MALAKI ang pasasalamat ni Sassa kay Pilita dahil sa labis na pagmamahal nito sa kuya niya. Kahit na alam niyang mahirap para ditong malaman na handa nang lumayo rito ang Kuya Alex niya kasama ang babaeng totoong mahal nito, iniuwi pa rin nito ang bangkay ng kuya niya sa Sta. Catalina. Ang ama nito ang lumikom ng pera na kinailangan nila para makauwi sila. Labis siyang nagpapasalamat dahil alam niyang kung siya lang, hindi na niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung paano ipapalibing ang kapatid niya. Alam niyang hindi magiging sapat ang maliit na ipon niya at ang perang iniwan ng kuya niya sa kanya. Halos si Pilita rin ang umasikaso ng lamay sa bahay ng mga ito. Hindi kasi siya mapakinabangan. Hindi siya makausap nang matino ng mga nakikiramay. Wala siyang ibang ginawa kundi ang

