25

1572 Words

“NASAAN na `yong polo kong navy blue? Iyon ang gusto kong isuot ngayon.” “Ihahanda ko, Benito,” tugon ni Sassa sa kanyang asawa na patungo na sa banyo upang maligo. Binuksan niya ang closet nito at inilabas ang gusto nitong polo. Maingat niyang inihanda ang lahat ng susuotin ng kanyang asawa sa araw na iyon. Inihanda na rin niya ang bag nito at sinigurong naroon ang lahat ng kailangan nito sa buong araw. Nang masiguro niyang maayos na ang lahat ay lumabas siya ng silid nilang mag-asawa at bumaba. Naihanda na ng mga kawaksi ang dining table para sa almusal. Ibinaba na rin ng yaya nito si James na nakabihis at nakahanda na sa pagpasok sa eskuwelahan. Hinagkan agad siya ng kanyang anak. “Mommy! Mabango na ako!” Natatawang pinupog niya ng halik ang buong mukha at leeg nito. Humagikgik ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD