NAGTUNGO kaagad si Sassa sa bahay nina Phillip nang matanggap niya ang text message ng nobyo niya na pinapapunta siya nito roon kahit pa alanganing oras na ng gabi. Gusto niyang makibalita tungkol kay Glanys. Gusto rin niya ng makakaramay at mapagsasabihan ng tungkol sa nangyari sa kuya niya. Kaagad siyang pinapasok ng guard at sinabihang tumuloy na siya sa loob. Katahimikan ang sumalubong sa kanya pagpasok niya sa marangyang tahanan. May isang kawaksi ang lumapit sa kanya at sinabihan siyang nasa bar si Phillip at hinihintay siya. Pagdating sa bar ay nakita niya na tila tubig na tinutungga nito ang isang bote ng alak. Kaagad niya itong nilapitan at kinuha ang bote. “Ano’ng nangyayari sa `yo?” nag-aalalang tanong niya. Nagliliyab sa galit ang mga mata nitong napatingin sa kanya. Marahas

