GALIT at takot ang namamayani sa buong pagkatao ni Phillip habang nagmamaneho siya pauwi. Hindi niya inakala na magagawa ng lolo niya na idamay ang isang inosenteng bata. Kagaya ni Sassa, walang kasalanan ang bata. Hindi dapat na mapahamak ito dahil lang sa ama nito. Nagagalit siya sa lolo niya dahil kaya nitong manakit ng inosenteng nilalang. Hindi naman niya kailangang kumpirmahin sa lolo niya na ito ang may kagagawan ng nangyari sa pamangkin ni Sassa. Alam niyang seryoso ito sa pagsasabing gaganti ito. Hindi ito basta-basta mananahimik pagkatapos makaladkad ang pangalan nito, pagkatapos ng lahat ng kahihiyang hinaharap nito. Hindi siya naniniwalang coincidence lang ang lahat. Masyado namang minamalas si Sassa kung nagkataon lang na nasagasaan ang pamangkin nito at tinakbuhan pa ito ng

