BINUKSAN ni Benito ang pinto ng closet. “Ipaghanda mo ako ng susuotin.” Tumango lamang si Sassa at tahimik na tumalima. Pagkatapos nitong maligo ay siya naman ang gumamit ng banyo. Muntik na naman siyang mapaluha nang makita ang kanyang sarili sa salamin. Kalunos-lunos ang hitsura niya. Mugtong-mugto ang mga mata niya mula sa magdamag na pag-iyak. Puno ng pasa ang buong katawan niya. Kahit ang simpleng pagkilos ay nahihirapan siya, napapangiwi siya dahil sa sakit. Paglabas niya ng banyo ay wala na roon ang kanyang asawa. Humiga siya sa kama. Hindi na niya tinangkang harapin pa ang anak niya nang umagang iyon. Alam niyang magdadahilan si Benito sa bata. Hindi niya gusto na makita siya nito sa ganoong kalagayan. Buong umaga siyang humiga at bumawi ng tulog. Pilit niyang kinumbinsi ang kan

