34

2736 Words

“MOMMY?” Nilingon ni Sassa ang anak niya na nagising na mula sa pagkakahimbing. Malapit nang sumikat ang araw at patuloy pa rin sila sa paglalakbay palayo sa Sta. Catalina. Nang makalagpas sila nang tatlong bayan ay iginiit ni Phillip na dumaan sila sa ospital o sa clinic man lang. Tumanggi siya. Sapat na ang first aid na ibinigay ni River sa kanya.  Dumaan sila sandali sa isang gasolinahan at bumili ng gamot, bandages, yelo, at ilang pagkain. Mas maayos na ang pakiramdam niya. Nasanay na marahil ang katawan niya sa pambubugbog ni Benito sa kanya. Niyakap niya ang kanyang anak at hinagkan ang pisngi nito. “Good morning, baby,” bati niya rito. Labis ang pasasalamat niya na naging matiwasay ang pag-alis nila. Sana ay magtuloy-tuloy ang matiwasay na paglalakbay nila. Hindi pa niya alam kun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD