalya lang siya at nakita ko ang buong katawan niya. Makinis siya, naglalakihan ang kaniyang dibdib, may nakaumbok na apat sa kanyang tiyan at maganda ang hugis ng kanyang katawan. Hindi alintana na malaki ang kanyang katawan dahil madalas itong magsuot ng mga maluluwag na damit. Heto ang unang beses na nakita ko siyang walang damit at bigla akong napaisip.
"Ano ba to? Ba't parang tumutulo itong laway ko? Ang lakas ng dating niya dinagdagan pa ng maamong mukha."
Nagbihis na siya ng pantulog at inayos ang kanyang higaan. Bago kami natulog ay kinausap niya muna ako about sa experience ko sa Pilipinas.
"Mark, may itatanong lang ako sayo kung okay lang?"
"Ano yun Chap? Okay lang, itanong mo lang." Tugon ko sa kanya.
"Kamusta ba kayo ng jowa mo?"
"Wala akong jowa ngayon. Hiwalay na ako sa kanya mga dalawang taon na ang nakalipas. Hindi na ako naghanap ng iba dahil sariwa pa ang pagkakahiwalay niya sa akin. Alam kong matagal ang 2 years pero hindi parin ako nakaka move-on. Ikaw, kamusta kayo ng jowa mo?"
"Wala na kami. Noong malaman ko na buntis siya sa ibang lalaki, hindi ko na itinuloy yung relasyon namin. Ilang araw palang kami nag break. Alam kong parehas ding araw na iyon kung saan nagkasagutan tayo. Pasensiya kana Mark sa nangyari dati."
"Ayos lang yun. Alam kong mabait kang tao. Hayaan mo lilipas din ang mga araw matatanggap mo rin ang lahat at makakahanap ng minamahal."
"Salamat. Oh siya, matulog na tayo Mark."
"Sige Chap. Goodnight."
"Goodnight."
Nakapikit na ako noong oras na iyon pero si Chap nakatitig parin sa akin at may gustong ipahiwatig. Napangiti siya bigla at biglang napaisip.
"Sana may taong darating din sa akin gaya mo. Bago palang kita nakita pero ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo. Kung naging babae ka sana, magpapakahirap ako para ligawan ka."
Natulog na rin si Chap at pinatay na yung ilaw.
--------proceed to next chapter-------