“KUMUSTA ka na?” Nginitian ni Sassa si Pilita na kasama niya sa canteen ng eskuwelahan. Hinihintay niyang matapos ang klase ni James, ito naman ay hinatiran ng tanghalian ang pamangkin niya. Nagkukuwentuhan sila habang wala pa ang anak niya. “Okay naman, Ate,” tugon niya. “Ikaw, kumusta ka na?” Mahigit isang linggo na siyang hindi nakakadalaw sa pamilya nito dahil naging abala siya sa pag-aayos sa bahay at sa ilang charity events ni Benito. Mula nang malaman niyang ipinagbubuntis niya si James, si Pilita ang naging katuwang niya. Inakala niya na nag-iisa na lamang siya sa mundo at susuko na sana siya kung hindi dahil dito. Ito ang sinandalan niya noong mga panahong wala na siyang makapang pag-asa sa kanya. Ito ang nagbigay-lakas sa kanya. Ito ang nagpaalala sa kanya ng tungkol sa pagma

