31

2125 Words

PATUNGO na sana si Sassa sa isang bakanteng classroom upang magpahinga nang may bigla na lang humawak sa braso niya at hinila siya patungo sa kung saan. Masakit ang katawan niya kaya ipinaubaya muna niya sa mga kasama ang pamumudmod ng mga pagkain. Sandali lang naman siya magpapahinga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Phillip ang humila sa kanya. Kinakabahan na nagpalinga-linga siya sa paligid. Sana ay walang nakapansin na nagtungo sila roon. Kaagad niyang binawi ang braso niyang hawak nito. Pamilyar na pamilyar ang pakiramdam ng balat nito sa kanya.  Bumilis ang t***k ng puso niya. Pakiramdam niya ay buhay na buhay ang bawat himaymay ng katawan niya. Napakahirap paniwalaan na magkaharap uli sila nito. Hindi niya alam kung anong damdamin ang paiiralin niya. Nais niyang manatili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD