MABILIS ang t***k ng puso ni Sassa. Takot na takot siya habang papasok sa bakuran ng isang bahay. Natatakot siya hindi sa haharapin niya sa bahay na iyon. Mas natatakot siya sa kakaharapin niya pagkatapos nila roon. Hinawakan ni Pilita ang kamay niyang nanlalamig nang husto. Hindi niya magawang magalit o mainis man lang dito dahil abala siya sa pag-iisip kung paano maitatama ang bagay na iyon kay Benito. Inihahanda na rin niya ang kanyang sarili sa mga maaaring maganap. “Ako ang bahala sa `yo, Sassa,” ani Pilita habang hinihila siya patungo sa bahay. Sinundo siya ng hipag niya sa bahay nila nang hapong iyon. Niyaya siya nitong mamasyal. Ipinagpaalam na raw siya nito kay Benito. Ang akala pa naman niya ay kung saan siya nito dadalhin. Nagtungo sila sa pinakasulok na baryo sa Sta. Catalin

