A Day with a Fortune Teller

2181 Words
Nagising ako at nagluto ng almusal namin ni Chap. Umalis si Ate May bandang alas singko ng umaga kasi maaga pa siyang papasok sa trabaho. Nagluto ako ng dalawang sunny side up na itlog at apat na itlog. Pagkalampas ng labinglimang minuto, nagising din si Chap. Nakasando lang siya noong oras na iyon at kitang-kita sa balat niya na alagang-alaga siya sa kanyang sarili. Umupo na si Chap at sabay na kaming kumain. "Galing mo pala magluto ah. Paturo ako pag may time Mark. Nagrereklamo si Ate sa akin pag ako nagluluto, lagi daw mapakla ang lasa kaya nagpapa order nalang ako ng pagkain sa labas." "Madali lang magluto Chap, isipin mo lang magluluto ka sa minamahal mo." Tugon ko sa kanya. "Kamusta pala lovelife mo?" Tanong niya sa akin. Na on the spot ako that time kasi nabigla ako sa tanong niya sa akin. "Heto, naghahanap ng way mag move on. Nasaktan ako two years ago sa ex ko. Nasayang ang seven years naming pagsasama. Huli ko nalang nabalitaan na ipinagpalit niya ako ng biglaan. It's a long story ika nga. Ba't mo pala natanong?" "Wala lang naman. Ako kasi yung ex-ko nabuntis ng lalaki, hindi ko na inalam iyong pangyayari pero niloko niya ako. Mahal na mahal ko siya kaso lang hindi ko maibigay ang gusto niya kaya hinanap niya ito sa iba. Masakit diba?" "Parehas lang tayo nasaktan sa ibang pamamaraan nga lang. Gusto mo tulungan kita makapag move on?" "Sige ba. Para gumaan narin ang loob ko." Nagtuloy tuloy lang kami ni Chap sa pag-uusap at hindi namin namamalayan na alas siyete na pala ng umaga at kailangan kong bumalik sa school. "Chap, kailangan ko ng bumalik sa school baka malate ako." "Ano kaba? Sabado kaya ngayon." "Ay, oo nga pala." "Ngayon, pupunta tayo sa bahay namin. Magdala kalang ng neck pillow kasi mahabang biyahe ang ating lalakarin." Gusto ni Chap na isama ako sa kanila doon sa Korat. 250 kilometers ito from Bangkok pero maganda daw kultura ng lugar na iyon. Umalis na kami ni Chap at doon niya ako pinaupo sa front seat. Nagsimula kami ulit mag-usap about sa mga personal na buhay. "Alam mo ba, dito sa Thailand maraming mga magagandang babae. Sigurado makakahanap ka ng magiging girlfriend mo. Pakilala mo sa akin kung magkakaroon ah." Tumango nalang ako sa kanya at nagsmile pero sa isip ko. "Hindi ako nagkakagusto sa babae. Lalaki din kaya gusto ko." Tapos nun ako naman ang nagsimulang magtanong kay Chap. "Naniniwala kaba sa kasabihang Love has no boundaries?" "Depende, kasi ako pag mahal ko ang isang tao, ibibigay ko lahat-lahat mapasaya lang siya." "What if magkakagusto ka sa same, okay lang ba sayo yun?" "Di ko gets. Same goals ba?" "Hmm. parang ganun na nga, gusto ko lang makahanap ng asawa at magiging nanay ng anak ko in the future. Bakit mo pala natanong?" "Wala lang naman." Dumating na rin kami sa wakas sa Korat. Nag-aabang ang mga tita niya sa bahay nila. Lumabas si Mr. James sa pintuan at kinamusta ako. "Oh, andito na pala kayo. Oh Mark, mabuti sinama ka rito ni Chap. Halika ka dito, magtanghalian na tayo." Narinig ko ang mga bulong ng tita niya kung sino daw ako. May isang tita niya ang naglakas loob na tanungin ako. "Parang familiar yang mukha mo. Nakita ko na to dati." "Gemma, yan pala si Mark. Anak ni Mary, yung bestfriend ko dito before." "OMG, anak ka ni Mary Claire?" "Opo mam." "Huwag mo na akong tawaging Mam. Tita Janice nalang, kilalang kilala namin dito si Mama mo. Tara pasok na tayo." Naghanda si Mr. James ng pagkain sa mesa at nagsimula na rin kaming mananghalian. Nagutom kami pareho ni Chap sa biyahe. Kumuha ako ng Pad Thai kasi isa iyon sa mga niluluto ni Mama dati sa bahay. "Mark, alam mo ba mahal ng mga pinsan ko si Mama mo. Noong nandito pa siya nag-aaral, siya ang nagluluto ng mga pagkain pag pumupunta siya rito." "Magaling kaba magluto Mark?" Tanong ni Tita niya. "Marunong naman po pero hindi po ako ganon kagaling gaya ni Mama." "Huwag mo nga akong lokohin Mark, natikman ko luto mo kagabi eh, nakailang subo nga ako eh." Tugon ni Chap. "Oh sige nga, the kitchen is all yours. Lutuan mo kami mamaya ng ulam ah." Sabi ni Tita sa akin. Hindi ako makatanggi dahil ni minsan hindi ako nagrereject ng favor. Lumabas ako sa bahay at nagpahangin hangin. Malamig ang simoy ng hangin at iba ang klima ng lugar kompara sa Bangkok. Maya maya'y may pumasok na isang matanda sa bahay nila Mr. James. Isa siyang manghuhula na sikat sa Korat at agad niya akong napansin sa tabi. "Iho, dayo kaba rito?" "Opo sir. Kasama po ako ng anak ni Mr. James." "Gusto mo hulaan kita?" "Po?" "Huhulaan kita sa barahang dala ko. Huwag ka mag-alala di kita sisingilin." Pumayag ako dahil inoffer niya naman sa akin ng libre. Pinabunot niya ako ng siyam na baraha at agad niya itong binuksan. "Heto ang nakikita ko sa baraha mo. Niloko ka ng isang lalaki dahil sa isang babae. Mahal mo siya at hindi kaparin makaalis sa lalaking ito. Niloko ka pala nito." "Ho?" Nagulat ako dahil nahulaan niya ang nangyari sa akin kahit di ko sinasabi sa kanya ang mga detalye. Ito talaga ang nagpapatunay na isa siyang magaling na manghuhula. "Sa totoo lang po, lahat ng sinabi mo sa unang hula sir totoo." "Kaya di nagsisinungaling ang mga tarot cards ko. Bumunot ka ngayon ng labingdalawang baraha." Pinabunot niya ako ulit ng labingdalawang baraha para sa huling pagbasa. Binuksan niya lahat ng baraha ko at may nakikita siya ulit na isang malaking challenge sa akin. Nakita sa baraha ko ang 3 of cups, Knight of Wands at Knight of Swords. "Alam mo iho, napakaswerte mo. Dalawang lalaki ang makikipag-agawan sa iyo. May lalaking magbabalik para kunin ka ulit at may bagong lalaking dadating sa iyo ng hindi mo sinasadya. Aamin siya sayo pag dumating na ang isa. Nabulag lang siya sa prinsipyo niya sa pagmamahal pero maniwala ka mamahalin ka nito." "Talaga ho?" Sa isip ko that time ang lalaking nakipaghiwalay sa akin recently ay si Great. So, ibig sabihin ng barahang binunot ko ay makikipagbalikan si Great sa akin. Sa isip ko, impossible naman si Chap iyong isang lalaking iyon kasi straight siya at gusto magkapamilya. Binuksan niya ang mga susunod ko na baraha at nakita ko ang Wheel of Fortune. Magbabago ang takbo ng buhay ko according sa kanya. "Asahan mong dadating sila pareho sa hindi inaasahang oras. Sige last cards, bumunot ka ng pitong baraha." Bumunot ako ulit at pinag-iisipan ko ng mabuti ang aking baraha. Pagkuha niya at heto ang lahat ng lumabas: Ace of Cups, Knight of Wands, The Lovers, 4 of Wands, Wheel of Fortune, Ten of Cups at King of Wands. "Heto ang pinapakita sa akin ng baraha. Bagong pag-ibig ang uusbong. Diba may dalawang lalaki ang lumabas, heto siya lumabas ulit ang isa. Nakadikit siya sa the lovers. Ibig sabihin non ay magmamahalan kayo parehas at tanggap ng King which is yung tatay niya. Ang ten of cups ay nangangahulugang masayang pamilya at pagsasama. Four of wands naman ay isang pagdiriwang at selebrasyon. Magbabago ang kapalaran mo dahil sa lalaking ito." Agad ako na shock sa mga binasa niya. Nagkatotoo ang mga hula niya sa akin about sa past ko. Hindi ko naman sinabi kung ano basta alam niya na lalaki ang ex ko. Maya maya ay lumabas si Chap sa bahay nila at tinawag ako. Nakita niya ako kasama si Mang Tonying, isang sikat na manghuhula sa Korat. "Oh ikaw pala yan Mang Tonying." "Napadalaw ako kasi may kailangan ako kay Papa mo pero nakita ko tong kasama mo dito sa labas kaya hinulaan ko na rin. Ikaw ba, magpapahula ka?" "Sige po." Agad lumapit si Chap sa matandang lalaki at agad siyang bumunot ng siyam na baraha. "Nakikita ko sa baraha mo na masakit ang iyong nakaraan. Niloko ka din pala ng babae. Nabuntis ito sa iba, tama ba?" "Ho? Paano niyo po nalaman?" Tugon ni Chap sa matanda. "Kahit di mo sabihin, malalaman ko pa rin sa mga barahang binunot mo. Pumili kapa ng labingdalawang baraha." Bumunot si Chap ng 12 cards at nilagay sa harapan. Binuksan ito ni Mang Tonying at may nakita siyang pagkakapareha sa mga baraha ko. "Oh, exciting to. May nakikita akong unexpected na pag-ibig. Ace of Cups at Knight of Pentacles ang nakikita sa baraha. Pero may lumabas na Queen of Wands sa cards mo at ito ay nangangahulugan din na magpaparamdam ang dalawang tao sa iyo. Babae at lalaki ito." "Talaga ho? Mang Tonying binibiro niyo naman po ako." "Ang cards na ang nagsabi sa kapalaran mo. Last nalang, pumili ka ng pitong baraha." Pumili si Chap ng pito pang dagdag at binuksan ito ni Mang Tonying. Nakita sa baraha niya ang Knight of Pentacles, The Lovers, Ace of Cups, at Wheel of Fortune. "Oh siya, lumabas ulit ang Knight at may the lovers pa. Asahan mo makikita mo siya balang araw. Babalik ka sa akin na kasama mo siya ah." "Mang Tonying naman. Hindi ako magkakagusto sa lakaki eh." Medyo napikon si Chap sa kanyang nakikita dahil lingid sa kaalaman niya, sa babae lang siya na attract. Pumasok si Chap sa bahay at tinawag si Mr. James. Sumunod kami kay Chap sa loob pero pinahinto muna ako ni Mang Tonying at may binulong siya sa akin. "Alam mo bang magkatugma ang mga baraha niyong dalawa. Kahit sabihin natin magkaibigan kayo sa ngayon, pero mahuhulog parin siya sa iyo." "Talaga ho?" "Tiwala ka lang sa mga cards mo. Sa totoo lang, hindi niyo ma expect umibig sa isa't-isa. Magkaiba kayo ng ugali. May hinulaan din ako dito dati mag-asawa sila at parehas din ang ugali sa inyong dalawa." Lumabas si Mr. James at tinawag si Mang Tonying. Pumasok kami sa loob at nag-uusap usap. "Tonying, nakilala mo pala tong si Mark." "Yung dayo na kasama ni Chap sa labas?" "Oo, naalala mo ba yung hinulaan mo dito 25 years ago? Yung mag-asawang pinoy na si Mary Claire at Ric?" "Oo bakit?" Tinignan niya ako sa mukha at nakikita niya sa akin ang imahe ni Mama. "Sandali, ikaw ang anak ni Mary Claire?" "Opo." Sagot ko kay Mang Tonying. "Kaya pala pamilyar." Nahulaan niya rin ito dati na si Mama at Papa ay magkakatuluyan at magkaiba ang ugali pareho. Si Papa yung taong arrogante dati, mahilig makipag-away pero noong nakilala niya si Mama, nagbago ang lahat at naging mabait siyang ama. Tinawag ako ulit ni Mang Tonying at may sinabi siya sa akin. "Alam mo, baka maulit ang love story ni Mama at Papa mo sa iyo. Lahat ng sinabi ko sa kanila noon ay nagkatotoo." Tinignan niya ako at si Chap at nakikita niya ang imahe ni Mary Claire at Ric noong magkaibigan palang sila. May kinwento pa siya sa akin. "Alam mo ba ang ganda ng pagkakaibigan nila ni Mary Claire, Ric at James dati. Akala ko nga si James at Mary ang magkakatuluyan pero nagulat ako na si Ric ay aamin sa kanyang nararamdaman kay Mary Claire. Mahal ni James si Mary pero habang tumatagal mas napapalapit ang loob ni Mary kay Ric kahit badboy ito dati. Alam mo ba ang destiny mo malapit lang dito sa Thailand, yan ang nakikita ko sa vision ko. Buksan mo lang ang mata mo sa possibilidad." "Opo Mang Tonying pero hindi pa naman ako naghahanap ng kasintahan ngayon. Uunahin ko muna ang pamilya ko." "Hindi muna sa ngayon. May araw din na magtatapat sa iyo yang taong iyon. Magtiwala kalang." "Opo." Bumalik si Mr. James sa sala at nag-usap sila ni Mang Tonying sa kanilang transaksyon. Inutusan si Chap ni Mr. James upang bumili ng mga kakainin namin nitong gabi. Sinama ako ni Chap sa market at umalis kami saglit. Kinausap ni Mang Tonying about sa hula niya sa amin parehas ni Chap. "Huwag mong pakawalan tong anak ni Mary Claire. Nakikita ko mauulit ang kwento nila ni Ric." "Ha? kay sino naman iyon Tonying?" "Tignan mo ang anak mo at ang anak ni Mary Claire. Nakikita ko parehas ang ugali ng mga bestfriend mo." "Impossible naman ata sinasabi mo Tonying. Si Chap ay mahilig sa babae, hindi pa siya nagkagusto sa lalaki." "Matatanggap mo ba if magkaroon?" "Sa una, hindi kasi gusto ko ng apo pero kung mahal niya si Chap, why not diba?" "Hindi pa naman mangyayari ngayon pero balang araw mahahanap rin nila ang sagot parehas. Same cards ang nakikita ko sa kanila pareho." "Nako Tonying. Binibiro mo naman ako." "Kelan ba ako nagkamali ng hula?" "Hindi pa naman. Oh siya, ano na yung transaksyon natin." Patuloy sila nag-usap about sa isang bakanteng lupain sa Korat. Maganda ang lugar kasi malapit sa daan at maganda ang kalidad ng lupa. Mura lang binibenta ng may-ari at kailangan din para sa family business nila. "Okay, deal. Kailan ba tayo pupunta doon Tonying?" "Next week James. Sama mo si Chap para makita niya ang lupain doon." "Sige." to be continued... -----------proceed to next chapter----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD