Inutusan ni Mr. James si Chap na mamalengke sa market dito sa Korat. Ito ay isang napaka linis na siyudad sa bandang silangan ng Thailand at marami din mga pinoy na nakadestino rito. Isa ito sa may pinakamagandang tourist attractions dito sa eastern Thailand. Sinama ako ni Chap mamili ng kailangan namin para sa lulutuin namin mamaya. Umalis na kami patungong Marketplace. Naghanap muna siya ng parking slot upang i park ang kanyang kotse at para makapag libot-libot na rin sa loob. Ngayon ko lang nakita ang isang napakagandang marketplace na kung saan makakabili ka rito ng mga murang damit, pagkain at mga pang pasalubong. Tinanong ako ni Chap kung ilan ang pera kong dala.
"Mark, magkano ba dala mo diyan?"
"5k baht Chap, bakit naman?"
"Nagtatanong lang, baka sakaling kulangin ka pwede ka namang humiram sa akin."
"Sige."
Bago kami pumasok ni Chap sa loob ay naghanap kami ng bangko na kung saan pwede kaming mag withdraw ng pera. Nag withdraw siya ng 20k baht sa kanyang account at pumasok na kaming dalawa sa loob. Nagsimula kaming maglibot sa may dry section. Inuna muna naming bilhin ang mga gulay at prutas na kailangan sa bahay nila Chap. Bumili siya ng tig-iisang kilong kalabasa, carrots, ampalaya, sitaw, talong, labanos, papaya, kamote, patatas, kangkong, sibuyas, kamatis, at sili. Naglibot libot din ako sa paligid at may nakita akong shop na nagbebenta ng mga pinoy products gaya ng Chippy, Piatos, Nova at mga sangkap sa pagluluto. Pumunta muna ako sa store at bumili ng Mang Tomas, Toyo, Suka, Patis, Knorr Cubes, at mga Sinigang Mix. Medyo mahal lang ang presyo ng ganong produkto rito kasi malayo ang Pinas at mahal ang export price. Alam kong maraming masarap dito sa Thailand pero nakakamiss din kasi gamitin ang mga sahog na native sa gaya kong Pilipino. Pinuntahan ako ni Chap at nakita niyang bumili ako ng mga sahog.
"Hindi kana dapat nag-abala pa Mark. Magkano ba ginastos mo at isasauli ko." Sabi niya sa akin.
"Huwag na Chap. Maliit na bagay lang ito at namiss ko lang gamitin ang mga sahog namin sa Pinas. Nakasanayan na rin kasi namin ito at madalas na ginagamit sa kusina," Wari ko sa kanya.
"Oh sige. Ikaw bahala."Pumunta muna tayo doon sa may mga damitan. May nakita akong marked down na mga damit at nasa 50-100 baht lang ito. Heto ay mga overrun na damit at hindi pumasa sa quality control.
Bumili ako ng limang damit at lahat ng iyon ay iba-iba ang kulay. Tinulungan din ako ni Chap maghanap ng mga damit na maganda tignan sa akin. Kinuha ko din ang isang kulay violet na polo shirt dahil ito ay isa sa mga favorite kong color ng damit. Naglibot din kami sa ibang part ng market upang mamili ng mga shorts at pantalon na gagamitin ko pang araw-araw. Sa kakaiikot namin nakalimutan namin na alas kwatro na pala ng hapon at kailangan na naming mamili ng karne sa west side ng market. Pumasok kami sa left wing ng market centre at bumili kami ng mga iba't-ibang karne. Bumili si Chap ng tatlong kilong pork, tatlong kilong isda, tatlong kilong manok na hinati sa wings (1 kilo), legs (1 kilo) at breast (1 kilo). Bumili din siya ng seafoods gaya ng hipon dahil gusto niya magluto ako ng sinigang para sa hapunan namin.
Nakumpleto na namin ang binilin ni Mr. James sa amin at bumalik na kami sa sasakyan. Bago kami dumiretso sa bahay, dumaan muna kami sa isang ice cream stall malapit sa market center dahil ito ay isa sa mga favorite dessert store niya noong maliit pa siya. Nilibre niya ako ng chocolate sundae. Masarap ito compare sa mga sundae na nabibili ko sa MCDO at Jollibee dito sa Pinas. Napakasarap ng fudge nila at hindi gaano katamis. Hindi siya nakakaumay at isa ito sa gusto kong i recommend sa mga kapatid ko once dumalaw sila or pumunta dito sa Thailand.
Umuwi na kami ni Chap ngunit may traffic sa dinadaanan namin. Maraming mga sasakyan ang nakapila at medyo makitid lang ang daan dahil naka harang ang isang 6-wheeler na truck sa dinadaanan namin. Na stuck kami sa traffic ng ilang minuto at mahina ang daloy ng trapiko. Pagkaraan ng kwarenta minuto ay nakatawid narin kami sa nakaharang na truck at diretso na kami sa bahay nila. Nakarating kami bandang alas sais imedya ng gabi at kailangan na namin magluto.
"Kamusta, nagabihan kayong dalawa ah." Tanong ni Mr. James.
"Traffic po kasi Mr. James, kaninang 4:30 pa sana kami uuwi kaso nga lang may aksidente along the way."
"Ganun ba? Okay lang yun. Anyways, gusto kong makitang magluto si Mark. Okay lang ba sa iyo na magluto ka ng ulam para sa ating lahat Mark?" Pakiusap ni Mr. James.
"Sige po Mr. James, pero hindi po ako ganon kagaling magluto gaya ng iniisip niyo."
"Okay lang sa amin yun. Sabi ni Chap magaling ka daw magluto eh, nakailang kanin na daw siya eh. At isa pa, pag nandito tayo sa labas. Huwag mo na akong tawaging Mr. James, napakaformal kasi nun. Tawagin mo nalang akong tito since naging bestfriend ko rin dati ang nanay mo."
"Opo tito."
Nagprepare na rin ako ng mga sahog para sa lulutuin kong sinigang sa hipon. Habang nag-aayos kami sa kusina. Tinitignan kami ni Mr. James at ng kanyang mga tita sa likod.
"Parang si Mary lang at Ric ah. Kung naging babae lang tong si Mark. Siguradong may apo na ako. Sunod niya talaga ang ugali ni Mary na napakahumble, masipag, responsable at marunong umintindi at heto naman si Chap ay pagkahawig sa ugali ng asawa ni Mary. Hindi marunong magluto, mahilig magbiro, at madaling mapikon." Wari ni Mr. James.
"Kuhang kuha nga nilang dalawa eh." Sabi ng tita ni Chap.
"Alam kong sa babae lang nagkakagusto tong si Chap eh. Okay narin na maging close friends sila. Alam kong mababago ni Mark ang ugali ni Chap." Tugon ni Mr. James.
"Paano kung magkakagusto si Chap kay Mark? Matatanggap mo ba?"
"Hindi ko alam pero kung saan masaya si Chap susupportahan ko."
"Sabagay. Di mo rin ma expect ang mga bagay na dadating sa iyo. Tulad neto, tinanggap mo siya sa maraming nag apply sa iyong institusyon dahil nakita mo ang pangalan ni Mary, tama ba?" Tanong ng tita ni Chap.
"Alam kong hindi kami nagkatuluyan ni Mary noon pero masaya ako dahil hanggang ngayon naging maayos ang pagsasama nila. Special din itong si Mark dahil ang ugali niya ang kopyang kopya mismo sa nanay niya."
Habang nag-uusap ang tita ni Chap at si Mr. James. Busy kami ni Chap sa pagluluto ng pagkain. Tinuruan ko siyang maghiwa ng mga gulay at tamang paglagay ng mga spices sa pagkain. Nahihirapan siya dahil first time niyang magluto ng isang putahe sa kanilang bahay. Nagsimula kami sa pagluto ng sinigang. Tinuruan ko si Chap sa mga basic na gawain like pag gisa at tamang pag tantya ng tubig. Unti-unti niya naring natutunan ang mga basic na gawain sa pagluluto. Habang kumukulo ang sinigang sa may kabilang stove, nagsimla narin kami magluto ng adobong manok at isa ito sa mga niluluto ko dati sa bahay. Nilagay ko na yung manok sa kaldero at tinimplahan ng toyo, asin, paminta at mga dahon ng laurel. Nilagyan ko din ng kunting ajinomoto para may lasa siya at suka. Nung naluto na ang ulam namin, nilagay namin ito sa mesa at naglabas na rin kami ng mga plato. Maya maya'y dumating na rin si Ate May galing trabaho. Sumakay lang siya ng taxi papuntang Korat. Malayo ang binyahe ng Taxi at mahal ang singil sa kanya. Hindi na rin siya maka antay sa last bus na alas dyes ng gabi ang alis.
"Oh, Kakak? Andito ka din pala. Mabuti naman sumama ka kay Chap. Hmm. Ang sarap naman ng niluto ah. Alam kong ikaw yan ang gumawa, Mark."
Kwento ni Ate May na ako ang pinaluto ni Chap ng hapunan nila noong isang araw. Nasarapan si Ate May doon sa niluto kong sinigang at hinahanap-hanap niya iyon. Tinawag niya ang lahat pati na ang cute na maliit na bata na si Marty. Kamukhang kamukha ni Chap si Marty at parehas ding singkit ang mata.
Umupo na ang lahat sa mesa at nagsimula na lahat sa pagkain. Tinikman ni Mr. James ang niluluto ko at nahihiya ako dahil hindi ako kasing galing ni Mama magluto ng pagkain.
"Hmm. Naalala ko tuloy ang luto ni Mary."
"Oo nga, saktong sakto ang lasa." Tugon ng tita ni Chap.
Nasarapan si Mr. James sa niluto ko noong gabing iyon at napakuha ito ulit ng sinigang ko. Si Chap naman ay busy sa pagkain ng niluto kong adobong manok at naparami ito ng kain. Nagulat ang lahat na naka two rice si Chap dahil kadalasan iisang cup of rice lang kinukuha niya. Naparami ang kain ng lahat at masaya ako sa papuri ng Mr. James.
"Alam mo Mark, kuhang kuha mo talaga si Nanay mo. Kahit ang galing galing mo na sa ilang bagay, ang humble mo parin. Masarap ah, manang mana ka talaga kay Mary."
"Salamat po, tito."
Lumabas muna ako saglit at nagpahangin hangin. Maaliwalas ang panahon at kita ang mga butuin sa langit. Habang nag-iisip ako sa labas, naalala ko tuloy ang mga masayng moments namin ni Great. Alam kong masakit ang paghiwalay namin pero habang naiisip ko ang mga masasayang moments naming dalawa, hindi ko parin mapigilang umiyak at maalala ang mga nangyari.
Lumabas din si Chap sa bahay at naghanap ng signal. Nakita niya ako sa gilid na nag hagulgol sa puno. Nilapitan niya ako at kinausap.
"Okay ka lang ba, Mark?"
"Oo, okay lang ako Chap."
"Bakit umiiyak ka?" Tanong niya sa akin
"Wala lang, may naalala lang."
"Sabihin mo sa akin, willing ako makinig."
"Naalala ko tuloy ang ex ko."
"Ano nga ba nangyari sa inyo before?"
"Sinabay niya ako sa isa niyang karelasyon. Masakit lang dahil mahal na mahal ko siya pero pinili niya parin mag cheat sa akin. Naghanap siya ng ibang gf."
"So ibig sabihin, lalaki tong ex mo?" (nagulat siya ng malaman na lalaki ang ex partner ko.)
"Oo Chap."
Iniyak ko lahat ng sama ng loob at sakit noong gabing iyon. Dinamayan niya din ako at ikinwento niya ang kanyang karanasan sa gf niyang nabuntis ng ibang lalaki.
"Alam mo bang may GF na akong gustong pakasalan. 5 years na kaming mag BF-GF ngunit isang araw, inamin niya sa akin na hindi ako ang ama ng anak niya at buntis siya. Iyon din ang araw na nakita kita sa daan. Pasensya kana dun ah. Mainit lang ulo ko nun dahil hindi ko alam kung anu magiging reaksyon ko."
"Okay lang yun. Napatawad naman kita eh."
"Parehas talaga tayo nanggaling sa sawing pag-ibig no?"
"Oo nga." (sabay tingin sa mata ni Chap)
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata at labis siyang nasaktan doon sa ex-gf niya. Umiyak din siya sa harap ko at agad ko siyang niyakap. Binigay ko ang oras na iyon sa kanya para ipalabas ang sama ng loob niya.
Lumabas si Mr. James at nakita niya kaming nagyayakapan ni Chap sa ilalim ng puno. Napangiti nalang ito sa malayo at napaisip.
"Possible din pala tong sinasabi kanina ng pinsan ko. Kung saan ka masaya Chap. Susupporta ako."
Medyo napatagal siya sa pagyakap sa akin at niyaya ko siyang pumasok sa loob. Inayos niya na ang higaan niya sa kanyang kwarto at nag latag ako ng higaan sa sahig. Ayaw pumayag ni Chap dahil malamig ang sahig nila tuwing madaling araw kaya naisipan nalang niya na tumabi kami sa iisang kama.
Natulog na ako noong oras na iyon at siya ay busy parin sa panonood ng movie sa phone niya. Pinagmasdan niya ang mukha ko at agad itong napangiti. May tumatakbo sa isip niya noong time na iyon.
"Kung sakali ikaw man ang sinasabi ni Mang Tonying, sana maging kaibigan tayo hanggang sa huli. Hindi kita iiwan. Pangako yan."
Dinalaw narin ng antok si Chap at natulog.
----------proceed to the next chapter--------