29

1481 Words

“MAGTATANDA ka na siguro, Alessandra. Hindi mo na marahil uulitin ang ginawa mo ngayong araw. Sinabi ko na sa `yo dati na wala kang pakialam sa lahat ng gagawin ko. Sa susunod, pagsasabihan mo rin ang hipag mo. Magpasalamat siya at ikaw na ang umako sa parusa niya.” Halos wala nang mawawaan si Sassa sa mga sinasabi ni Benito. Marahas na itinulak siya nito papasok sa walk-in closet niya. Nalugmok siya sa sahig. Narinig niya ang pagsara ng pinto. Alam niya na ikinandado ng asawa niya ang pinto upang hindi siya makalabas. Nanatili siyang nakalugmok sa carpet. Hindi maampat ang kanyang mga luha. Hindi lamang katawan niya ang nananakit mula sa pambubugbog ni Benito, pati ang puso niya ay kumikirot. Mas iniiyakan niya ang nararamdamang kirot ng kanyang puso kaysa sa kirot ng kanyang katawan. G

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD